Chapter 13~

372 14 0
                                    


Chapter 13: "Fight of Seven Section!"

A strong woman knows she has strength enough for the journey, but a woman of strength knows it is in the journey where she will become strong.”

************************************

Matapos ng usapan kanina ay may announcement na kailangang pumunta ng pitong section sa gymnasium dahil sa hindi malaman na dahilan...

Kita ko pa kanina ang pagkuyom ng kamao ng triodegago at pasimpleng masamang tingin sakin ni divina pero lahat ng yon, sinuklian ko lang ng napaka gandang ngisi...

Sa ngayon ay sama sama kaming buo na section M na nakaupo sa isang side ng bench. Napapagitnaan kami ng section R at Section T. Sila lang yata yung section na nakita ko na medyo kaclose nung mga barbaro...

We are here now at the field dahil may gagawin daw activity ang buong fourth year but gues what, hanggang ngayon wala pa din yung instructor at yung teacher...

"Pwede kitang makausap?",

Napatingin ako sa babaeng tumabi sakin, she is from section R base na din sa necktie na suot niya...

"Go ahead lang, bored na din kasi ako e...", Nakangiting sabi ko sakanya...

"How does it feel to be with them? Mostly kasi nakakatakot sila except kay yoshi...", Nahihiyang tanong niya...

"Yoshi? But hindi naman sila nakakatakot, maybe iniisip niyo lang na nakakatakot sila kaya yan na talaga yung nakatanim sainyo... They are kind and i think everyone should know it....", Seryosong sabi ko habang nakangiting nakatingin sa mga barbaro...

Kasalukuyan kasi silang nagkakasatan nanaman habang pinapanood lang sila ng ibang matitinong barbaro. Rufus and gunner already teasing each other like a kid na binabawal naman agad ni Harrison...

Agad akong napailing sa nakikita ko...

Tumingin ulit ako sa babae, "Yung nakikita niyo ngayon, ganyan lang din sila sa loob ng classroom at sa labas ng school... And also, the fight is part of them already...", Tatawa tawa kong sabi...

Tumingin din siya sakanila, "I supposed to be with them e... Pero natakot ako sa mga sabi sabi tungkol sa section nila...", Sabi niya at bumuntong hininga bago tumingin sakin, "Ako nga pala si Harmony, kababata ako ni yoshi...", Nakangiting pakilala niya...

Nakipagkamay naman ako para makipagkilala. Hindi ko din naman siya masisisi kung ganoon yung naging desisyon niya. Siguro nga kung maaga ko ding nalaman na puro lalaki sila, baka ganoon din ang naging desisyon ko...

Pero ngayon...

I'm happy with them. I'm happy to be surrounded by those idiot barbaros...

Masaya kaming nagkukwentuhan ni harmony tungkol sa bagay bagay. Kung anong klase yung mga kaklase namin. Kung paano nagsisimula at nagtatapos ang araw namin kasama sila. Actually there's a lot of things na napagkukwentuhan namin...

Napatayo ako at ganon na din siya ng bigla nalang may nagbuhos sakin ng malamig na tubig...

"Ano bang problema niyo?", Galit na tanong ni harmony sakanila...

Hindi lang naman kasi isang tao ang nasa likudan ko kung hindi ang buong section A, B, I and S. Tangina, anong problema nila sa buhay?

Pansin ko ang paglapit ng mga kaklase ko at kaklase ni harmony. Ganoon na din ang ginawa ng section T ng makita at maramdaman ang pamumuo ng tensyon sa pagitan ng dalawang panig...

Buong akala ko ay pupunta sila sa side ng section A pero agad nilang tinapik ang mga kaklase ko na para bang section M ang suportado nila...

"You are so masyadong papansin last last day pa, so you deserve that!", Maarteng sabi ng babae na'to...

Tumingin ako sa I.D niya and bingo!...

Nginisihan ko siya habang dahan dahan tinatanggal ang necktie ko, "Quinn Piper Mendoza...", Sambit ko sa pangalan niya kaya mas lalo niya akong tinitigan, "Pangalan palang, mabaho na...", Dagdag ko at umiling iling pa...

Narinig ko ang pag tawa ng mga nasa likudan ko at nakita ko ang pagka galit sa mukha niya...

Akmang sasampalin niya ako ng pigilan ko iyon ng isa kong kamay at sampalin siya gamit ang isa ko pang kamay. One is enough bitch...

Tinanggal ko ang basa kong blouse at inihagis sa mukha nung kasama niya na susugudin din dapat ako. Dahan dahan kong pinusod ang mahaba kong buhok dahil baka maging abala lang pag may away na magaganap...

Diretso kong tinignan yung triodegago na seryoso lang nakatingin sakin. Nginisihan ko lang sila at...

"Hindi niyo talaga ako lulubayan hanggang walang nang---",

Hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng may isang matigas na bagay ang tumama sa ulo ko dahil para mapaupo ako dahil sa sakit...

Agad pumalibot sakin ang buong section M. Rufus approach me at tinignan ang tinamaan sa ulo ko.  Mas dumilim ang mukha nito ng makita niya ang pagtulo ng dugo...

"Are you okay?", Bakas ang pag aalalang tanong sakin ni enzo habang alerto pa din sa paligid...

Bahagya ko lang siyang nginitian at tinanguan. Ngunit...

Agad na hinubad ni rufus ang blazer niya at sinuot sakin. Hindi siya umalis sa tabi ko kaya ramdam ko ang tensyon at galit niya...

"They hurt the Star of our section, it's time for us to make them pay....", Seryoso man ngunit mababakas mo ang galit sa tono niya...

Yung tono niya. The first time i saw them like this is yung second day ko dito, yung away sa section B. Halos lahat sila ay nababalutan ng itim na awra na para bang pag pinigilan mo sila ay masasaktan ka nila...

This is section M's dangerous star...

"Make.them.pay.!", Madiin pa niyang sabi, "SECTION M... RELEASE, NOW!"

After rufus shout those words. The whole section M run towards to the four section on the other side. Tinanguan din ni rufus yung mga lalaki ng section R at section T. Sabay sabay silang sumugod...

Harmony approach me. Nag aalala niyang tinignan ang dugo na nag mumula sa pagkabato sakin ng bato. The other girls sa ibang section ay nilapitan din ako...

Ngunit wala sakanila ang atensyon ko...

The guys in seven section are now fighting. Nakikita ko kung paano napapalibutan ng tatlong lalaki si gunner pero wala man lang niya itong kahirap hirap na pinatumba. Si yoshi at casper na nagtutulong, si yoshi na tagasipa at si casper na taga suntok...

Si harrison at enzo na nagsisilbi kong kuya sa loob ng classroom, wala ang magaganda nilang ngiti at napalitan ito ng galit. Si dustin at elvis na natimik ay kasalukuyan din nakikipag away...

Si earl na kakalabas palang ng hospital ay parang gusto na agad bumalik. Si phoenix at lawrence na lagong magkaaway ay magkasamang hinaharap ang isang grupo ng section S...

Si ethan and maverick na nagpupustahan at nagpapadamihan ng napapatumba...

Huli kong tinignan si rufus, halos lahat ay iniiwasan siya. Tanging diretso lan siyang nakatingin sa triodegago. Unang sumugod si Ryder at walang kahirap hirap na iniwasan ni rufus ang mga atake nito. Kahit yung mga kakambal niya ay ganon din ang ginawa pero lahat ng yun,  naiwasan niya...

Doon ako nagulat, ganoon kabilis si rufus pag seryoso ang away. Dahil sa nakikita ko ngayon, ibang iba siya pag si gunner ang kaaway niya...

Bawat bagsak ng mga kambal ay may kasamang pagdaing...

"Nung sinabi ko sayo na natatakot ako sakanila, yan ang tinutukoy ko..."...

Nakuha ni harmony ang atensyon ko. Siguro kung mahina ako at inosente, matatakot ako pero hindi e...

"Nasugatan ka lang pero ganyan na sila. Sa pagkakatanda ko, hindi ganyan ang trato nila kay divina...", Nakangiting sabi nung isang babae sa section T...

Napaisip naman ako, maybe earl is right. Dahil hindi lamg siya ang nakapansin kung hindi may iba pa...

"You really is the Section M's Brightest Star..."

Section M's Brightest Star!Where stories live. Discover now