39.

305 26 30
                                    

ㅡ Aeri's

Pumasok na ulit ako ng guest room at naabutan ko namang ng sesetup na ng papanoorin namin mamaya sila Shai, Sunoo at Jungwon habang si Ni-ki ay nakahigang nagcecellphone lang sa gilid.

"Dapat talaga yung mga pabigat di na sinasama eh."  Sunoo.

"Tama hyung, dapat hindi kana sumama talaga."

Ni-ki said habang nakatuon pa din ang tingin sa cellphone nya kaya binato sya ni Sunoo ng unan sa gilid.

Hays, eto na naman po sila! simula na naman ng bardagulan nila.

Hindi ko nalang sila pinansin at dumiretso na sa cr netong guest room para maligo. mayamaya lang din ay natapos na ako kaagad saka ako nag bihis ng pantulog at naabutan ko silang nakaupo na sa sahig habang may dalang pop corn, ramyeon, at soda kaya naupo na ako sa tabi ni Shai.

"Ano papanoodin natin?"

I asked at kumuha ng pop corn.

"The conjuring."

Shai shortly said so i just nod at nanood  na din.

Shuta andami palang pajump scares sa movie na to! kaya napapayakap ako bigla kay Sunoo at Shai eh!

"Tangina demonyo ang pangit ng mumu."

"Oo parang ikaw."

"Gago mas pangit ka naman."

"Ang kapal ng mukha mo ah!"

"Shh! Punyeta wag kayong maingay o ipupukpok ko tong remote sa ulo nyo?"

I said dahil nag babardagulan na naman tong sila Sunoo at Ni-ki sa tabi ko!

At buti nalang nanahimik na sila kakabangayan dyan dahil kung hindi baka kanina ko pa sila sinipa sa pwet palabas ng kwarto.

"HAYYY INAANTOK NA AKO!"

Naghikab pa man din si Jungwon matapos sabihin yun.

Sakto namang kakatapos lang ng movie na pinapanood namin kaya napag desisyunan na naming iligpit ang mga pinagkainan namin at mahiga sa kama.

"Hoy shuta ni-ki lumayas kana nga dito, ikaw yung nagpapasikip eh."  Sunoo.

"Bakit ako? baka ikaw yun! laki kaya ng sakop mo!"  Ni-ki

"Jungwon, usog ka mahuhulog na ako dito!"  Shai

"Oks lang, pake ko sayo."  Jungwon

Puta hindi ba sila mananahimik? halos kanina pa ako naiistress sakanila simula nung pumunta sila dito para manggulo!

"Tumigil na nga kayo gago hating gabi na tayo nalang ang maingay! baka mamaya batuhin nalang tayo bigla dito."

I said kaya tumigil na sila kakabangayan kahit na naririnig ko pa silang mag bulungan kaya hindi ko nalang sila pinansin at tumalikod na para sana ipikit na ang mga mata ko pero hindi ako makatulog!

Ilang oras na din akong nagpapa ikot ikot dito sa kama habang katabi ko na mag kayakap Sunoo at Ni-ki, si Shai at Jungwon.

Edi sabaok may kayakap.

At dahil hindi nga ako makatulog ay tumayo ako sa pagkakahiga ko dahil nakaramdaman din ako nangpagka uhaw.

Napatingin naman ako sa mga kasama kong mahimbing ang tulog. Shuta, mas nauna pa silang nakatulog saakin ah?

Napailing nalang ako saka sinuot ang tsinelas ko at nag lakad papuntang pinto.

Bumungad saakin ang malamig na simoy ng hangin kaya naman napayakap ako sa sarili ko.

Hindi talagaako makatulog ngayon kaya magkakape nalang siguro ako. weird man pakinggan pero kape talaga ang pampaantok saakin.

Dumiretso na lang akong kitchen area at nagtimpla na ng kape sa tasa, baka mamaya mag taka sila kung bakit gabi gabi palaging bukas yung ilaw dito sa kitchen area!

At lalabas na sana ako ng kitchen area dala ang tasa ng kape ko ng bigla akong magulat nang makasalubong ko si Jay na papunta sa gawi ko.

Bakit hindi pa sya natutulog?

Nagkatinginan lang kami nang saglit bago nag iwasan ng tingin sa isa't isa.

Naiilang pa din kami sa isa't isa, naalala ko tuloy yung pagtatalo namin kanina! Hindi ko tuloy alam kung kakausapin ko sya o aalukin ko syang magkape.

In the end, nilagpasan nya lang ako at kumuha ng tubig sa ref kaya napairap nalang ako sa kawalan at akmang aalis na sana ako ng bigla syang mag salita.

"Aeri.."

Abnormal na ata ako pero biglang parang dinamba yung puso ko ng sabihin nya yung pangalan ko.

"Hmm? bakit, Jay?"

Tinitignan nya lang naman ako ng mabuti habang sinusuri.

Teka ano bang kaylangan nya? shuta ang init ng kapeng dala ko oh.

"Huy Jay? kung wala ka ng sasabihin, aalis na ako dahil ang init pa ng dala kong kape eh."

Jay look at me for the last time and sighed.

"Nothing, go on matulog kana katabi si Sunoo."

Why did he sound irritated?

Pero huh? ano bang ibig nyang sabihin, hindi lang naman si Sunoo ang katabi kong matulog eh.

"Ha? hindi lang naman si Sunoo ang katabi kong matulog eh, si Shai pa. pero sige sabi mo eh, mauuna na ako bye."

I said at diretso ko na syang tinalikuran para magpunta ng guest room.

Sana pala hindi ko nalang sya naka salubong, hays mas lalo nya lang ginulo ang isip ko.

Naabutan ko lang namang mahimbing ang tulog nila Shai, Sunoo, Jungwon at Ni-ki ng makarating ako ng guest room.

Napailing nalang ako ng dahil dun. wala namang bago, palagi naman silang magulo matulog at naghihilik pa.

Since hindi pa talaga ako makatulog, pumunta nalang ako sa balcony nitong guest room at sumalubong saakin ang malamig na simoy na hangin at tahimik na kapaligiran kaya napainom ako sa kape ko.

Naupo ako sa isang upuaan sa gilid saka ninamnam ang katahimikang bumabalot ngayong gabi.

Sana ganto nalang palagi no? sana tahimik nalang, mapayapa, at higit sa lahat peaceful na walang iniisip na kahit anong problema.

Saka ko lang din narealize na ang dami ko na palang napagdaan sa buhay. masyado pa akong bata para maranasan lahat ng to, pero siguro nga nakatadhana ng mangyari at ibigay saakin lahat ng pagsubok na to.

Binabantayan nya kaya ako?

Ano kaya ang magiging reaksyon at mararamdaman nya pag nalaman nyang ganto ang nangyayari saakin ngayon? sa mga nangyari saakin simula ng mawala sya?

Bakit kasi ang aga mo kong iniwan?

Napabuntong hininga nalang ako saka tumingala sa madilim na kalangitan na napapalibutan ng bilog na buwan at ng mga kumikinang na bituwin.

Asan kaya sya dyaan? malamang sya ang pinakamagandang bituwin ngayon.

13 years na din ang nakalipas simula ng mapabilang sya sa mga magagandang bituwin sa kalangitan, kaya kung minsan nag tataka kayo kung bakit palagi akong tumitingin sa mga bituwin sa itaas? kasi nandun sya.

"Ma.. kamust kana? miss na miss po kita."

✄┈┈┈

❝ARRANGED❞ | ᴘᴊꜱWhere stories live. Discover now