"Sandali lang, nasa cafeteria pa tayo," paalala ko. Nasa bingit na rin ako ng luha ko. Ngayon lang naging emosyonal ang pag-uusap namin nang biglaan. Hindi man lang nag-warning itong si Clark.

"Since, andito na rin naman tayo sa topic na ito, maraming salamat sa inyo kahit pinupulubi ako nila Lawron at Orion. Maraming salamat dahil naramdaman kong hindi ako nag-iisa."

Tuluyang naiyak si Lawron sa sinabi ni Clark kaya inakbayan siya nito. "Kapag wala akong makita sa whiteboard mamaya dahil namamaga ang mga mata ko, sisisihin kita."

Tumawa si Clark at inakbayan siya pabalik. "Nga pala! Napuri ako ng prof ko sa major subject ko dahil nakapasa ako sa long quiz niya!"

Mas lalong naiyak si Lawron. Kitang-kita sa kaniya ang pagiging proud niya. Nasaksihan ko rin ang pag-aaral nila eh.

"Wala ka bang maicocontribute ngayon, Forsythe?" tanong ni Danger dahil tahimik lang talaga si Forsythe sa tabi ni Heroic.

"Ano bang gusto niyong marinig?" tanong niya pabalik matapos magpunas ng bibig.

"Buhay mo bago magkaroon ng meron tayo ngayon," dahan-dahang sabi ni Orion kaya buong atensyon ang binigay namin para makinig sa kaniya.

"Hmmm." Saglit siyang napaisip bago ibaba ang tissue. "To make it short, my parents separated, got their own lives, leaving me here. May narinig ako tungkol sa scholarship noong sinusubukan kong humingi ng form sa pagdrop. Hindi ko nalang pinatuloy at hinintay 'yun. Ito na ako ngayon." He sounded so casual and direct. Hindi pa nga kami nagsisimulang malungkot tungkol sa magulang niya tapos tinapos niya agad ang kuwento.

"Okay ka lang?" tanong ni Lawron.

Forsythe nodded. "I have you, guys. Why wouldn't I be okay?"

Normal pa bang sabay-sabay kiligin? Sabay-sabay kasi kaming napangiti sa sinabi niya!

"Ano ba 'yan! Kinikilig ako!" Parang isdang inahon kung makagalaw si Clark sa kinauupuan niya.

"Dahil diyan, ikikiss ka ni Jennifer," bigla ba namang sumingit si Danger. Sinamaan ko agad siya ng tingin kaso napatingin ako agad kay Forsythe na nakangisi sa akin.

Siya naman ang sinamaan ko ng tingin dahil ito na naman ang pang-aasar niya sa akin! Hindi ba sila makakamove-on sa paghalik ko sa kaniya? Pwes ako, hindi rin ako makamove-on kaya gusto kong ibalibag ang ulo ko sa lamesa!

Napansin ko sa kalagitnaan ng pagngisi ni Forsythe ay napasulyap siya sa direksyon ko. Bago mas lalong napangisi.

Biglang nagkasalubong ang tingin namin ni Boss nang napalingon ako. Nakatingin pala siya sa akin pero agad napaiwas ng tingin. Panigurado, nakita iyon ni Forsythe kaya nakawala siya ng napakalakas na tawa. Nagtaka naman ang mga kasama namin.

"Kaunti na lang, mahahalata na namin na si Bloom ang nagpapasaya kay Forsythe."

Sa reaksyon ko ay parang sumuko na ako sa buhay. Wala na. Sa huli, nakangiti na ako dahil nakita ko silang natatawa. Huminga ako nang malalim at in-activate ang character ko.

"Masaya ka ba talaga sa akin, Forsythe?"

"Yoooow!"

Naningkit ang mga mata niya sa akin habang nagwawala ang mga tao sa paligid namin.

Napaangat ang gilid ng labi niya at uminom ng tubig. "Let's talk later."

I tried my best to maintain my posture. Kung hindi lang talaga ako naorient, baka mangisay na ako sa kinauupuan ko.

"Harap-harapan?" singit ni Heroic habang tinitingnan kami.

"Ayan! Harap-harapan sa asawa!" natatawang sabi ni Clark.

GumdropWhere stories live. Discover now