Trying To Make Things Right

100 12 0
                                    


I’m sorry, beh. Alam mo namang weekend warriors kami ni Kian. Kailan ba next holiday? Du'n na lang.

Ako din. Deliveries ang inaasikaso ko pag weekends at natambakan na ‘ko ng babalutin.

Di na natin afford ang biglaang lakad, dear.

Magko-Kota Kinabalu kami ni Brian, eh. Siargao ang next. Honeymoon weekend mode pa kami, girl.

Puro pala hindi puwede. Hindi naman sulit ang get-together pag hindi kumpleto.

Swerte ka, hawak mo ang schedule mo.

Iyon ang sagot ng mga kaibigan niya within forty-eight hours pagkatapos niyang mag-yaya ng lunch then coffee date sa darating na weekend.

She’s been dealing with the guilt brought by that lie she told her friends, the paranoia of a possible run-in with JL if ever Claude actually remembered who she was, and her growing feelinga for Kino. The last one, most of all.

Pero hangga't hindi niya naaayos ang ilang gulo sa buhay niya ay wala siyang karapatang umpisahan ang kahit ano kasama ito. Kino deserves better – not Charmaine, and definitely not a messed up liar like her either.


Tatlong beses na silang muling nagkita simula noong party ng ex nito. One was a dinner and movie date along with his sister Yella, the second was a surprise visit to the hotel where they had coffee and early dinner, and the last one was another surprise visit where he brought pizza at her house. Nakilala nito ang mga kasama niya sa bahay at nakasabay sa masayang dinner.

Gaya ng inaasahan, nagustuhan ito ng landlady niya na si Frances at ng co-tenants na sina Becca at Janis.

“Ibang-iba sa ex mong ipokritong matapobre na trying hard elitista at matalino na parang ayaw kaming makita during those rare times na sinundo ka niya dito,” sabi ni Becca na sinang-ayunan ng iba.

“Ilang heses nga siyang nagpunta dito?” tanong ni Janis.

“Dalawang beses lang, sa loob ng over one year na magkakilala kayo,” Frances smiled wryly. “Huwag ka na'ng magbo-boyfriend ng ganu'n, ha. Kay Sanvictores ka na lang.”

Napangiti siya, then napangiwi. Sana ganoon kadali ang lahat. Sana marupok siya at walang integridad. Pero gusto niyang sa pagkakataong ito, maayos na ang lahat at wala siyang pagsisisihan.


She tried a different approach on her friends after a few days. Sa halip na magyaya lang ay sinabi niyang may ipagtatapat siya sa mga ito, at gusto niyang gawin iyon nang harapan.

Pero wala pa ding kumagat. Ano daw ang sasabihin niya na hindi puwede sa group chat? Nag-offer na siya na i-treat ang mga ito, pero pahirapan talaga sa schedule. May nagsabing titingnan daw nila, pero alam niyang mas malabo pa iyon sa tubig sa estero.

Ano ba ‘yang sasabihin mo? Buntis ka? Congrats!

Or… engaged na ba kayo ni JL?

She rolled her eyes when she read het friends' replies. Sa inis ay nag-type siya ng “Break na kami ni JL pero hindi iyon ang sasabihin ko. Guys, basta let me know when you’re all free at the same time. Text me, please. ”  Bago nag-log out.


Inalis na din muna niya ang Facebook at Messenger apps sa cellphone niya dahil naiinis pa siya.

Sa inis at frustration ay napa-Yes tuloy siya nang mag-text si Kino ng “May night food market daw ulit sa village nyo. I haven’t tried it. Punta tayo?”

Sa Vista Hotel siya nagpasundo, at nakilala nito si Martha May na makahulugan ang tingin dito at sa kanila. Hindi din nag-aksaya ng panahon ang boss niya at inalok si Kino ng trabaho.

“You’re hot, Kino. I think maganda ang rehistro mo sa screen. Ang sexy ng eyes mo. Sakto ang skintone at maganda ang musculature,” pinisil pa ng babae ang bicep nitong hakab sa suot na long-sleeved shirt.

Alanganin ang ngiti at namula si Kino, na nagpalipat-lipat ang tingin sa kanila ni Martha May.

“I’m serious! Di ba, Lara Belle?” siniko siya ng babae.

Natatawang napailing lang siya at kinuha ang kamay ni Kino. “Tara na, gutom na ‘ko,”

“Gutom or uhaw? Both?” Natatawang sumunod sa kanila si Martha May. “Really, Kino, kung gusto mo ng extra spurce of income and I assure you, this job pays good money – just let me know. Sobrang mag-e-enjoy ka. Mukha namang malupit ang endurance mo. Ikaw din, Lara!”

“Bye, boss!” kinawayan niya ang babae na nakapamaywang na pinanood lang siya habang papunta sila sa SUV ni Kino.

“She’s a bit weird, but funny. I like her,” komento ni Kino nang nasa loob na sila ng sasakyan.

“I love her,” nakangiting tiningnan niya ito. “Pero seryoso ‘yung offer niya, ha.”

“Ano ba'ng trabaho ‘yung sinasabi nya?” tanong nito habang palabas sila ng hotel compound.

Sumandal siya at ibinaling ang tingin sa daan. “Model.”

“Model ng ano? Bakit parang requirement ang endurance?” tanong pa nito habang binabagtas nila ang maikling daan papunta sa village park kung saan naroon ang food market.

Kinagat niya ang dila. Ilang araw na niyang pinag-iisipan ang sandaling ito at nakapag-desisyon na siya pero hindi pa siya one-hundred percent na kalmado.

Later, maybe, a few hours later. “Model for a movie,” tinapik niya ang braso ng kasama. “Diyan ka mag-park sa tabi ng Sean and Cody's, may space pa.”

Tumango si Kino, pero hindi siya tinantanan sa tanong. “Model tapos movie? Hindi ba dapat, actor?”

“Hindi naman kailangan ng seryosong acting skills pag porn movies,” she answered with a smirk then quickly got out of the car. Nauna na siyang naglakad papunta sa steps pababa sa park kung saan nagsisimula nang dumami ang mga tao.

“Wait, what?” natatawang habol ni Kino. “Seryoso?”

Humarap siya dito at iniabot ang kamay. “Sa tingin mo?”

Napakurap ito, bago nakangiting napailing. Hinuli nito ang kamay niya at sinimulan na nilang tingnan ang samu't saring stalls na nagbebenta ng pagkain.

Kino clearly doesn’t think she’s serious, and that’s understandable. But later, he will know. He has to knpw. Ayaw na niyang dagdagan ang mga pagsisinungaling na nagawa niya.


Beautiful Lie (Completed)Where stories live. Discover now