44.

293 26 4
                                    

ㅡ Aeri's

"Where do you want to go?"

Aba teka bakit ako ba ng ako ang tinatanong nya dyan?

"Teka libre ba to? ako palagi mong tinatanong eh."

Tinignan ko naman ang oras sa cellphone ko at 5pm palang naman ng hapon so may oras pa kami.

"Tss, ayaw mo ba? minsan na nga lang ako mag aya."

Sus hindi naman sya mabiro dyan!

"Hoy charot lang, tara bili tayo ng pang exchange gifts sa christmas party bukas? aattend ka naman diba?"

"Yeah, let's go."

Hindi naman na ako nagulat ng hawakan nya ulit ako sa kamay at hilain papunta sa isang clothing store. siguro dapat na akong masanay na palagi nyang hinahawakan yung kamay ko?

Nagikot ikot lang kami dito sa isang clothing store dahil hindi ako makapag decide kung sino at ano bang gamit ang una kong bibilhin para regaluhan!

"Uhm Jay ano sa tingin mong magandang iregalo kay Ni-ki?"

Sya nalang ang tatanungin ko tutal magaling naman sya sa fashions eh.

Pwede bang sama ng loob nalang ang iregalo ko sakanya tutal araw araw din naman akong binibigyan ng batang hapon na yun so why not ibalik sakanya diba, charot.

These days kasi masyado ng nagiging more manly si Ni-ki eh, I mean puberty hits him so hard talaga at kung compared dati ang matured nya na ngayon pati sa mga pormahan nya.

Oa man pakinggan pero hindi pa talaga ako ready na lumaki si Ni-ki. I mean i grew with him, 3 years ang agwat namin at para ko na din syang totoong nakakabatang kapatid. ansarap lang sa feeling na kasama ko syang lumaki at lalakii pa sya sa harap ng mata ko.

"I think he would like this."

Jay said at pinakita saakin ang damit na polo na may kasamang blazer na talagang babagay kay ni-ki dahil ganyan ang mga pormahan nya ngayon

"Hala oo nga! ang galing mo talaga pumili, for sure magugustuhan to ng batang hapon na yun!"

I said at nginitian sya saka nagpunta kami sa ibang sections ng iba't ibang damit, sapatos, etc.

I bought Sunoo a Cardigan and bucket since he likes wearing that. I bough Jungwon coat puddle at knitted vest dahil mukhang cute yun sakanya, siguro ihuhuli ko nalang si Shai dahil sa womens section pa ako pipili ng sakanya syempre.

Bumili na din ako ng regalo para kila Sunghoon na longsleeve na stripes at turtle neck na comfy suotion at para kay Jake naman ay sapatos at Hoodie.

"Ayan complete naㅡ ay teka parang may kulang?"

Wala pa akong nabibili kay Heeseung!

Shuta hindi ko naman alam ang ireregalo ko kay Heeseung dahil hindi ko alam ang type nya.

Baka ako, charot.

"Huy Jay, ano sa tingin mo yung regalong magugustuhan ni Heeseung?"

I said at bussy pa din ako kakahanap ng pwedeng iregalo sakanya.

"Ay parang bet ko sya bilhan ng perfum at polo hehe."

Narinig ko naman ang pagtikhim ni Jay sa gilid kaya napatingin ako sakanya.

"Can you just hurry there? look andami mo nang napamili, its heavy."

Jay said at napairap pa sya.

Aba anong problema neto? edi wag nyang dalhin! hindi ko kaya sya bilhan ng gift dyan, charot.

"No need to give heeseung a gift cause for sure he already have all of the things."

Ay weh all of the things talaga? at bakit ang bitter nya dyan?

"Wala kang pake, gusto ko syang regaluhan eh. Ikaw, bakit hindi mo din regaluhan si stephanie?"

I said at kinuha ang mga damit na pinahawak ko sakanya at napauna ng maglakad. Shuta, ang bigat nga! siguraduhin lang talaga nila Sunoo na magpapakabait na sila saakin kasi kung hindi nako baka masampal ko na sila.

Pumunta na ako sa men's perfum section at dun nagtry at pumili ng mga perfum na feel kong babagay kay hee.

Sana lang talaga magustuhan nya.

Pagkatapos nun at bumili na din ako ng mga ireregalo ko kay Kuya Jun at sa mga parents namin sa pasko at damit na din na ireregalo ko pang exchange gift para sa section namin at pag talaga mug at twalya na naman ang nakuha ko ipupukpok ko nalang yung mug sa ulo nila at ipupulupot sa leeg nila yung twalya shuta.

I mean hindi naman ako maarte pag dating sa regalo pero puta nakakasawa na kasi, tuwing christmas party puro mug na baso at twalya nalang ang nakukuha ko kahit na worth 500 pesos ang budget! sana pinera nalang, hays.

Andami kong magagastos ngayon ah.

At paalis na sana ako ng biglang mahagip ng atensyon ako relo na tingin ko ay babagay kay Jay.

Gusto kong bilhin para sakanya.

Lumapit ako dun at binili na kaagad yun dahil alam kong babagay talaga yun kay Jay, excited na akong maisuot nya to.

Natapos na ako sa pamimili at binayaran ko na lahat ang napamili ko.

Asan na kaya si Jay? iniwan ko kasi eh shuta.

Nagthankyou naman ako matapos malagay na sa lahat ng paperbag yung mga napamili ko at saka ako lumabas na ng store at dun ko naabutan si Jay na kakalabas lang din galing sa isang jewelry shop na mukhang mamahalin.

Teka anong ginawa nya dun?

Syempre bumili Aeri, alangan naman tumambay nya sya dun kasi trip nya lang dba?

"Are you done?"

Ay hindi, hindi pa ako tapos kaya nga kakalabas ko lang eh.

Gusto ko sana syang pilosopohin kaso naalala ko yung pagtatalo namin kanina hays tinopak ata sya nun.

"Yeah, pero pwede ba tayong dumaan muna ng makeup store at watsons? may bibilhin lang ako dun na ireregalo ko kay Shai, Ate, Mom at kay titamom."

I said at tumango lang sya at nag offer na dalhin yung mga dala kong paper bags at pinaubaya ko nalang. pero syempre hindi ko binigay isama yung paper bag na naglalaman ng relo na regalo ko sakanya, suprise to 'no! kahit na alam kong wala syang regalo saakin

Haha de oks lang, sino ba naman ako para regaluhan diba?

Nang matapos naman ako makapamili ng regalo ko sakanila sa makeup store ay dumiretso na ako ng watson para regaluhan din si Sunoo ng skin care dahil alam kong dakilang maarte yun at matutuwa pag nireguluhan ko sya ng  mga skin care products. Binilhan ko din si Heeseung ng ginger at lemon tea since kumakanta pala sya. at syempre hindi ko naman makakalimutan na favorite ni Jay yung honey kaya binilhan ko din sya nun.

Binyaran ko na lahat yun sa counter at lumabas na din agad pagkatapos at naabutan ko naman si Jay na may kausap sa cellphone nya.

Sino naman kaya yun?

"Okay babe bye, Iloveyou."

Ay may pa 'iloveyou'? for sure girlfriend nya yun syempre babe nya lang naman ang masasabihan nya na ganon.

Sabaok, nakakaiyak pag walang jowa.

"Are you done?"

Tumango lang ako sakanya bilang sagot.

"Didn't you buy a gift for yourself?"

Confuse na tanong nya kaya napailing nalang ako.

"Hindi na kaylangan, I already have enough things at ang sabi ng mama ko ay matuto daw magtipid kung hindi naman kaylangan. kaya let's go na?"

Tumango nalang sya at tinulungan na ulit ako magdala ng mga paperbags hanggang sa makapunta kaming parking lot at nilagay sa backseat ang mga napamili nakin. jusko andami ba naman neto!

Sumakay naman na ako ng passenger seat at nagseatbelt na saka sumandal at ipinikit ang mata ko.

Napagod ako dun ah.

✄┈┈┈

❝ARRANGED❞ | ᴘᴊꜱWhere stories live. Discover now