23.

302 26 7
                                    

a/n: anyways, congrats to enhypen for winning ROTY and Best Artist Award on Asian Artist Award!! well deserved.♡

ㅡ Aeri's

Nagising nalang ako kinabukasan dahil sa sinag ng araw na tumamata at nang gagaling sa bintana ko.

Sinong nag bukas ng bintana? Istorbo ng tulog.

"Aeri gising na apo.. jusko kang bata ka! kay tanghaling tapat na eh tulog ka pa din? tulog mantika ka talaga haynako! papadating na ang mommy at dady mo, pinapabangon kana at may pupuntahan daw kayo.."

Boses agad ni lola manang ang bumungad sakin. bakit nya ba ako ginigising agad? wala naman akong pasok ngayon.

"Ayoko pa pong tumayo inaantok pa ako.."

"Ay nako ka hindi pwede! papadating na ang mommy at daddy mo, ngayon ang uwi ni ate mo galing states.. kaya hala sige bumangon ka na riyan at mag agahan na sa baba para makapag ayos kana."

Lola manang said habang tinatapik pa ako para magising.

Huh? so ngayon pala uuwi si ate?

Ay bakit pa sya uuwi? char.

"Hmm.. sige po, susunod nalang po ako sa baba."

Tinakpan ko ulit ng kumot yung mukha ko para ipagpatuloy ang pagtulog ko kaso bigla akong pinalo sa pwet ni lola manang! hindi ko talaga sya mauuto, hays.

"Kilala kitang bata ka, ako pa ang tatakasan mo? eh limang taong gulang ka palang ako na ang nag aalaga sayo. kaya hala sige bangon na, mauuna na ako sa baba Aeriella.. sumunod kana."

May halong pag babantang sabi saakin ni lola manang kaya naman minulat ko na ang mga mata ko.

At pag narinig mong tinawag ka sa buong pangalan, matic na dapat ka ng kabahan.

Kaya ang ending, wala akong choice kundi bumangon nung makaalis na si lola manang ng kuwarto ko, hays hindi talaga ako makatanggi sakanya!

Bumangon na ako para mag hilamos at sipilyo sa cr at ng matapos ako ay lumabas din ako kaagad. at dun naman nahagip ng paningin ko yung coat ni Jay na nakalagay sa upuan ng kama ko sa gilid na pinahiram nya pala saakin kagabi bago ako umuwi.

Nakakagulat man isipin pero totoo yun, pinahiram nya talaga sakin yung coat nya. at ang dahilan nya kung bakit pinahiram nya saakin ang coat nya? sabi nya lang ay 'next time, don't wear a dress like that.. kaya ka nilalamig eh.' napapaiwas pa sya ng tingin saakin habang sinasabi yun.

Hindi ko alam kung part yun ng pag papanggap namin or what pero kasi hindi naman namin kaharap yung mga magulang namin so baka nag kataon lang talaga na umiral yung pagiging gentleman nya kagabi.

Napailing nalang ako saka tuluyang lumabas ng kwarto ko. naabutan kong nag hahain ng pagkain sa dining table sila lola manang and the friends. charot, yung ibang maids yun.

"Goodmorning."

I said bago umupo sa isang upuan. i guess kakain na naman akong mag isa?
char mema drama lang, sanay na ako.

"Tanghali na Aeri, pero sige apo goodmorning pa din."

Narinig ko pa ang tawa ni lola manang pag katapos nyang sabihin yun.

Ay talagang pinapamukha sakin ni lola manang na tulog mantika ako? aba wag ganun, hindi ganon ang bonding.

"Hehe sorry po, napasarap ang tulog ko eh. btw kumain na po ba kayo? sabayan nyo na po akong kumain lola manang."

I said at mabilis naman syang napailing ng dahil sa sinabi ko.

"Ay naku hindi na apo.. mag didilig pa ako sa garden, kaya mauna kana.."

❝ARRANGED❞ | ᴘᴊꜱWhere stories live. Discover now