ART of Pretending

187 23 4
                                    

UNFINISHED SYMPHONY
©Anneriche

PROLOGUE: Art of Pretending

I'm a normal rich girl with a very mundane life..

Happy family, luxurious billionire life, understanding parents, very supportive grandfathers and grandmomma with matching intelligent big sister. I am also friendly, popular, sweet, joyful enthusiast and a certified bratt..

I glimpse at the mirror looking in my appearance, and I'm pretty sure that I'm gorgeous.

May mapupungay akong mga mata at malaking brown eyeballs, mapipilantik at makakapal na pilik-mata, matangos na ilong, cute heart shape lips at rossy skin na kasing puti ng nyebe.
To sum all, halos perpekto ako, pero nadurog ang lahat dahil sa pangyayaring nangwasak sa pamilya at nagpabago ng halos buong pagkatao ko.

Halos nabuhay ako sa kasinungalingan at parang nalublob ako sa kumunoy at hinding hindi na kailanman makakaahon pa.

Magsimula din kaming magtago, magpanggap at lumayo pansamantala sa iba para hindi na mapahamak..

Mahirap sa simula pero nasanay na rin siguro ako.

Marami akong katauhan...

Melody Cruz, Pangalan ko sa school, maidedefine ko bilang ang nerd at mahinang babae. Inosente at mahinhin. Hindi nakikipag-away, hindi nang-aapi. Palaging binibiktima ng mga bully kasi hindi lumalaban kahit nasa tama.

Peachy Foresteir, pangalan ko sa mga gigs at performances, katunog ng 'bitch' masasabi kong ito ang katauhang pinakamalapit sa totoo kong pagkatao. Hindi paaapi, sosyalera, happy-go-lucky pero mabait din naman.

Most of all, ang totoong ako, Harmony Harrison, isang musical name pero nadiskaril ang mga nota mula sa pangalang iyan.

Harmony.... mayaman, bratt, hinahangaan ng lahat, may masayang buhay, nakukuha ang lahat ng gustuhin, maraming kaibigan, may supportive na Ate, gwapo at mabait 'daw' na bestfriend, nag-eexcel sa klase at sports at higit sa lahat... isang totoong tao, malayung-malayo sa pagpapanggap ni Melody at pagkukunwari ni Peachy.

Nag-aayos ako nang mga gamit ko at akma kong itatago sa bag ko ang 'chime' na kapit ko nang dumating si Mom sa kwarto ko.

"Hany, are you ready to go back home?" Mom asked me with a sad mourning eyes. Parang iiyak pero alam kong kaya niya ang bigat at sakit na dinadala niya.

"Yes, Mom.." ang sabi ko habang nag-iimapake ng mga gamit ko at inilalagay iyon sa isang maleta. "Let me finish this, we'll go.." I sigh and imitate a great smile in my lips pero mababakas mo ang anino nang labis na kalungkutan sa mga mata ko.

Babalik na ako ngayon kung saan nagsimula ang lahat. Mahirap pero kailangan kong harapin dahil iyon lang ang tanging paraan para makalaya ako sa lungkot na nararamdaman ko.

Lumabas na ako nang bahay at nagpaalam sa mga bagay na meron ako dahil magbabalik ako sa katauhang hindi ako. Isang taong hindi totoo at imitation lang.

"Hany... Come on.." Dad said while opening the door of my room carrying my things.

Nang makalabas kami ni Mom kaagad akong pinagbuksan ni Dad ng pinto sa passenger's seat sa likuran. Marahan akong pumasok habang pinipilit ko pa ring tanawin ang mga bagay na iiwan ko.

--''--''--''--''--''--''--''--

Sa magulo at masalimuot na mundo, may mga bagay talaga na kinakailangang iwan, iwasan at kalimutan.

Nakatulog lang ako sa halos buong byahe namin papuntang airport. Nang makasakay naman kami nang eroplano, walang tigil na sound trip at movie marathon naman ang inatupag ko para hindi ako mabore sa biyahe namin. Parang ordinaryong pagbabalik sa native country lang naman ang ginagawa namin pero alam kong hindi lang iyon basta-basta dahil sa pagbabalik naming ito, mas marami kaming haharaping problema.

Makaraan ang halos ilang oras na pagmumuni-muni at pag-iisip, nagsalita ang isa sa mga flight attendant.
"Set your clocks to 2 a.m., we're in the Philippines.."

Napatingin ako sa bintana sa kaliwa ko. Para akong naglalakbay sa mga ulap sa oras na ito pero maya-maya ay nasa Pilipinas na uli ako.

"Welcome back, my alaga.." ang kaagad na turan ni Yaya Val nang makita ako.

"Bebi, I miss you so much!" Ang pagdurugsong naman ni Yaya Cath.

Niyakap naman nila ako na para akong nanakawin sa kanila, sa sobrang higpit.

Namiss ko rin sila pero may mas namiss ako sa pagbabalik ko rito, ang pinakamamahal kong Ate.

Pagkatapos kong magbihis kahit na may jetlag pa ako ay nagpunta kami ni Butler Yuri sa paradise garden kung saan inilibing si Ate.

"Kuya Yuri..."

"Bakit?" Ang tanong niya na parang walang pakialam.

"Si Ate, ilang araw siyang ibinurol?" Wala akong ideya dahil ni hindi namin pinag-usapan nila Mommy ang nangyari noon.

"3 days.." ang sagot niya habang nakatingin sa mga mata ko.

Tumungo lang ako at tiningnan ang pangalang nakaukit sa lapida..
Hindi na napigilan ang mga luhang kanina pa nagpipilit na lumabas.

--''--''--''--''-
Christine Marigold Lee Harrison
We love you, we miss you and we're still longing for you.
Born: May 27, 1994
Forever living in our memories.
--''--''--''--''--

Sinadya naming hindi ilagay ang death date dahil iyon ang pakiusap ko kay Dad. Gusto ko kasing palagi siyang buhay sa mga ala-ala ko. Lagi siyang masaya at nakangiti kahit kadalasan ay alam kong malungkot naman talaga siya.

"Ate.." ang panimula ko.

"Miss na miss na kita." Isa-isa nang pumapatak sa mga damo ang mga luha ko. "Hindi mo ba 'ko namimiss?" Alam kong hindi siya makakasagot kahit anong gawin ko. Sadyang stupid at desperada lang talaga ang tanong ko.

"Ate, nung nasa States ako, lagi kitang iniisip, lagi kitang naaalala. Tuloy..." napapiyok ako. "Lalo kitang namiss..."

Gusto ko siyang makita. Gustong gusto ko siyang yakapin. Gusto ko siyang makausap ulit, kahit isang minuto lang. Pero hanggang panaginip at pangarap na lang ang lahat nang 'yon. Hinding-hindi na mangyayari kahit gustuhin ko man. Iyon ang tanging bagay na hindi ko nakontrol gamit ang pera at kapangyarihan ng pamilya ko.

Hinagod lang ni Kuya Yuri ang likod ko. Alam niya kasing iyon lang ang magagawa niya para maibsan ang sakit na nararamdaman ko. Ilang minuto pa, binasag niya na ang katahimikan niya.
"Hany, tama na... Wala na siya... Hindi na siya babalik..." tumingin siya sa mga mata ko habang walang awang sinabi ang katotohanan..
"....kahit kailan."

Alam ko 'yun at hindi niya na kailangan pang ulit-ulitin pero masakit pa rin talaga ang katotohanang pilit mong hindi pinaniniwalaan kapag isinampal na sa iyo.

UNFINISHED SYMPHONY (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon