PECULIAR Visitor

77 14 2
                                    

UNFINISHED SYMPHONY
©Anneriche

SERIES NO. 22:

PECULIAR Visitor

"Harmony Harrison, long time no see..." ang sabi ng lalaki sa likuran ko habang ipinapasok ko ang gamit ko sa locker.

Hindi ako pwedeng magkamali, ang boses na 'yun, boses 'yun ng Halimaw na kagaya nya, ang boses na never kong makakalimutan.

Parang nanigas ako sa kinatatayuan ko at hindi kayang magrespond nang utak ko sa pagkakataong ito.

Hanggang sa mas lumapit sya sa akin at bumulong sa tenga ko,

"Magaling, Hindi ko iniisip na pwede ka palang artista. Sa bagay, maganda ka, pero hindi ko akalaing kaya mong mabuhay sa panlalait nang iba." alam kong nakangiti siya.

Umalis na siya nang may marinig na paparating. Pero bago siya umalis nag iwan sya nang isang babala:

"I'll be watching you, Harmony Harrison kaya mag-iingat ka... Melody Cruz" Ang lihim ko, bistado nya na talaga.

Pagkatapos ay ngumiti sya, 'yung isang uri ng ngiting ang demonyong kagaya nya lang ang makagagawa.

Matapos nyaon ay nakahinga ako nang maluwag dahil kung nagkataon ay katapusan ko na.

"Melody?" ang tawag na bumasag nang yelo sa paa ko kaya nagawa kong lumingon sa tumawag sa akin.

"Chris..." ang bulong ko na may halong buntong-hininga.

Lumapit sya sa akin at inosenteng nagtanong :

"Ok ka lang?" Para kasi akong nakakita nang multo sa hitsura ko ngayon.

Gusto ko sanang sabihin na, "Kung alam mo lang..." Pero alam kong pati sya ay mapapahamak kapag ginawa ko ang bagay na 'yun. Mas mabuti pang wala siyang alam kaysa mapahamak pa siya nang dahil lang sa sitwasyon ko.

Tumango na lang ako para hindi na siya mag-alala.

"Napagod ka yata sa klase mo kanina kaya na mumutla ka at mukha kang nang bangkay dyan! Tara, uwi na tayo pero ititreat muna kita dyan sa bagong tayong Ministop sa tapat ng university..."

"O sige ba!" ang sagot ko na may kaunting pag-aalinlangan dahil sa nangyari kanina.

Naala-ala ko na naman tuloy,

"I'll be watching you, Harmony Harrison kaya mag-iingat ka... Melody Cruz"

Kaya kung hindi ako mag-iingat ngayon baka hindi lang ako ang mapahamak, baka pati na rin ang mga taong nagmamahal at malalapit sa 'kin.

------------------

Chris' Point Of View

"Chris?" tinawag niya ako para maibaling ko ang tingin sa kanya at hindi sa ice cream na kinakain ko.

"Bakit?" medyo nagtataka kong tanong. Kanina kasi medyo natatakot na ako sa ikinikilos nya, hindi lang paka du'n pati din sa reaksyon nya bago nya ako makita.

Para kasing may nakita siyang bagay o tao na hindi ko mawari kung ano, pero parang nakakita siya nang maligno bago ako dumating.

 Nabura lahat ng iniisip ko nung bigla syang nagsalita out of no where, isang tanong na hindi ko alam kung sa'n nanggaling pero ang hirap sagutin.

"Pa'no kung may malaman kang hindi totoo sa 'kin? Magagalit ka ba?" Ito rin ang dahilan kaya hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang ice cream sa kamay ko.

UNFINISHED SYMPHONY (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon