"Kagabi to be exact...Gabi na kami nakauwi." Nagulat ako dahil sa sinabi niya kaya napahampas ako sa desk na ikinabaling ng atensyon nila sa amin pati na din sina Ward.

"S-sorry pres." Paumanhin ko at nagpeace sign kay Ward. "Umalis kayo mga 10 pa tas gabi kayo nauwi? San kayo galing?"

"Madami kaming pinuntahan eh." Sagot niya naman. Mababatukan ko talaga tong babaeng toh, Gabi na umuwi  eh di pa niya masyadong kilala si Angel.

"Angge!!! Hindi ka nga lang nagtext sakin eh." Pagkompronta ko sa kanya.

"Sorry." Mahina niyang bulong.

"Kay ward nagtext ka ba or kahit sa isa man lang sa amin?" Tanong ko ulit. Umiling naman siya at dun ko nagets yung situation. "Hindi kaya kaya umiiwas si Ward sayo kasi di ka man lang nagupdate sa kanya?"

Napatigil naman si Angge...

"Hindi ko alam." Saad niya. Hindi na ako sumagot pa at hinayaan na lamang si Angge na tanongin si Ward tungkol dito.

Time Skipped
Nasa amphitheater na naman kami ngayon hindi para magperform kundi para panuodin ang performance ng mga professors namin. Si Ward at Zyrah ang magkasama, si Angge at Angel, Charice at Coting at ako naman atsaka si Louise.

"May napapansin ka ba kina Ward at Angge Ce?" Biglaang tanong ni Louise.

"Actually oo, pero di ko na binibigyan ng malisya baka kasi maling akala lang. Bakit?" Tanong ko.

"Si Ward kasi this past few days iba eh... Parang biglang nagbago." Saad niya . Tinignan ko naman si Ward at Zyrah na busy sa paghaharutan  na nasa unahan nina Angge.

"Pano mo nasabi?" —Ako.

"Like puro siya Angge, si Angge ito si Angge Ganyan... Ewan ko anong pinakain ni Angge jan." Natatawa niyang saad.

"Mukhang hindi naman alam ni angge yan eh ."Saad ko.

"Sabagay... Minsan nalilito din ako sa mga babaeng toh. Minsan parang may something na parang ewan." Saad ni Louise.

Nanuod na kami ng performance ng mga teacher at tumigil na kakausao tungkol sa dalawa dahil hindi naman maaring sila lang ang pag-usapan namin.

"Angel's POV"
Nag peperform ang mga professors ng engineering department nun ng biglang dumating si Charice at pinausog kami ni Angge para makaupo siya ngunit di na kasya kaya tumayo si Angge at naghanap ng ibang upuan.

"You can sit beside me/Let's find any vacant seats." Sabay naming saad ni Ward kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"You can seat beside me Angge." Saad ni Ward kaya agad din akong naghanap ng vacant chairs para dun kami umupo ni Angge at agad din naman akong makahanap ng chairs dun sa taas.

"Over there Angge." Paglingon ko sa upuan na sinabi ko ay biglang may Taga ibang department na nag occupy nito kaya wala akong magawa.

"I'll just sit beside Ward Angel." Tumabi na si Angge kay Ward at kitang kita ko naman ang pagngisi ng babaeng toh. Nakakairita siya, nauunahan niya ako lagi but this time I won't let her win Angge... Ayukong maunahan niya ako kay Angge kaya ngayon ay effort na effort na ako. Sana lang talaga di pa ako naunahan.

Habang nanunuod ako sa harap at nakikita ko sa peripheral vision ko si Angge na kinakalabit si ward at parang may gusto siyang sabihin ngunit di siya pinapansin nito.

"Ayos ka lang beh?" Tanong ni Charice sakin.

"Oo, ayos lang." Sagot ko.

"Gusto mo ba si Angge?" Diretso niyang tanong sakin kaya napatigil ako.

"H-ha?"

"Halata beh wag ka ng magdeny... " Saad niya. Namula naman ang pisngi ko at yumuko nalang ako habang patuloy lang siya sa pang-aasar sakin.

"It's a secret only me and Angge knows." Nginisihan ko siya at agad niya naman ako tinaasan ng kilay.

"Ang taray ng bakla." —Charice.

"Guys mall tayo." Pagyaya ko sa kanila.

Gusto ko lang naman talaga masolo si Angge pero baka ano pa isipin nila kaya dadalhin ko na sila lahat.

"Sige tara."—Coting.

"Libre mo?"—Charice.

"Aba nagyaya." —Celine

"Expensive talaga ang isang Angel Grace." Louise.

"Ano na? G kayo?" Natatawa kong tanong.

Pag libre talaga hype up toh sila eh. Well except dito kay ward na parang wala sa mood.

"G!" Sabay nilang sigaw lahat.

"Teka teka teka... Lilibre mo din ba si Ward? Expensive din toh eh." Tanong ni Jelly.

Saglit akong napatingin kay Ward habang siya ay poker face lang.

"Pag sasama siya..." Sagot ko.

"Thanks but mo thanks, I can buy things for myself."

Ang sungit talaga ng babaeng toh. Wala naman akong ginagawa Dito pero ang sungit sungit.

"Okay, if that's the case then let's go."


Umalis na kami at sasakyan lang ni Ward at sasakyan ko ang ginamit namin dahil na din kasya lang naman kami at di nagtagal ay nakarating na din kami sa mall.

If Parallel Universe Exist (WANGGE)Where stories live. Discover now