When EVERYTHING is UNDEFINE

75 13 1
                                    

UNFINISHED SYMPHONY
©Anneriche

SERIES NO. 21

When EVERYTHING is UNDEFINE

North's Point of View

Nitong mga nakaraang linggo parang ang daming nangyari, pati nga 'yung sarili ko parang hindi ko na kilala. Kung anu-ano tuloy 'tong mga pinaggagagawa ko.

Bakit ko ba siya niyakap?

Teka, 'bat ba napaka-big deal sa 'kin 'nun? (A: Aba, ewan namin sa'yo. Problema mo 'yan, hindi naman namin nafifeel 'yang nararamdaman mo.)

Oo alam ko, pero ano ba talagang pumasok sa madilim kong utak at ginawa ko ang bagay na 'yon?

"Hay!!!" buntong hininga ko habang hindi ko namalayang napalo ko pala ang lamesa ng armchair ko. Mukhang napalakas yata at napatigil sa pagsasalita si Ma'am.

"Mr. Angeles, is there anything wrong about my discussion or do you have any information to add regarding that?" mahinahong sabi ni Ma'am.

Hay, buti hindi siya nagalit kung ibang estudyante ang gumawa nito baka ipinatapon nya na GUIDANCE OFFICE, buti na lang, ako si NORTH ANGELES, na binigyan nila ng title na: "Genius" kahit na alam kong hindi 'yun totoo dahil tingnan mo nga ngayon, kahit sarili ko, ni hindi ko maintindihan.

---------------

Ano kayang lesson namin ngayon?

Hindi kasi ako nakinig, eh.

TSK... Panakaw akong tumingin sa notes ng kalapit kong nerd. Buti at kasing-laki ng kalabaw ang sulat nya, may sarili pang font ng steno, pero ayos lang dahil na-gets ko naman. Malinaw pa kasi ang mata ko.

Our topic is about DISECTION...

Buti na lang!

"Ahm... About po sa disection ang topic natin and according to the Animal Welfare Act, dapat na hindi tayo nagdidisect basta-basta, without the permission of the DENR, PAWS at iba pang institution concerning the rights of an animal lalung-lalo na po ytng mga endangered species. Dahil kung lalabag tayo, maaari nating masalungat ang nasabing batas, magbayad ng malaking compensation at makulong.."

"Ok, thank you.." impress na sabi ni Ma'am, buti na lang at alam ko ang batas na 'yun.

Maya-maya, bumanat si Ma'am ng ganito. Naispire yata sa sinabi ko.

"Mr. Angeles is right, alam nyo ba na marami nang animals and faunas na kakaunti na lang ang bilang. And all of you as future biology experts or doctors and even me, we should protect them from being endangered, dapat tayo ang unang-unang tagapagtanggol ng mga nilalang na 'yun, hindi ang taga-ubos sa kanila. So I think, if it's not necessary to kill any specie, in order to study them, please, never disect animals either endangered or not." mariin nyang argumento.

Maaga kaming nadismiss dahil may sakit ang Professor namin, kaya before 12:00 nasa cafeteria na 'ko.

Sa Canteen:

Matatapos na 'kong kumain ng lunch sa loob ng expensive cafeteria nang may marinig akong mga usapan mula sa kalapit na table:

"Anong sinulat mo sa freedom wall kanina?"

"Hah, may ganu'n ba dito sa school natin?"

"Tsk.. Palibasa room, C.R. at canteen lang ang alam mong puntahan, eh.." sabi nung lalaking payat sa kausap nyang mataba.

"Tsk... Nakakapagod kayang maglakad!"

"Hay, naku.. Exercise 'tol. Exercise! Kaya ka tumataba, eh." biro nya na totoo naman.

UNFINISHED SYMPHONY (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon