Chapter 31: Masinsinang Usapan

1K 81 10
                                    

Pabagsak na naisara ni First ang pinto ng gymnasium matapos nilang makapasok sa loob. Sumapit na ng tuluyan ang gabi ngunit nabigo silang makaabot sa SEDP building. Wala na rin siyang ideya pa kung nasaan si Cody ngayon matapos silang magkahiwalay sa labas kanina. Bakas na rin ang pagod sa kaniyang mukha lalo na ang pamamaga ng talukap sa kaniyang mata dulot ng walang maayos na tulog at kain na siyang hindi na niya mabilang kung ilang araw na nga ba.

"This is the least thing that we can do... for now." Mahinang banggit ni Kimber saka pabagsak na tinapon sa makinis na sahig ang kaniyang dart quiver.

Sumunod na umupo si Dillon malapit sa kaniyang pwesto bago ito nagpasyang alisin ang suot niyang sapatos para kahit papaano ay makahinga ang kaniyang paa sa napakahabang oras na takbuhan.

"Aabot sana tayo sa SEDP building kung hindi lang umepal iyong mga zombies na iyon," asar na komento ng dalaga na siyang hindi man lang inimikan ng katabi. "And we got stuck again inside a quadratic room while waiting for those dimwits to leave the corridors outside." Dagdag niya pa bago marahang bumuntong-hininga.

Hindi na mabilang pa ni Dillon kung ilang beses na nga ba silang sumubok na hanapin ang mga kapatid ng kaniyang dalawang kasama ngunit hindi pa rin sila pinalad na makadaupang-palad ang mga iyon. Hindi niya rin maiwasang mainis lalo na at kung kailan pa sila nakahanap ng tamang taong makapagturo sa kanila kung nasaan ang kanilang sadya ay saka naman nagkataon na nagkaipitan.

"Bwisit." Usal ni First pagkatapos niyang masigurong nai-lock niya na ang pinto ng gymnasium. Hindi niya rin maiwasang masahiin ang kaniyang sentido dahil sa nararamdaman niyang pagkahilo. Aminado ang binata na nasa rurok na siya ng kaniyang kapasidad at kung hindi pa siya magpapahinga ngayon ay baka tuluyan na ngang bumagsak ang kaniyang katawan.

"Sa totoo lang..." paunang sambit ni Dillon bago niyakap ang magkabila niyang  tuhod. "Natatakot ako para kay Cody." Mahina nitong banggit dahilan kung bakit nilingon siya ng kaniyang katabi.

"He's the first survivor that we've encountered right? Pero tatlo tayo tapos ni isa sa'tin wala man lang sumaklolo sa kaniya. Paano kung napahamak nga iyon?" Nag-aalala nitong dugtong. Bumakas ang magkahalong ekspresyon sa mukha ng dalaga dahilan kung bakit bumuntong-hininga si Kimber.

"If you're not tough enough to handle this on-going outbreak. Paniguradong hindi lilipas ang tatlong araw, patay ka na," sambit ng kaibigan. "Have you forgot what he have mentioned earlier? He and his friend tried to leave their safe haven just to head their way back to their classroom. Walang matinong tao ang magpapaka-hero na lumabas sa ganitong sitwasyon, maliban na nga lang kung kaya mong makipagsabayan sa mga zombie sa labas. Kung anuman ang binabalak ng mga batang iyon sa room ng Aries, paniguradong may plano silang hinahanda. And based on what I observed kay Cody? Hindi siya iyong tipo ng tao na padalus-dalos sa paggawa ng desisyon. Kilala ko rin si Ms. Blaire sa pagpili ng mga estudyante niya, she would not pick Cody for nothing."

"But what about his friend? Hindi ba tayo gagawa ng paraan para hanapin iyong kasama niya?" Hirit ulit ni Dillon pero sa pagkakataong 'to, ay si First na ang sumagot.

"Kung si Cody ang lumabas, pwedeng si Ryder iyong sinama niya pabalik sa room nila. Kilala naman nating tatlo personally si Ryder, di'ba? Mukha lang siyang gago pero matinik iyon."

"Is he Cody's best buddy?" Muli nitong tanong na siyang sinagot lang ng binata ng isang tipid na tango.

"Pero kung hindi si Ryder..." saglit siyang tumigil bago sumandal sa pader. "Posible ring si Yohan." Gatong niya na siyang naging mitsa kung bakit palihim na umismid si Kimber.

"Hindi na ako magugulat pa kung ang tinutukoy ni Cody na nawawala niyang kasama ay walang iba kundi ang batang 'yan," komento niya. "Aside from being a hard-headed kid, suki pa sa gulo. Hindi ko talaga alam kung anong pumasok sa kokote ng kapatid ko at tuwang-tuwa pa iyong sumasama sa kaklase niyang iyon."

Save UsDove le storie prendono vita. Scoprilo ora