Chapter 9~

423 16 0
                                    


Chapter 9: "Anderson!"

Friendship is unnecessary, like philosophy, like art… It has no survival value; rather it is one of those things which give value to survival

********************************

Zahara Persephone Point of View!

'Panget kabonding!!!'

'Nagugutom na akoo...'

'Walang kwenta yung rules nila!'

Sari saring reaksyon nila ng pagbawalan kami ng guard na pumasok sa cafeteria. Which is hindi naman namin maintindihan kung bakit...

Matapos kasi naming mag habulan ni rufus ay napagdesisyonan namin na kumain pero hindi kami pinayagan na pumasok dahil bawal daw kami doon, nakaka asar naman kasi e...

"Look who's here, nag sisisi ka na ba sa desisyon mo?", Nakangising bungad samin ni ryder kasama ang mga kambal niya at buong section nila...

Wag nilang sabihin na sila yung nag bawal samin? Sila yung gumawa ng rules na'to?...

Masama ko siyang tinignan. Buset na'to hindi lang nasunod ang gusto nila tapos ginawa na nila to? Sa sobrang inis ko baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko at masampal nanaman sila...

Nawala ang atensyon ko sakanila ng maramdaman ko ang pag bigat ng balikat ko...

Naka akbay nanaman sakin si rufus...

"Lame rules, kaya naming hindi pumasok at kumain diyan sa cafeteria as long as nasa section M si zahara...", Nakangisi ding sabi niya habang naka tingin sakin...

Inirapan ko naman siya at muling humarap sa triodegago...

Oo yun na din tawag ko sakanila, masyado kasi nilang kina career yun e tsaka it really suits the three of them din naman, mga gago kasi...

"Ano bang mapapala niyo pag lumipat ako sainyo?", Inis kong tanong sakanilang tatlo, "Alam niyo bang dahil sa ginawa niyo na'to mas lalo niyo lang akong binigyan ng dahilan para wag maniwala sa mga sinabi niyo sakin nung friday...", Dagdag ko pa...

Tinignan ko isa isa ang I.D nila at nakita ko yung felicity, isa lang naman yung may pangalan non sa section A e...

Seryoso ko siyang tinignan at nakangisi naman siya sakin. What if paduguin ko yung nguso niya? Maka ngisi pa kaya siya sakin?

I walk toward her. Lahat ng estudyante ay nasakin ang tingin at inaabangan ang susunod kong gagawin...

"Mabait ako pero oras na malaman kong may ginawa kang masama sa taong malalapit sakin, then i can be a beast...", Sabi ko tsaka siya sinampal, bakas naman ang gulat sa mukha niya...

Marahas akong hinila ng isa sa mga kaklase niyang lalaki at susuntukin na sana ng bigla nalang siyang suntukin ni maverick...

Lahat ng section M ay nakapalibot sakin na para bang handa akong protektahan. Gawin ko lang ang gusto kong gawin at sila ang poprotekta sakin...

Napangisi ako ng wala sa oras...

"Dustin can't hurt you kasi babae ka pero ako... Kayang kaya ko...", Dire-diretso kong sabi at hinila ang buhok niya...

Pilit niyang inaalis ang kamay ko sa buhok niya. Wala akong ibang nagawa kung hindi ang bitawan siya pabalibag...

"Bagay ka lang din naman pala sa section M e, you are patapon din like them!", Sigaw nung isang babae na kulang nalang maging coloring book na ang mukha...

Section M's Brightest Star!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon