Two point two five (2.25), ALERT!

Start from the beginning
                                    

Lumipad ang papel dahil sa malakas na paghampas ng hangin. Pagkasarado ko nang pinto ay kaagad kong pinulot ang papel. Matagal na rin pala ito sa akin, halos kupas na nga ang mga sulat. Naghalungkat na naman siguro ang magaling kong kapatid.

Kinabukasan, nagpasama sa akin si West papunta sa college nila. Education student nga pala ang kapatid ko. Pero hindi gaya ko na bestfriends ang numbers at close friends ang grammar at letters, ayaw niya 'daw' kasi ng Math at English kaya ayun, nag-Social Science. Hindi naman ako na-convince na engot siya sa Math dahil nakikipagdebate pa 'yun sa teacher niya 'pag Math ang subject. At 'yung English, naging President pa nga siya ng English Proficiency nang N.C.R. kaya pa'nong hindi siya magaling? Natawa na nga lang ako sa dahilan niya dahil irrational.

Habang naglalakad kami papasok ng University nila, pinagtitinginan kami ng mga tao. Inilagay niya kasi ang braso ko sa batok niya, paakbay. Nakita kong nagtaasan ang mga kilay ng mga babae at sumama ang tingin ng mga lalaki sa akin. Iyan siguro yung mga isinusumbong sa akin ni West.

Nagulat ako ng hilahin niya ang plain black polo shirt ko na siyang dahilan ng pagyuko ko. Bumulong siya... "Kuya, bwiset 'yang mga 'yan, alam mo bang pinupuno nila nang basura yung locker ko dahil sa mga basurang idiot letters nila. Love letter daw, eh mukha namang toilet paper na sinulatan ng manok.." Napangiti na lang ako sa sinabi niya, siya na ang magandang magsulat! Nagdiretso kami sa paglalakad habang ipinagpapatuloy niya ang ikinukwento niya.

"....... Mga hindi pa nakuntento, gusto pa yata nilang magtayo ako ng flower shop..." umismid siya at may inirapan sa tabi.

".....at chocolate house dahil sa dami ng chocolates at flowers sa bag ko kada uuwi ako. Gusto yata nang mga bakulaw na 'yan na maging baboy ako!" ang pagmamaktol niya habang nakasimangot at nakatingin sa tumataba niyang tiyan. Napatawa na lang ako. Dalaga na talaga ang kapatid ko at isang certified MAN-HATER.

Hinigpitan ko lang ang kapit ko sa kanang braso niya. Napansin ko namang lalong tumataas ang kilay ng mga babae sa tabi. Hindi ko na lang sila pinansin, siguro ay insecure sila dahil sa ganda ng kapatid ko. Matapos ang ilang minutong paglalakad ay nakarating na rin kami sa building kung saan kumukuha ng card. Pumila siya sa tapat ng window 8, ang lugar kung saan kinukuha ang grades ng mga Education students.

Hinila niya ulit ang polo ko, para talaga siyang 3 years old. Niyakap niya ako at saka ulit bumulong. "Kuya, ibili mo naman ako ng pagkain dyan sa labas. Please... Pretty please..." pagkalas niya ay nagbeautiful eyes pa siya at kumindat sa akin. Pagkalayo ko ng halos wala pang isang metro, nakarinig agad ako ng mga hagikhikan ng mga babae. Siguro, kaya ako pinalayo ni West ay dahil dito. Ayaw niya nang gulo katulad nung nangyari sa Harrison University nung magtransfer ulit ako roon..

"Grabe, ang gwapo niya... Westine, ipakilala mo naman kami sa kasama mo pagbalik niya." ang sabi ng babaeng medyo matinis ang boses. Napangiti na lang ako.

"Ako rin.." ang sabi nung isa pa. Hindi ko na nilingon dahil hindi naman ako interesado sa kanila. May dalawa na ngang pampagulo ng utak ko, dadagdag pa sila.

Nakalabas na ulit ako ng university at humanap ng mabibilhan ng pagkain. Naghahanap na naman siya ng pagkain kahit kakakain lang namin. Napailing na lang ako, iba na talaga ang mga babae, ang lalakas lumapang!

Alas-7 pa lang nang umaga, ano kayang meron dito?

Pagpaling ko sa kanang bahagi, nakakita ako ng mga street foods, napailing na lang ako. Sa pagkakaalam ko kasi, ayaw ni West sa mga street foods. Marumi raw kasi. "Tsk... Arte!" Kaya kahit matakaw 'yun, pihikan pa din.

Halos ang mga mata ko nung itingin ko ang mga mata ko sa kaliwa dahil may isang fastfood chain sa hindi kalayuan. Papunta na sana ako sa direksyong iyon nang may makita akong Lolang hirap na hirap at halos mabali na ang mga braso at likod sa sobrang bigat ng dala niyang mga supot at bilao. Mukhang tatawid yata siya sa kabilang bahagi ng daan.

UNFINISHED SYMPHONY (Hiatus)Where stories live. Discover now