Chapter 4~

484 18 0
                                    


Chapter 4: "Change Section!"

A bond between people is a strong feeling of friendship, love, or shared beliefs and experiences that unites them.

**************************

Nagdaan ang ilang araw at last day na ngayon ng pasok para sa linggo na ito...

This past few days, naging mapayapa naman yung pag stay ko dito sa school at sa section. Pag sinabi kong mapayapa, walang away pero may asaran...

Kahit si sir august nagugulat tuwing papasok siya ng umaga sa classroom ng hindi magulo at wala ng away. Mas malinis kasi yung kwarto ngayon pati yung buong 7th floor dahil nilinis nila without my help. On my defense, ayaw nila akong patulungin kahit na nag pupumilit pa ako...

As of now tapos na yung hanggang tanghali naming klase at mukhang wala ng papasok na susunod na teacher dahil kanina pa kami nag iintay, ngunit wala pa din...

"Walang next class, sarap buhayyy...", Masayang sigaw ng batang barbaro, "Casper laro tayooo...", Aya pa nito kay casper na cellphone lang ang libangan...

Agad binaba ni casper ang phone niya at tumingin kay yoshi...

"Nagugutom ako, kumain muna tayo...", Aya din niya kay yoshi para kumain...

Agad namang nag liwanag ang mukha ng isa at mukhang may naisip na kalokohan...

Nakumpirma ko ito ng sabay silang tumingin at lumapit sakin...

"Ate zahara libre mo kami...", Masayang sabi ni yoshi at kumapit sa kanang braso ko...

"Nung martes pa last libre mo samin ate...", Naka-nguso ding sabi ni casper at kumapit din sa kaliwang braso ko...

Natawa naman ako dahil sa itsura nilang dalawa. Wala naman sigurong masama kung ilibre ko ulit sila? Silang dalawa lang naman e...

Tumango ako sa kanilang dalawa. Tuwang tuwa sila at nagtatalon pa. Masaya nilang kinuha ang bag nila at sinukbit sa mga balikat nila. Napakunot ang noo ko sa ginawa nila...

Diyan lang kami bibili so bakit kailangan dala pa ang bag?

Narinig ko ang bahagyang pagtawa ni ethan sa tabi ko, "Handa mo na yung wallet mo, dahil lahat kami ililibre mo..", sabi niya at kasunod non ang malakas na tawanan...

Napatayo naman ako sa gulat, "Anong lahat kayo? Sabi ko yung dalawang bata lang...", Inis kong sabi...

Naka ngisi naman akong nilapitan ni rufus, "Paano ba yan? E may motto kami dito na sinusunod...", Sabi nito at inakbayan ako...

"Pag meron ang isa, meron din ang lahat!!!", Sabay sabay na sigaw nilang lahat at kasunod non ang malakas na tawanan

Mas lalo namang nalukot ang mukha ko, "Maduya kayo, hindi ko pa alam yan e!", Sabi ko at nagpapadyak na sa inis...

Sasagot na sana sila ng bigla nalang kaming narinig na yapak ng pa na pumasok sa classroom...

Kanya kanya kami ng upo ng makita namin si Ma'am sylvia, our teacher for this afternoon. Sa pagkakaalam ko, P.E ang subject namin sakanya e...

Section M's Brightest Star!Where stories live. Discover now