51.

286 28 8
                                    

ㅡ Aeri's

Agad naman akong napakapit ng mahigpit sa braso ni Jay at inalalayan nya akong maupo sa isang shed dito sa amusment park.

So sumunod pala sya dito..

"Here, drink some water para mahimasmasan ka."

Jay said at inabutan ako ng bottle water na kaagad ko din namang tinanggap at ininom yun.

Napahinga pa ako ng malalim ng matapos akong uminom ng tubig at hingal na hingal na tinignan sya.

"Thankyou."

"Yeah, are you okay now?"

Tumango nalang ako sakanya bilang sagot kaya katahimikan ang bumalot samin.

"Asan na pala sila Sunoo?"

"They said mauna na daw sila, may iba pa daw silang sasakyan na rides kasama sila Jungwon at Shai so i guess akin ka muna."

'Akin ka muna..'

Tangina talaga, grabe ang pafall!

"Ha?"

"I m-mean, saakin ka muna sumama. where do you want to eat?"

He said at nagiwas pa ng tingin matapos sabihin yun.

Yun naman pala eh, sana nililinaw nya muna ang sasabihin nya! ayoko ng paasa duh.

"Let's go? let's buy some corndog."

Agad naman akong napatango at pumunta na kami sa isang nag titinda ng corndog dito sa amusment park.

At habang naghihintay kami sa pila ay napalingon ako sa paligid at dun nahagip ng paningin ko yung isang nagtitinda ng corn kaya agad akong napapunta dun para bumili.

Bibilhan ko si Jay since favorite nya to.

Agad din naman akong nakabili since hindi naman masyadong mahaba ang pila at wala masyadong bumili.

Napalingon naman ako sa gawi ni Jay na mukhang iritado nang nagaantay sa pila dahil masyadong mahaba yun.

Matuto syang magtiis dyan.

Napatawa naman ako sa sarili kong naisip kaya since mahaba pa naman ang pila nya dun, kinuha ko yung pagkakataon para pumuntang parking area netong amusment park dahil kukunin ko ang regalong ibibigay ko kay Jay mamaya sa kotse ni Jungwon.

Deserve nya yun para na din sa mahabang pasensyang pag aantay sa pilahan ng corndog.

At buti nalang alam ko ang password netong kotse ni Jungwon kaya agad ko ding nabuksan ang kotse nya saka ko kinuha yung paper bag na naglalaman ng relo at honey na binili ko para sakanya.

Nakangiti akong bumalik at sakto namang kakatapos lang bumili ng corndog ni Jay at napakunot ang noo nya dahil sa mga dala ko ngayon.

"Where did you get that?"

"Ah eto? binili ko tong corn dun sa kabilang stall, para sayo yan since favorite mo corn diba?"

Nakita ko namang napangiti sya ng palihim dahil dun kaya napangiti na din ako saka inabot ang corn na binili ko.

Abnormal lang no? parang kanina lang nag aaway pa kami pero ngayon magka sundo na naman kami.

"Yeah thankyou, and here's your corndog. this is peace offering, i guess? sorry sa nagawa ko kanina."

Napangiti naman ako sa inasta nya, first time ko syang marinig magsorry at sincere pa.

"Its okay, apologize accepted."

❝ARRANGED❞ | ᴘᴊꜱOnde as histórias ganham vida. Descobre agora