My greatest fear, My nightmare

94 18 4
                                    

UNFINISHED SYMPHONY
©Anneriche

Series No. 5

My GREATEST FEAR, My NIGHTMARE

Panaginip nga lang... Panaginip lang pala... Sana hindi na lang nangyari 'yon ...

At sana kung hindi siya sumakay sa kotse niya nung araw na 'yun buhay pa sana siya at hindi siya na kidnap.

Masaya at buo pa sana kami ngayon. Sayang ang mga pangarap namin ni Ate...

Pero ang papel na 'yon anong koneksyon noon, sa akin ngayon?

-------------

Harmony's Point Of View

Bumababa ako sa hagdan.. Marahan lamang... Hindi ko alam kung pupunta ba 'ko sa kusina para kumain o dideretso na lang ako sa school para hindi ko na masyadong maala-ala ang nangyari kaninang umaga, mga pangyayari na sana ay nabago ko... Pero wala akong kapangyarihang gawin iyon.

Napagdesisyonan ko nang dumeretso na lang ako sa school para hindi ko na lang maisip ang lahat... Tutal wala naman sila Mommy at Daddy para mapagshare-ran ko ng mga kwentong iyon...

Nasa isang business trip sila sa Paris...

One month sila roon...
Kasama si Ninong Gab...

Alam nyo, hindi naman talaga masaya ang maging mayaman...

Makukuha mo nga ang lahat ng materyal na bagay na gusto mo pero hindi mo naman makakasama ng matagal ang mga taong mahalaga sa'yo.

Nakakainis noh.. Oo, naiinggit ako sa iba wala man silang magagandang damit, branded na bags at sapatos pero laging nandyan ang mga magulang nila para sa kanila.
O nandito na pala ko sa ikalimang sasakyan...

Sa sidecar....

Bumaba na 'ko... At hinubad ang lahat ng karangyaan sa katawan kapalit ng mapagpanggap na anyo ni Melody...

Makasalanan ako alam ko, dahil niloloko ang lahat ng tao sa paligid ko para lang mailigtas ang sarili ko.

Pumasok ako sa eskwelahan KO... na parang isang hamak na walang alam...

Lutang pa rin ako dahil sa panaginip na 'yon...

Nakaupo na 'ko sa isang bakanteng silya sa likurang bahagi ng maingay na classroom..

WALANG NAKAKAALALA, Walang nakakapansin...

Gaya ng dati... Tahimik pa rin ako dahil wala namang kumakausap sa akin na kahit sino..

Matatapos na ang second grading... Pero wala pa ring tumatanggap sa katauhan ni Melody sa isang eskwelahang gaya nito... Parusa ko na rin siguro 'to kahit na hindi ko naman kasalanan ang lahat.

Ang akala kasi ng lahat ay totoo ang lahat ng nakikita ng mga pisikal na mata...

Pero mas mabuti na nga na hindi na nila 'ko lapitan dahil baka madamay pa sila sa gulo ko...

Wala ring nangyari sa buong araw na nasa klase ako...

Wala rin namang nagbago..

Miserable pa rin ako...

---------

Dati natatakot lang ako kapag mag-isa ako sa isang madilim na kwarto...

Pero ngayon, pakiramdam ko naiwan ako sa isang madilim at masukal na lugar na kahit kailan ay hindi na 'ko makakalaya pa...

Ang pagkatakot sa NAKARAAN at BUKAS....

--------

Nakauwi na ako ng bahay ala-5 na pala ng hapon......

UNFINISHED SYMPHONY (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon