Chapter 39: Pagkalagas

893 77 7
                                    

Nang marinig ni Earlyseven ang papalayong yabag ni Mills ay doon niya pa pinakawalan ang luhang kanina niya pa pinipigilan. Taliwas sa kaniyang mga sinabi ang totoong nangyari sa kanila rito sa itaas. Pinili niyang pagtakpan ang kanilang lagay nang sagayon ay hindi na mag-alala pa ang kaibigan. Ayaw niya ring malagay sa panganib ang buhay ng dalaga lalo na't alam niyang magpupumilit itong gumawa ng paraan para lang maialis silang lahat dito, isang bagay na iniiwasan niya dahil ayaw niya rin itong mapahamak.

"P-patawarin mo'ko, Mills..." mahina niyang sambit saka humikbi. "Hindi ko intention na p-paasahin ka sa mga sinabi ko, pero kinakailangan ko iyong gawin para hindi ka na mag-alala."

"W-walang kasiguraduhan kung makakaalis pa ba kami rito o hindi na, kaya ako nag-decide na gawin iyon dahil g-gusto kong mabuhay ka." Pigil-hiningang nilibot ng binata ang kaniyang tingin at umaasang mahahagilap niya pa ang ibang mga kaibigan, ngunit dahil sa nahihirapan din siya sa kaniyang sitwasyon ay hindi siya makagalaw nang maayos. Tanging si Cody lang ang namataan niyang malapit sa kaniyang pwesto, maingat siyang gumalaw para kahit papaano ay masilip nang kahit kaunti ang lagay ng kaibigan. Doon niya lang din nakita na duguan ang binata at nahalata niya ring wala itong malay.

"C-Cody!" Malakas niyang sigaw at umaasang magigising ang kaklase.

"Tol, g-gumising ka." Bagsak-balikat niyang sabi nang sa ikalawang pagkakataon ay hindi pa rin ito nagigising. Napanghihinaan na siya ng loob dahil gustuhin man niyang tulungan ito, hindi niya magawa dahil naipit ang halos kalahati ng kaniyang katawan sa malaking tipak ng semento. Nakasandal siya ngayon sa likod ng System Door at inaantay na lang ang kapalaran kung hanggang saan na lang ba tatagal ang buhay niya.

"Earlyseven?" Kaagad na napaangat ng tingin ang binata nang marinig ang napakapamilyar na boses 'di kalayuan sa kaniyang kinauupuan. Saktong paglingon niya sa kanan ay nakita niya si Ledger na duguan ang gilid ng sentido. Hawak-hawak ng kaibigan ang lagi nitong suot na salamin na ngayon ay basag na.

Maingat na lumapit si Ledger sa pwesto niya at pinanatiling magaan ang kaniyang mga yabag nang sagayon ay hindi mawalan ng balanse ang rooftop.

"Shit, this fucking piece is quite huge," bungad nito nang makita kung gaano kalaki ang semento na halos humarang sa kaibigan. "Just stay there, I'll think some way to get you out of he-"

"Huwag na, Ledger..." mahina niyang tutol sa kaklase na siyang bahagyang nagdulot ng ibayong klaseng kaba sa mukha ng kausap. "Huwag mo ng sayangin ang lakas mo sa pag-iisip ng plano kung paano mo ako maiaalis dito."

"W-what the hell are you saying? Oh c'mon, this is not the right time for you to act stu-"

"Hindi mo ba nakikita, tol?" Madalian niyang sabad at doon sinalubong ang titig ng kaharap. "Sa oras na maalis 'tong sementong 'to sa katawan ko, dadausdos 'to paibaba. At alam mo naman siguro kung anong susunod na mangyayari kapag nangyari iyon, di'ba?"

Hindi kaagad nakasagot ang kaklase matapos nitong marinig ang kaniyang isinagot. Mapaghahalataan na sa sobrang pagka-okupado ng utak nito sa pag-aalala para sa lagay niya ay hindi na ito nakapag-isip pa nang matino.

"Mawawalan ng balanse ang rooftop, Ledger. Naiintindihan mo ba ako? Mahuhulog tayong lahat sa oras na magpumilit ka!" Pasigaw niyang sabi saka naghabol ng hininga. Kaagad na puminta sa mukha ng kausap ang pagkalugmok nang mapagtanto na niya kung bakit tinanggihan ng kaibigan ang kaniyang alok na tulong. Dinudumog siya ng takot dahil kahit ayaw niya mang isipin, pilit na lumalabas sa kaniyang isipan ang mga negatibong mga posibilidad na hindi malabong magkatotoo.

"N-no, this is so fucking absurd," wala sa wisyo niyang wika bago marahang hinilot ang kaniyang sentido. "Y-you can't just die here, Seven. H-hindi ako papayag na hayaan kang mamatay dito ngayon."

Save UsWhere stories live. Discover now