Chapter 20: Takas

1K 100 8
                                    

Saktong pagpatak ng alas siete ng gabi ang siyang pagliwanag ng buong Juanico High. Tuluyan nang umandar ang generator ng eskwelahan kaya kaagad na binalot ng liwanag ang classroom kung saan nandoon ang grupo nila Mills na kanina pa nahihimbing sa pagtulog. Mabilis silang nagsi-atungal na parang mga bata at halos sabay-sabay na nagsitakip ng mga mata maliban kay Earlyseven na himbing na himbing pa rin sa pagtulog.

"Putangina, sinong anak ni Satanas ang nagbukas ng punyetang ilaw?" Iritadong banggit ni Corbin saka pinunasan ang tumulo niyang laway na halos dumaloy na papunta sa kaniyang pisngi. Kaagad silang nagsibangon lahat at doon lang nila nakita si Wren na nakatuntong sa mesa habang abala ito sa pagsilip ng nangyayari sa labas.

"Anong nangya—" hindi na natuloy pa ni Ryder ang kaniyang sasabihin nang bigla silang makarinig ng static sound. Kaagad niyang tinakpan ang tainga niya dahil sa tinis ng tunog nito na para bang gustong sirain ang eardrums niya.

"There's someone inside our control room," saad ni Ledger bago kinusot-kusot ang mata at sumunod sa pwesto ni Wren upang makisilip din sa nangyayari. "And they all followed the static sound coming from the speakers." Dugtong niya nang makitang nagsitakbuhan ang mga zombies patungo sa pwesto ng mga naglalakihang speakers nitong school.

"The corridor is now clear." Puna ni Wren bago sila nilingon. Akmang magsasalita na si Yohan pero hindi niya na iyon naituloy pa nang biglang mapalitan ang static sound ng isang boses.

"H-hello?" Kaagad silang nagsitinginan lahat nang makilala ang  napakapamilyar nitong tinig. Kahit isang salita pa lang ang binanggit nito ay natukoy na nila kaagad kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon. Kusang nagsi-usbong ang pag-asa sa kani-kanilang mukha saka inantay ang susunod nitong sasabihin.

"I am not really sure i-if may nakakarinig pa sa'kin ngayon." Dugtong nito at doon na nila sunod-sunod na narinig ang patuloy nitong pagsinghot na tila  ba kagagaling lamang nito sa pag-iyak.

"P-pero kung meron man. I want all of you to listen, makinig kayo sa'kin kahit ngayon man lang.  W-we are all stocked in this school  dahil sa sudden outbreak  na nangyari. At hindi ako sigurado kung hanggang kailan ito m-magtatagal." Dagdag ng maestra na siyang dahilan kung bakit halos hindi na magkamayaw ang mga zombies na sundan ang pinagmumulan ng boses. Kaagad nilang nilingon si Wren na nagsimula na ngang kumilos upang maghanap ng bagong pandepensa.

"Hindi ito ang oras para tumunganga lang tayo rito sa loob dahil hindi tayo sure kung hanggang kailan lang magiging clear ang dadaanan natin palabas. Kaya mas mabuti pa siguro kung samantalahin na natin 'to." Mungkahi ni Yohan at muling inilapat ang kamay sa tubong  hawak-hawak niya kanina.

"Yohan is right, prepare yourself and go grab your things." Gatong ni Ledger bago nito piningot ang tainga ni Earlyseven dahilan kung bakit mabilis itong napabangon dahil sa sakit na dinulot noon.

"Aray!" Asik  nito na siyang naging rason kung bakit tuluyang nagising ang diwa niya saka asar na asar na binalingan ng tingin ang kaibigan. Akmang pagsasalitaan na niya ito pero kaagad lang siyang napaayos sa kaniyang pagkakaupo nang nagsikilos na ang mga kaklase niya. Saglit siyang nagtaka kung ano bang meron at hindi niya alam kung ano bang nagyayari dahil tila naghahanda ang lahat.

"Walang networks na available ngayon at hindi ko alam kung bakit naputol lahat ng linya natin for communication. Kahit anong social media platforms na meron tayo ay hindi rin gumagana kaya wala tayong mahihingan ng tulong." Sunod na lang napansin ng binata na may nagsasalita sa speaker na siyang nagtulak sa kaniya para mag-angat ng tingin. Sinalubong naman iyon kaagad ni Ledger at doon maayos na iniabot ng binata ang isa pang tubo sa kaniya.

"Aalis na tayo rito kaya tumayo ka na.  As much as possible, kinakailangan nating makalayo man lang sa building na'to para makalapit na tayo sa gate." Paliwanag ng kaibigan saka siya itinayo at inayos ang kaniyang kwelyo.

Save UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon