FFI 1

562 19 2
                                    

Chapter 1 - Exo's party

Sooyoung's Pov

Andito kaming lahat ng Girls Generation maliban kay Taeyon. Asan siya? Asan pa ba,e di kasama ang kanyang boyfriend na si Baekhyun. Namiss kuno nila ang isa't isa kasi nagkaroon kami ng iba't ibang tour. Tiningnan ko yung ibang members ayun may kanya kanyang buhay. Si hyoyeon nasayaw,si yuri nanonood ng scary movie habang si tiffany sigaw ng sigaw sa takot. Si seohyun nagaayos ng gamit,napakabait talaga ng maknae namin. Si sunny naglalaro ng phone niya. Si yoona nagkakabisado ng script niya at ako? Syempre nakain. Nakakamiss tuloy si Sica :(

"Yuri!!ahhhh!!! Nakakatakot na talaga!ahhh!" Sigaw ni tiffany
"Bakit ka kasi nanonood" sabi ni yuri
"Unnie! Ang ingay niyo" sabi ng aming maknae
"Oo nga, di ko tuloy to makabisado" inis na sabi ni Yoona

Bigla namang dumating sina taeyon at baekhyun.

"Were Home!" Masayang bati ni taeyon
"Unnie!"sigaw ni seohyun sabay yakap dito
"Nga pala, Girls mamaya may party ang mga exo. Soooo~ sinung free?" Tanong ni taeyon
"Party ba kamo?Tss, game ako dyan" sabi ni yuri
"Me too!" Sabi ni Tiffany
"Me three" sagot ni Sunny
"Me four" sabi ni Hyoyeon
"I can't may shooting pa ako mamaya" sabi ni yoona
"Unnie! Pede ba ako sumama?" Tanong ni Seo sabay pacute
"Oo naman. Tayo tayo lang naman ehh" sabi ni Taeyon
"Ikaw sooyoung?" Tanong ni Baekhyun
"May pagkain ba dun?" Tanong ko
"Oo naman" sagot ni taeyon
"Eh di kasama ako" sabi ko "Can we invite sica?" Tanong ko
"I already texted her. Di daw siya pede may schedule daw siya ehh" sabi ni taeyon. Nagnod na lang kami

Pagkatapos ay nagbihis na kami. I went with all black. I looove Black!
Pagkalabas ko andun na sila.Aissh, ako na lang pala iniintay.

"Hay sa wakas! Tapos ka na rin" sabi ni Hyoyeon
" Waah! Unnie Bakit ba ang ganda mo" sabi ni seo , ang sweet talaga nito
"Tara na guys, andun na sila. Tayo na lang iniintay" sabi ni baekhyun
"Yoona! Ano ayos ka lang,aalis na kami" sabi ni taeyon
Nakapout naman si Yoona "Err, gusto ko talaga sumama. Pero ayos lang ako Unnie. Sige ingat, enjoy!" Sabi niya.

Lumabas na kami at sumakay sa Van

"Hayss! Buti naman van dala mo Baekla, di tayo siksikan" sabi ni Sunny
"Tsk, sunny tigilan mo nga ako sa pagtawag ng Baekla" inis na sabi ni Baekhyun. Tumawa lang si sunny
"Hyo! Mamaya may dance showdown kayo ni Kai ha" sabi ni Tiffany sabay wink
"Oo nga. Yiiiieeeee!" Sabi ni taeyon
"Namumula siya ohh!" Sabi ni Yuri
"Ugh! Ba't ako ang napagtripan niyo. Soo! Tulungan mo ako" sabi ni Hyoyeon
"Huh? Bahala ka dyan" sabi ko. Sumimangot naman siya

After 20 minutes andito na kami sa isa sa mga resthouse ni suho. Buti na lang tahimik dito. Walang mga camera na umaaligid.

"Guys! Andito na pala kayo" salubong sa amin ni Suho

---------------------------------------------------
A/N:
Chapter 1 is done. Hope you like it. Paplug na rin po nung story. Saranghae!

Finally Falling Inlove(SooExo)[Book 1 | UnEdited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon