31.

304 31 25
                                    

ㅡ Aeri's

Kung pailang beses na akong nag paikot ikot dito ng higa dito sa sofa ay hindi ko na din alam. shuta, buti nga hindi ako nahuhulog eh.

Hindi talaga ako mapakali dahil kanina pa ako hindi makatulog!

Syempre normal lang naman yun dahil first time ko palang dito sa Mansion nila at mahohomesick pa din ako. like hindi ko pa talaga kayang matulog sa ibang kwarto except sa dati kong room at sa room na din sa bahay nila Sunoo, Jungwon, Shai at Ni-ki pag nag oovernight.

Napabuntong hininga ako at saka inalis ang takip ng kumot na nakabalot sa katawan ko. hindi talaga ako makatulog bwisit.

Chineck ko muna ang oras sa cellphone ko bago ako magdecide tumayo para lumabas.

1am na pala.

Teka bakit wala pa si Jay? at saan naman nagpunta ang lalaking yon alauna na ng umaga hindi pa din sya bumabalik ng kwarto simula matapos ang dinner namin kanina, saan naman kaya nagsusuot si angry bird?

Like hello wala naman akong pake kung saan sya magpupupunta ng gantong oras, di kaya may lahi bang aswang ang lalaking yun?

charot ang pogi naman nyang aswang, rawr.

Hays tanginang utak to.

"Shuta, anak ng tinapa na yan ang dilim na nga sa loob ng kwarto ni Jay tas ang dilim pa dito sa Mansion. baka mamaya mapagkalaman pa akong mag nanakaw neto sa suot ko eh."

Ang shala din netong mga Parks eh, grabe kung makatipid ng kuryente talagang patay lahat ng ilaw at tanging maliit na ilaw na lang ang mga natira!

Binuksan ko naman ang flashlight ng cellphone ko habang pababa ako ng hagdan dahil baka mamaya ay maligaw pa ako dito at mahirap na.

Sa totoo lang isa din sa dahilan ang paghahanap ng malalamon ko ngayon kung bakit hindi ako makatulog eh, nagugutom na naman kasi ako! kaya heto ako papunta ngayon nasa kusina at mag kalkal ng pagkain sa ref.

Sana lang talaga hindi ako mapag kamalang akyat bahay.

Hindi naman sila siguro magagalit kung maubos ko yung mga chocolates at tirang mga ulam kanina no? hehe pasensya na gutom lang.

"Hala gago andaming pagkain huhubels, bakit walang ganto sa Mansion namin?"

Shuta nakakalula naman mga pagkain nila dito sa ref, para tuloy akong nasa grocery store!

Kumuha lang ako ng chocolates, cake, ramyeon, at fishcake. kumuha na din ako ng strawberry at saka ko yun inoven.

Oo, inooven ko na din yung strawberry dahil sa batang hapon na yun dahil naimpluwensyahan nya ako. nung una akala ko weird magiging lasa pero mali pala ako dahil lasap na lasap ko ang tamis nang pagibig na kahapong di na maibabalik.

Nilantakan ko lang lahat ng pagkain na kinuha ko dahil hindi naman pwedeng mag sayang ako ng pagkain diba ako na nga lang nakikitira dito eh, nadagdagan pa tuloy sila ng palamunin.

Niligpit at hinugasan ko na din yung mga pinagkainan ko dahil baka pag gising ko ng umaga bukas, baka tumambad nalang saakin yung mga gamit ko sa labas ng mansion, char.

At papalabas na sana ako ng kitchen area ng magulat ako ng biglang may yumakap mula sa likuran ko.

Tangina sino to? lord gusto ko pang mabuhay please.

Shuta ang bigat ng braso nya kaya for sure lalaki tong nakayakap sakin sa likuran!

Nagsimula na kong kabahan at pilit ginagalaw ang katawan ko pero hindi ako makawala sa yakap nya saakin, masyado syang malakas.

❝ARRANGED❞ | ᴘᴊꜱΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα