Chapter 27 (2) : Tapatan

1K 97 67
                                    

Nasa gawing kabila nakaokupa sila Meadow kasama ang kaklaseng si Wren at Willow. Nakapwesto sila sa mismong tapat ng teacher's table para ihanda ang magiging agahan nila sa panibagong umaga na sumapit. Mabuti na lang at bago pa man nila iwan ang cookery room ay nagawa pang makakuha ni Wren ng mga pagkain kaya hindi sila namroblema masyado sa kakainin. Iyon nga lang ay kumunti nang kumunti ang supply lalo na at tatlong araw na rin naman ang lumipas.

"You're worried on him?" Hindi mapigilan ni Meadow ang magsalita at tanungin ang kaklaseng si Wren lalo na at napapansin niya itong patingin-tingin sa gawing bintana waring may taong inaabangang dumating.

"No, I'm not." Diretsong hayag ng dalaga nang hindi man lang kakikitaan ng kahit ano mang emosyon. Blangko pa rin ang ekspresyon nito at tila hindi man lang nabigla sa biglaang itinanong ng kaharap.

"Then is it a normal gesture for a person to keeps on looking outside kung wala rin naman siyang taong aantayin?" Ayaw paawat nitong pang-uusisa dahilan kung bakit nag-angat ng tingin si Wren at diretsong sinalubong ang tingin ng dalaga.

"It is not my fault that people tend to misunderstood my normal gestures." Walang halong biro niyang tugon dahilan kung bakit wala na ngang nagawa pa si Meadow kundi ang palihim na mapailing.

"Then is it what you mean about your personal secret, Wren?" Singit ni Willow dahilan kung bakit nakuha niya ang atensyon ng dalaga. "Staring randomly at various things?"

"It's not a secret though, it's actually a part of my normal life that maybe you failed to see." Pagsagot niya na siyang nakapagpatawa nang mahinhin kay Meadow. Nalipat naman kaagad ang tingin ng dalawa sa kaniya waring nagtataka sa kaniyang inasal.

"Naninibago lang talaga ako knowing na hindi ka na nga talaga ganoon katahimik, I mean look at you now. Masasabi ko nang hindi ka na gano'n ka scary tignan." Kwento niya na siyang naging rason kung bakit kumorba rin ang gawing sulok ng labi ni Willow.

"How am I supposed to shut up when you guys are bugging me?" Inosenteng tanong ni Wren dahilan kung bakit napatawa na nga ang dalawa.

"Is it still considered a 'bugging' if your Class President is just showing the ethics of care towards her classmate?" Singit ni Willow.

"Yes, she just sugarcoats her words to make it t─"

"Fine, I forfeit. You won," sumusukong sagot ng dalaga. "Ang hirap pa naman makipag-argue sa mga matatalino."

"Nice, we're done here." Imporma ni Meadow matapos niyang maitabi ang sobrang pagkain na inihanda nila.

Pare-pareho silang lumayo sandali sa mesa at naghanap ng bakanteng upuan para doon umupo. Sabay silang napatitig sa gawing bintana habang tahimik na nakatingin sa payapang ulap.

"This scenery," panimula ni Willow bago pilit na ngumiti. "It feels so nostalgic."

"The calming weather outside reflects the time when we are still starting our journey as Ms. Blaire's children. Iyong panahong hindi pa nagagawang manotice ng lahat ang mga bagay na kaya palang gawin ng Aries," dugtong ni Meadow. "The playful but naive version of ourselves."

Muli silang nilukob ng katahimikan nang hindi na nga ito nasundan pa ng usapan. Tila ba abala ang kanilang sarili sa pagbabalik-tanaw ng alala ng kahapon na napakaimposible na ngang maibalik. Marami ng nagbago sa takbo ng kanilang buhay at may mga bagay na rin na kahit anong pilit nilang gawin ay hindi na nga muling mauulit pa.

"During that time, I've saw what Wren can do," Panimula ni Meadow. "It was the first moment when I saw how Wren unites us. Ang pinakaunang pagkakataon na nakita ko siyang tumayo para lang ilaban si Chloe."

"I don't deserve the full credit for that," diretsong sagot ng dalaga habang kalmado nitong inaayos ang kaniyang buhok. "I am not the one who started it anyway. It was you, Meadow. It was you who fueled Aries up to fight for Chloe."

Save UsWhere stories live. Discover now