Dumating na yung doctor at kasunod niya ay yung nurse at si Gino. Chinecheck-up ako nung doctor pero hindi ko maiwasang tignan si Gino. As much as I missed him, I felt a bit of anger.


Bakit hindi niya sinabi kung sino talaga siya? Bakit hindi niya sinabi yung totoo? Bakit wala siya sa tabi ko for the past 2 years? Bakit iniwan niya ako mag-isa?


Tumingin ako sa pamilya ko nung sinagot nila yung tanong ng doctor.


Bakit nila tinago saakin yung katotohanan?


Tumingin ulit ako kay Gino nung nakita ko sa peripheral view ko na kinuha niya yung cellphone niya dahil may tumatawag ata. Lumabas na siya at doon ko lang napansin na parang umiika-ika siya.


Nasaktan ba siya?


"Psh. Wala nga siyang pake saakin eh."


"Ano po yun?" Biglang tanong nung doctor at lahat sila nakatingin na saakin ngayon.


Doon ko lang narealize na napalakas pala yung pagkakasabi ko nun! Shit.


"Uhm, wala po. Okay naman na po ako, doc noh? Pwede naman na po ako umuwi?" Tanong ko para maiba yung topic.


Pumayag naman yung doctor na pauwiin na ako dahil wala naman unusual na nakita saakin at okay na raw ako kaya kinagabihan ay umuwi na rin kami ng pamilya ko.


Napag-alaman ko rin na nauna na pala yung barkada na umalis at umuwi sa Manila dahil may mga kailangan pa silang gawin doon pero umalis lang sila nung alam nilang okay na ako at andito na yung pamilya ko. Tanging si Thomas lang yung naiwan dahil siya yung naghatid saamin pauwi.


Wala na rin si Gino nung umalis na kami sa resort, tanging si Carlos lang yung nag-escort saamin paalis at humingi nang tawad sa nangyari.


Psh,  doon naman magaling si Gino eh. Ang bigla nalang umaalis nang walang paalam.


Hanggang ngayon wala pa akong sinasabihan na naalala ko na ang lahat dahil naiinis ako sakanilang lahat sa hindi nila pagsabi saakin ng katotohanan. Papahupain ko muna siguro yung inis ko bago ko sila komprontahin o siguro hindi ko na sasabihin, okay naman na yung buhay ko at mukhang okay na rin si Gino.


Nakuha na nga niya akong iwan sa panahong nahihirapan akong hanapin yung sarili ko eh.


"Salamat sa paghatid, Thomas ah. Gusto mo pa bang pumasok sa loob at magkape o kumain muna?" Aya ni mama kay Thomas nung nakarating na kami sa bahay.


"Ay, no need na po, tita. Kailangan ko na rin po kasing umalis eh," sabi ni Thomas.


"Ahh ganun ba? Sige salamat sa pag-alaga kay Naomi ah. Ingat sa byahe," paalam ni mama kay Thomas at papasok na sana kami sa bahay nang bigla akong tawagin ni Thomas.

A Hidden Gem (Fate Series#3)Where stories live. Discover now