💡 OPERATION: SAVE THEM 3.12

Start from the beginning
                                    

"Nagugutom ka?" I plainly asked Huey. Kunyaring nag aayos ng kung ano sa pull out table.

Nag angat ako ng tingin sakanya para makita ang sagot niya. Umiling lang eto, halatang nagiisip parin.

"Sabi naman ng Doctor ay pwede kang kumain.. sabihin mo lang kung gutom ka na." dagdag ko.

"C-can you come here?"

Malalim akong napabuntong hininga, may pag protesta. Pero nangako akong aalagaan ko siya hanggang sa makalabas siya dito.

"Yes?" Pilit kong ngiti pero hindi lumapit sakanya ng todo.

"Can you come closer? I want to hold you.." paos niyang sabi.

Muli akong napa buntong hininga, trying to be patient.

Tumikhim ako at umupo sa gilid ng higaan.

He slowly grabbed my hand and caressed it with his thumb. Napatitig lang ako sakanya.

Di ko napigilang mag tanong muli sakanya.

"Do you remember why you're here?" Diretso ko siyang tinignan.

Umiling lang siya muli. "The last time I remember.. i proposed to you.."

Nanlaki ang mata ko.. at wala sa sariling napa inagaw ang kamay sa pagkahawak niya.

"It was after our graduation..." paos niyang dagdag. "Di ko na alam ang sunod na nangyari.. di ko maalala.." bakat ang frustration sa mukha at tono.

Fuck. He doesn't even remember what he did.

Ang malala pa neto, the memory he remembers was year ago. How come? This can't be.

"Di mo naalala si.." napa lingon ako kay Zayden, na busy sa paglalaro.

"N-no.." nagbaba siya ng tingin, parang nahihiya pang di maalaa ang sariling anak.

Ilang beses akong napa mura sa isip ko.

Ilang minuto pa ay bumukas ang pinto at iniliwa neto ang Mommy ni Huey.

"Ma.." napatayo ako at sinalubong eto.

"How's him?" sambit niya habang papalapit sa anak.

"He can't remember Zayden ma.." mahina kong sagot. "But I'm sure he can remember you.."

Lumapit eto sa anak at hinaplos haplos ang ulo. "Oh Huey.." maluha luha netong sabi.

"Ma.. i'm fine.." paos mang sambit pero sinubukan niya pang ngumiti.

"No you're not.. you can't even remember your—."

I cut her off. "Ma.. wag na muna natin pilitin.." bulong kong sabi sa tabi niya. "Baka mabigla siya.. sabi ng Doctor baka hindi pa kayanin iprocess ng utak niya. It might give him headaches pag pinilit natin siyang ipaalala ang mga nakalimutan niya.."

Marahang tumango nalang siya sa akin at muling hinapuhap ang anak, na aawa.

Dumating din si Mommy at Daddy nung mabalitaan ko. Baga ma't dis oras na ng gabi, napa sugod din ang mga kaibigan namin.

And dami nilang natanong sa akin at sinubukan kong ipaliwag ang kung anong nasabi ng Doctor sa akin. Ang totoo, di pa sapat ang paliwanag ng Doctor. Gusto ko pang mag tanong kung bakit..

He remembers everyone except my son. Mas matanggap ko pa atang ako ang nakalimutan niya, but not Zayden. Di ko alam kung anong magiging epekto neto sa anak namin. Di ko alam pano ipapa alam kay Huey na may anak na siya, kami..

Nagaalinlangan pa ako dahil baka mabigla siya at di maging maganda ang reaksyon niya. Baka masyado siyang maisip at ikasama niya pa eto.

Napakadami na ng dinadala ko, di ko na alam kung ano ang dapat unahin.

Galit ba?

Pag aalala?

Hindi ko alam.

Nung kinabukasan bumalik ang Doctor to check up on Huey again.

Dinala niya ako sa labas ng kwarto para doon makipag usap.

"That night, kayo po ba ang huling magkasama?"

Natigilan ako. "Yes.."

"Ano po ba nangyari nung gabing yun bago siya naglasing at naaksidente?"

"We.." utal kong sabi. "We had a fight.." kumunot ang noo ko.

"Pwede ko po ba malaman kung bakit?"

"It has something to do with his past.. it happened years ago.. he did something years ago at recently ko lang nalaman. Yung last memory niya, that's the same day he did something.. but he can't remember it. Ang naalala niya lang ang ginawa niya before ang bagay na yun.. it's complicated Doc.." i sighed. "Ang totoo po, propasal ang huling naalala niya, hours before he did something.. A lot of things happened between us these past few days..and hiwalay na po kami ngayon."

"Oh.. based on my observation, maybe he was thinking about that moment a lot when got drunk. Baka ang naisip niya he could've avoided that situation to happen. Maybe he was recalling the moment before he commited something kaya that's last memory he remembers.." palinawag neto. "Baka hanggang sa maaksidente siya, yun ang iniisip niya due to his frustration."

"Pero may chances pa po ba na maalala niya ang lahat?"

"We need to still track his progress everyday.." tumikhim eto. "Need niya muna manatili dito sa ospital a few more days and check if there's still bleeding sa ulo niya. If he's cleared, pwede na siya makauwi. He will do weekly check ups if that happen..."

"And I hope that you'd still be there for him even after what happened ma'am.." dagdag neto. "Mas makakabuti po at mas mapapadali ang recovery niya pag andyan po kayo.. malaking tulong po yun to help him regain his memory.."

Napahilot ako ng sentido, nakapikit.

"But it's still up to you. I am just giving an advice para mapabuti ang pasyente.." ngumiti lang eto at maya't maya ay nagpaalam na.

HUEY & ALARA Where stories live. Discover now