Chapter 16~

357 18 2
                                    

Chapter 16: "Festival"

Sometimes being a friend means mastering the art of timing. There is a time for silence. A time to let go and allow people to hurl themselves into their own destiny. And a time to prepare to pick up the pieces when it’s all over.

*****************************************

"Anak bilisan mo, kanina pa naghihintay sa baba sila Rufus at yung dalawang bata!"...

After kong marinig kay mommy yun ay dali dali kong kinuha ang maliit kong bag at sinukbit iyon bago ako lumabas ng kwarto at bumaba sa sala...

One week since nung mangyari yung sa office ay hindi muna ako pumasok dahil na din sa tinatamad ako. Lagi naman din nila akong ina-update kung ano ng nangyayari sa school pero...

Hindi nila ako sinabihan na may festival daw na gaganapin sa school ngayong buong linggo kaya aligaga ako. Ang mas kinainis ko pa ay sinali nila ako sa pageant na gaganapin daw bukas ng wala man lang akong kaalam alam...

"Ang bagal mo!", nakabusangot na bungad sakin ni rufus...

"Kasalanan ko pa ngayon na hindi niyo ako ininform kung ano ang ganap ngayon?", inis ko ding sagot sakanya at inirapan siya...

"Kasalanan ba namin kung tinamad kang pumasok at nakalimutan naming sabihin sayo?", inis din niyang sabi sakin...

"Oo!", sabi ko at inirapan ulit siya bago dumiretso sa kusina namin kung nasaan  sila mommy at sila yoshi..

Inis kong binuksan yung ref para kumuha ng tinapay at gatas. Ito nalang yung kakainin ko dahil halata ngang nagmamadali yung pinuno ng mga barbaro...

"Aren't you gonna eat?", malambing na tanong sakin ni mommy...

Binigyan ko muna ng gatas sila yoshi at casper bago siya sagutin...

"Pa-pack nalang kami mommy ng breakfast, nag mamadali kasi si pinunong barbaro e...", aburido kong sabi na ikinatawa nung dalawang bata...

Umiling naman si mommy at si nana na para bang sanay na sanay na sa nakikita...

"For the whole section na ang gagawin ko huh? Share it to them!", mom said again at bahagyang ginulo ang buhok ko...

Napatingin ako saglit sa pinuno ng mga barbaro na nasa sala at may kausap sa phone niya. Seryosong seryoso pa ang loko. Napaiwas lang ako ng tingin ng lumingon siya sa gawi ko...

Napansin yata yun nung dalawang bata kaya natawa nanaman sila...

"Alam mo ate, nung thursday pa beastmode yang si kuya rufus...", nakangusong sabi ni yoshi habang kumakain ng cake na inihanda ko sakanila ni casper...

"Paano ba naman ate, dumating sa school yung sinasabi ng lolo niya na ipapakasal sakanya...", sabi naman ni casper habang ngumunguya din...

Bahagya namang kumunot ang noo ko, "Rufus is just 18 tapos ikakasal na agad siya?", takang tanong ko...

"Their family is not an ordinary family ate..."...


Hanggang sa makarating kami sa school ay iniisip ko ang mga sinasabi nila yoshi at casper kanina. Pag talaga chismis ay sakanila ka lang lumapit, dahil lahat ay alam ng dalawa nayan...

Section M's Brightest Star!Onde as histórias ganham vida. Descobre agora