Chapter 21: Sumbat

1K 108 11
                                    

Kaagad na kumilos si Shilloh matapos siyang makabawi  mula sa pagkakabagsak. Saktong pagbaling ng kaniyang tingin kay Elsie ay hindi niya na mamataan pa ang inhaler nitong laging hawak. Saglit siyang umismid dahil sa nakikita, base lamang sa  itsura ng kaklase ay mahahalata talagang hindi na nga ito makakatayo pa.

"Sabi ko nga ba at hindi ka rin tatagal." Sambit ni Shilloh saka nagpumilit na tumayo. Masakit man ang kaniyang siko at likod dulot ng kaniyang pagkakabagsak pero pinilit niya pa ring makatayo. Sa isip niya ay mas mamamatay siya kung tatanga-tanga lang siya rito sa ibaba. Itinulak niya rin ang katawan ni Elsie na nakadagan sa kaniya na siyang dahilan kung bakit tumama ang likod nito sa ibaba ng handrail nitong hagdan.

Bahagyang nalukot ang mukha ng kaklase bago ito hinang-hina na tumingin sa kaniya. Nagsimula na itong umiyak dahil sa sakit at hirap nitong nararamdaman. Nagsimula ring magtaas-baba ang dibdib nito na tila pilit na lumalanghap ng hangin. Panay din ang pagsenyas niya kay Shilloh para sana manghingi ng tulong dito pero hindi niya man lang ito dinaluhan.

"T-tulong!" Naiusal nito at pilit siyang inaabot pero mabilis siyang lumayo at nagbalak na bumaba ngunit hindi na iyon natuloy pa nang  may mga panibagobg grupo ng mga zombies ang nagpupumilit na umakyat dito sa itaas.

Kinakabahang umiling si Shilloh sa takot na baka maabutan siya ng mga halimaw kaya kaagad niyang hinawakan ang handrail para sana suportahan ang sarili sa pag-akyat pero hindi na iyon natuloy pa dahil nahawakan ni Elsie ang kaniyang paa at mahigpit itong hinihila.

Nangungusap na ang mga mata nito na tila ba pinapahiwatig na tulungan siyang makatayo pero patuloy lang siyang tinatanggihan ni Shilloh.

"Putangina! Bumitaw ka na kasi!" Naiinis na sigaw ni Shilloh pero mas lalong humigpit ang pagkakahawak nito sa kaniya. Nag-umpisa na ring makatayo si Elsie habang gumagapang paakyat ang kamay nito sa coat ni Shilloh para lang suportahan ang sariling makabangon. Mas lalong tumindi ang inis  ni Shilloh nang nahihila na siya ng dalaga  kaya nahihirapan siyang makakilos.

Nang hindi pa rin siya tuluyang makawala ay inis niyang tinanggal ang suot niyang coat dahilan kung bakit muling napasalampak si Elsie sa sahig habang hawak nito ang coat niya.

"P-Please, let me g-go with y-you." Nagmamakaawa nitong sabi bago umubo. Sa kabila ng labis na pagsusumamo ng kaklase ay hindi pa rin nadadala si Shilloh dahil sa halip na kaawaan at tulungan ang kaklase, mas pinili pa nitong panlisikan siya ng tingin.

"You know what? Why don't you accept the fact na hanggang dito ka na lang? Mamamatay ka lang din naman kahit pa isama kita!" Sigaw nito saka nahihintakutang tumuloy sa pag-akyat nang mas lalo lang lumapit ang pwesto ng mga halimaw sa kanila.  Nang nakaabot na siya sa huling baitang ng hagdan ay doon niya muling nilingon si Elsie na hinihila na ng mga zombies at handa na silang atakehin ito.

"AHH! L-let me go! Let m-me go!" Tili ng dalaga at kahit nanghihina ay pilit pa rin itong nagpupumiglas para lang hindi siya nito magawang mahuli.

Nanatiling nakatingin sa kaniya si Shilloh na halatang napapangunahan din ng takot dahil sa nakikita niya ngayon. May parte sa kaniya na gusto ulit bumaba para puntahan ito ngunit natatakot siya  dahil baka dalawa silang maipit at hindi makaalis. Ayaw niyang malagay ang sarili sa kapahamakan dahil hindi niya naman ugaling magpakabayani para lang sa kapakanan ng iba. Mas importante para sa kaniya ang buhay niya.

"S-Shilloh!" Hindi siya makapaniwalang mapa-hanggang ngayon ay nanatili pa rin siyang nakatuod sa pwesto niya sa halip na tumakbo na papalayo. Mariin niyang pinikit ang kaniyang mata saka nagmura nang paulit-ulit. Sunod na lang niyang narinig ang tili ni Elsie kaya napamulat siya kaagad, doon lang niya napagtanto na napuno na ng kalmot ang binti nito at may dumadaloy na ring dugo sa makinis nitong balat dulot ng mga sariwang kagat.

Save UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon