Epilogue

199 15 2
                                    


Months later...

Kahit may suot na headphones ay narinig ni Lara ang mga katok. Pasado alas cinco na ng hapon, alam na niya kung sino iyon.

Mula sa pinapanood sa screen ay tumingin siya sa bintana at nakitang abala pa din sa pool area si Martha May sa masayang pakikipag-usap nito sa mga guests na ilang pares ng mga mag-asawang senior citizens.

“Hi, I’m here,” kunwa ay nagtatampong sabi ng bisita niya, na ngayon ay palapit na.

Hinayaan nitong nakabukas ang pinto ng opisina gaya ng lagi njtong ginagawa sa tuwing susunduin siya.

“Closed office doors are dangerous, don’t you know? Baka hindi ka uli makapagpigil, kasi alam mo'ng pagdating sa iyo, marupok ako,” nakangising sabi ni Kino nang hindi nito sundin ang sinabi niyang isara niya ang pinto ng opisina isang hapon na sinundo siya nito.

That was days after they made love for the first time.

“Ganda ng ngiti, ah. Ano'ng pinapanood mo?”  tanong nito bago siya hinagkan sa labi.

“Porn, ano pa?”nakaangat ang kilay na sagot niya bago alisin ang headphones.

Tiningnan ni Kino ang monitor. “May scandal sa Congress?” parang nanghilakbot na sabi nito.

Natawa siya. “No, pero magkakaroon sa upper house, sa Senate. Not of the naked kind, though,” huminga siya ng malalim. “Katatapos lang ng hearing, ng second reading. All were in favor to further investigate Senator Nicolas and her cohorts. May nag-file na rin ng administrative case sa Ombudsman,” nangilid ang luha niya sa huling sinabi.

“Oh, wow…” hindi makapaniwalang sabi ni Kino, bago siya niyakap. “You made the right decision. I’m so proud of you.”

A few weeks ago, nalaman nila mula sa boss ni Kino na si Jakob Tiu na isang kaibigan nito ang hindi sinasadyang nadiskubre ang tungkol sa pagkurakot ni Senator Nicolas ng bilyun-bilyong halaga ng benefits noong nakaupo pa ito bilang board member sa universal health care provider ng bansa, bago ito mapunta sa Senado.

Jakob's friend also happens to be a news segment producer for a cable news network, and what she found out corroborated all that she knew, including all the documents she kept.

Humiling siya na makipagkta sa babae, ang matapang na si Trinity Valdes, para i-turn over ang mga ebidensiya niya.

Within weeks, the story broke out on social media via an anonymous page, and soon after, people filed cases and asked for Congress to investigate.

Ngayon ay paakyat na sa Senado ang imbestigasyon, at handa na si Trinity na mag-testify bagaman pinayuhan itong mag-diaguise at gumamit ng alias para sa seguridad nito.

“Nag-aalala ako kay Trinity, Kino. Sana kayanin niya at hindi siya sumuko,” isinandig niya ang ulo sa dibdib nito.

"I'm sure hindi siya pababayaan ng mga taong naniniwala at sumusuporta sa kanya,” hinagkan nito ang noo niya. “And we’ll continue to pray for her, right?”

“Right,” iniangat niya ang ulo at minasdan si Kino. “Five months, Kino. I didn’t think I'd ever experience being this giddy and happier because of someone…. Because of you. ‘Yung saya na walang if's or but's, ‘yung parang hindi nauubos pero nadadagdagan pa.”

“Yung saya na walang stress o pag-aalinlangan? Walang pressure, parang automatic na paggising sa umaga at maisip kong nandyan ka sa buhay ko, parang wala nang sisira ng araw ko?” he took her face in his hands and kissed her fully on he lips.

Then, “Tara na, excited na ang nanay ko na ipatikim sa iyo ang version niya ng inasal at chopseuy with quail eggs.”

Hinarap muli ni Lara ang computer at ini-off na iyon. “Bakit di mo agad sinabj?” kunwa ay asar na sumbat niya at sinimulan nang iligpit ang mesa. Over the past months ay nakilala na nila ang kani-kaniyang mga pamilya, na parehong mainit ang pagtanggap sa kanila at parang lagi silang gustong pakainin ng marami.

“Um, didn’t think you’d be that excited given that natitikman mo din naman ang anak niya – aray!" Agad umiwas si Kino bago pa niya ito muling suntukin sa braso.

Isinabit na niya ang bag sa balikat at hinayaang igiya nito palabas ng opisina na ini-lock niya.

“Ano ‘yon? Phone mo yata,” sabi ni Kino habang naglalakad na sila sa hallway.

Tumutugtog ang ‘Just Dance' ni Lady Gaga na assigned ringtone niya sa mga kaibigan.

Kinabahan siya, she hasn’t heard that ringtone in months. Nanginginig ang kamay niya nang kunin ang cellphone sa hag.

There were five text messages, all saying the same thing. Na nami-miss na siya ng mga ito kaya dapat ay pumunta siya sa engagement party ni Myrtle. Celebration din iyon dahil ten weeks pregnant na si Janine.

And bring your delicious boyfriend, Kino. Mukhang kayo ang gustong paglihian ni Janine.

“Oh, my God,” napakapit siya kay Kino habang abala ang isang kamay niya sa pagta-type ng reply:

I missed you all. I can’t wait for Sunday! And yes, isasama ko siya.

Pagka-send ng message ay ipinasa niya kay Kino ang cellphone, na napangiti nang mabasa ang messages. Ito na ang nagbalik niyon sa bag niya bago siya niyakap ng mahigpit

At bumulong. “Delicious, huh? Lagot ka sa ‘kin later,”

Natawa siya, hinagkan ito sa dibdib. “I can’t wait.”

End

Beautiful Lie (Completed)Where stories live. Discover now