Payback Time

113 13 0
                                    

“Lara Belle! Sino itong kasama mo sa kasal ni Janine? Ang guwapo! Ang sarap! Baka gusto niyang maging bida dito?” itinaas ng ‘boss’ niya na si Martha May ang isang libro mula sa pile sa harap nito. Itim at pula ang dominant color sa cover, pulang labi ng babae na may kagat na strawberry ang nasa right side at ang title na ‘Sinfully Yours', written by a certain Sabryna Sarte.

Alanganin ang ngiti siya. “That’s Kino,” inalis niya ang kamay mula sa keyboard ng laptop at tinantanan muna ang pag-e-edit ng mga natapos niyang trabaho.

“Who’s Kino at bakit siya ang date mo sa kasal ng kabarkada mo instead of your asshole ex? Congrats again,” ngumisi ito at lumapit sa desk niya para maupo sa gilid niyon.

Dalawang beses lang na nagkita sina Martha May at JL, at sa parehong instance ay halata ang disgusto ng ex niya sa babae, mostly because he knew it was the former that connected her to the job that his decent, self-righteous self so resented. 

It doesn’t matter that Martha May is also a successful businesswoman who owns a five-star hotel, kung saan naroon ang office nila ngayon, and a beach resort in Bataan. Co-owner din ito sa isang fitness center at sa isang beach wear and lingerie store. Mas mayaman ng dalawampung beses ang babae sa ex niyang mayabang at may pagka-social climber.

Higit sa lahat, si Martha May, na kaibigan din ng landlady niya na si Frances – ang nagbigay sa kanya ng kakaiba pero magandang oportunidad na dahilan kaya mas nakakatulong na siya sa kanyang pamilya ngayon.

Ilang araw lang niyang ininda ang pagkawala ng boyfriend, at hindi na iyon dahil sa nasaktan siya o nami-miss ito, kundi dahil ilang buwan din siyang nagbulag-bulagan at tinanggap ang ugali ng lalaking hindi naman pala siya totoong minahal at nirespeto.

It’s been ten days since the wedding. A week ago ay naka-post na ang video nila ni Kino.

Three days ago ay ang photobooth shots naman ang inilabas nina Janine, at naka-tag siya. Inulan siya ng comments, ng mga tanong na puro reaction emojis o stickers lang ang isinagot niya.

Wala rin siyang narinig na kahit ano mula kay Kino, wala kahit friend or follow request. She was tempted to add him, but eventually decided against it. Para saan pa? Hindi maayos at mahirap itama ang naging umpisa nila.

His sister was right, Kino deserved better. He definitely didn’t deserve someone who would encourage him to lie just to save face.

“I met Kino on the same day na nag-break kami ni JL, less than an hour bago ang kasal…” at sa ikalawang heses pagkatapos mag-confide sa landlady at kaibigang si Frances ay may iba siyang napagkuwentuhan tungkol sa ginawang pagpapanggap sa kasal ng kaibigan.

“Wow, puwedeng gawan ng movie yan, girl! Tipong habang ongoing amg wedding party, you’re playing footsie under the table tapos eeskapo kayo sa ladies' room for a quickie, then magbu-book na rin kayo ng room sa hotel at uunahan ang honeymoon ng bagong kasal. Ayos! I’ll write it down, ha. Wait…” excited na sabi nito sabay labas ng cellphone. Napangiwi siya.

Siguradong within a month ay mayroon na ngang pelikula na base sa ginawa nila ni Kino. An extended, erotic version.

Malamang ay hawig pa nila ang kukuning ‘artista’. Nasapo niya ang noo at binalikan ang laptop screen kung saan nakahilera ang thumbnail photos ng mga porn videos.

Maliban sa mga negosyo nito at lingid sa kaalaman ng nakararami ay fiancee ni Martha May ang founder and CEO ng isa sa top five adult entertainment websites sa Asia-Pacific – ang SteelXVelvet.com. May sex advice column, health and wellness blog, at  erotic romance books doon pero ang pinaka-pinupuntahan ng mga site visitors ay ang mga professional movie-like quality ng mga videos doon. The site offers low-cost subscriptions, at lampas sampung milyon na ang satisfied customers nito.

Ang SteelXVelvet din ang nagbigay sa kanya ng trabaho. Isa siya sa tatlong writers ng mga descriptions para sa bawat video na ina-upload sa website. Siya din ang nagsu-supervise sa isang team ng mga work-at-home video captioners para sa mga subscribers na may hearing disability.

Minsan, nagre-review din siya ng libro. Six to eight hours a day ang trabaho niya, at US rate ang pasweldo sa kanya. Mababait ang employers at nakakatrabaho niya at kahit nawiwindang pa rin at medyo umay na sa porm ay nae-enjoy niya ang trabaho na hindi stressful.

“Friends ba kayo sa Facebook? Puwede ko ba’ng i-add? Baka gusto nyang mag-artista, tapos ikaw ang ka-partner…”

Nanlaki ang mga mata niya. “Sira, huwag mo'ng i-add! Agoko na siyang guluhin. At tantanan mo ‘yang pagre-recruit mo sa ‘kin na maging porn star!” nag-init ang pisngi niya sa sumulpot na imahe sa utak.

Kino undressing her as he kissed every inch of her heated skin. A beautifully naked Kino, looking at her with fiery desire… Argh! Marahas na umiling siya.

Natawa si Martha May. “Uyy, nai-imagine nya!” tudyo nito bago itinuloy ang pagta-tap sa cellphone. “Wait, OMG! Ano ‘tong isang tag sa iyo, girl? Galing kay Myrtle! Shucks, bagay talaga kayo ni Kino! Parang may nagaganap under the table sa tinginan nyo dito, ha. Sure ka na hindi kayo nag-quickie during the reception?” ipinakita nito sa kanya ang video kung saan magkalapit ang mga mukha nila ni Kino at nag-uusap.

She groaned. Muling tinukso ng mga R-18 na eksena ang utak niya. “No! Ano ka ba…” napailing siya. Ibinalik niya ang atensyon sa ginagawa. “Huwag mo nang ipilit. Hanggang doon lang iyon. Walang maayos na pupuntahan ang inumpisahan mo sa kasinungalingan,” bumuntung-hininga siya bago nagbukas ng bagong file. A twenty-two minute film called ‘Rock Hard Against The Waves'. She rolled her eyes.

“Pakisabi kay Preston ang corny ng mga ina-approve niyang titles, ha. Baka puwedeng ibigay mo na lang sa amin ng team ko,” nakataas ang kilay na sabi niya kay Martha May na tumawa lang pero alam niyang mamaya ay tatawagan nito ang fiancee para ipaalam ang suggestion niya.

Ibinalik niya sa trabaho ang atensyon, pilit itinuon doon ang focus na sinira ni Martha May dahil sa pagpapaalala nito kay Kino.

Pero gaya nitong nagdaang sampung araw ay mas hirap siyang kalimutan ang fake boyfriend niya kaysa tunay na ex.

Nakalimutan na yata agad si JL sa sandaling burahin niya ito sa gallery, phone book at social media accounts niya.

Meanwhile, it wasn’t easy to get Kino off her head. Ilang heses na tiningnan niya ang Facebook at Instagram nito na parehong restricted ang settings, pero palagi din siyang naduduwag na i-add o i-follow ito.

Napailing siya, kung ito mismo ay hindi na gumawa ng paraan para ma-contact siya, bakit ipipilit pa niya ang sarili? Para saan?

Gigil na iginalaw niya ang mouse, at nagsimula uling mag-type. Stop thinking about another guy, Lara Belle! Trabaho muna bago landi!

Iyon ang mantra na inuulit-ulit niya sa mga sumunod na araw, kahit mahirap, at kahit pabalik-balik pa rin si Kino sa isip niya. At least, nawala na ang compulsion niyang i-add ito sa Facebook at Instagram.

Pero isang araw, isang hindi inaasahang notification ang natanggap niya.

Daniella Sanvictores sent you a follow request.

Sa Instagram iyon. Ilang segundong nakatitig siya sa screen ng cellphone bago nag-sink in ang nagaganap. Why? Bakit si Yella?

Pinalipas muna niya ang maghapon at tinapos ang trabaho hago binalikan ang follow request ng kapatid ni Kino at in-approve iyon.

Buti na lang at puro pagkain, travel photos, picture ng aso at pusa ni Frances at iilang pictures kasama ang mga kaibigan ang nasa IG niya. Naisip niya noon na hindi maglalagay ng picture nila ng ex niya hangga't hindi ito nakikilala ng mga kaibigan.

Naka-public ang account ni Yella, na puro nakatatakam na pagkain, iba't-ibang klase ng boots at sneakers at mga pusa ang nasa feed.

Ini-off muna niya ang WiFi pagdating sa bahay at nakigulo sa pagluluto ng hapunan kasama ang dalawa pang tenants din na mga law students sa UP at hinintay ang pagdating ni Frances bago kumain.

Past nine na nang mag-settle siya sa kuwarto niya sa third floor ng townhouse, at muling tiningnan ang cellphone.

Huminga pa siya ng malalim bago ini-on uli ang WuFi. Nanginig ang kamay niya nang sunud-sunod na lumitaw ang notifications mula sa messenger ng Instagram. Lahat ay galing kay Yella.

Hi, Lara. Thanks for approving my follow request.

Can I have your number?

Hindi ito alam ni Kuya, by the way.

Puwede ka rin palang i-meet tomorrow? After ng work mo o kung anong oras ka free. QC area.

Ilang sandaling nakatitig siya sa screen bago nanginginig ang kamay na nag-reply. Ibinigay niya ang number sa babae, at sinabing pasado alas cuatro siya puwedeng makipagkita.

Ang sumunod na sagot ni Yella ay ipinadala nito via SMS.

Okay, cool. Let’s meet at five. Where are you coming from then? Office?

Sumagot siya. Yes, sa Vista Hotel ang office ko.

Wow, du’n ko dapat gustong mag-OJT pero full na sila. Can we meet there na lang? Sagot ni Yella.

Nangunot ang noo niya bago sumagot: Ayos lang sa akin. V Café, okay?

Perfect! See you tomorrow! Muling reply ng kausap niya.

Sandaling pinag-isipan muna niya bago nagtanong. Puwedeng malaman kung bakit tayo magkikita? I thought you didn't like me.

Ilang minuto ang lumipas bago sumagot si Yella. Nagulat pa siya sa pag-vibrate ng cellphone.

Remember I said you simply can’t get away with using my brother?

See, it’s payback time, Lara.

Beautiful Lie (Completed)Where stories live. Discover now