"Yes, boss. Kinita ko ang kapatid ko at nilibre niya ako."

"Kahit Sabado, ma-traffic, 'no?" ani Monica habang nakatingin sa labas. "Ang dami na ring motorista. Ilang taon lang akong nawala, grabe na talaga ang improvement ng tao sa Pinas."

"Dahil nagsusumikap sila," tugon ni Reon.

"Yep! Pero mas dumami pa ring tambay at batang kalye," ani Monica.

Napasulyap si Marvin sa dalawang sakay sa likuran pero hindi na nakisingit pa sa usapan.

"Sweetheart, may party pala ang kaibigan ko bukas ng gabi, baka gusto mong sumama. Invited tayo," ani Monica.

"Titingnan ko," sagot ni Reon na hinayaan ang dalagang ipulupot ang kamay sa braso niya.

"Oh, come on. Sumama ka na, 'wag puro trabaho ha," paglalambing ni Monica.

"Di ako makapangako," sagot ni Reon. Tumahimik si Monica hanggang sa makarating sila sa opisina.

"Good day," bati ng mga empleyado nang pasakay na sila sa elevator.

"Good day," nakangiting bati ni Monica. Pinindot ni Reon ang elevator hanggang sa makarating sila sa opisina niya.

"Hi, Mary!" masiglang bati ni Monica nang paglabas nila ay saktong lumabas din si Mary sa opisina.

"Hello," matamlay na sagot ni Mary at tinaasan ng kilay nang makatalikod ito pero hindi nakaligtas sa mga mata ni Reon.

"Mauna ka na sa office, susunod lang ako," bulong ni Reon kay Monica kaya naglakad ang dalaga patungo sa loob.

"Who are you?" tanong niya kay Zia na naglilinis ng bintana.

"Magandang araw ho, Ma'am," magalang na bati ni Zia sa dalaga.

"Nagkita na ba tayo?" ani Monica.

Hindi makasagot si Zia.

"Nevermind. Saan ang secretary ni Reon?"

"Lumabas po, bumili ng merienda."

"Ah, pwede mo ba akong bigyan ng orange juice, nauuhaw ako."

"Sige po," ani Zia at lumabas para kumuha ng juice.

Bumalik ang dalaga dala ang orange juice.

"Walang fresh orange juice?"

"Ho? H—Hindi ko po—"

"It's okay," ani Monica at nginitian ang kaharap. "Ilang taon ka na rito?"

"Bago lang po ako rito."

"Ah, ganoon ba?" iginala ni Monica ang paningin sa kabuuan ng opisina ni Reon. "Ang ganda ng opisina ng boyfriend ko. He worked hard for this."

Ipinagpatuloy ni Zia ang paglilinis at hinayaan si Monica na maupo sa couch at magmuni-muni.

"So, this is your office, huh?" ani Monica nang pumasok si Reon.

"Yes," sagot ni Reon at humarap kay Zia. "Pakilinis ng toilet ko sa kwarto."

Agad na tumalima ang dalaga at pumasok sa kwarto ng boss saka tumungo sa toilet.

"Ano ang lilinisin ko rito?" bulong niya kaya kahit na malinis, pinunasan pa rin niya ang lahat pati sahig. Kahit na isang buwan pang hindi siya maglinis, maayos pa rin tingnan ang buong silid. Nang matapos siya ay lumabas siya sa CR pero agad na napatalikod nang makitang naghuhubad si Reon.

"Tapos ka na?"

"Yes," sagot niya saka naglakad patungo sa pintuan pero iniiwas ang mga mata sa katawan ng boss. Malapit na siya sa pinto nang humarang si Reon sa kanya. "L—Lalabas na ho ako."

Un-tie (R-18)Where stories live. Discover now