Epilogue

18.8K 630 213
                                    

Salirah

"Love, wake up." Riri's soft voice woke me up from my deep slumber.

Ang nakangiti niyang mukha ang nabungaran ko at bahagya pa akong napatulala bago magpaskil ng isang matamis na ngiti sa kanya.

Waking up with her as the first person I'll see is so damn heart fluttering. Daig ko pa ang naka droga sa pagka high tuwing makikita ko ang napakaganda niyang mukha.

Kahit na araw araw naman na kaming magkasama. Pinagpatuloy kasi namin ang pagsasama sa isang bahay. Kahit na grumaduate na siya.

Sinong may gusto? Siyempre siya, alangan ako eh hindi naman ako marupok.

Para na din kaming mag asawa, kasal nalang ang kulang. Hindi naman ako nagmamadali. As long as Riri's with me, as long as she loves me, I'm contented.

What is marriage ba? It's a union of two person? Union of their hearts and souls? Nope. Even without marraige, two souls, two hearts, and two person can be united.

Pero naniniwala ako sa kasal ah, don't get me wrong. Nagpapaliwanag lang. Kasi hindi naman porket hindi kayo kasal, invalid na ang pagsasama niyo kahit habang buhay pa yan.

Hindi pa nga legal ang same sex marriage sa buong mundo eh.

"We're here." Masuyong bulong niya habang masuyong hinahaplos ang pisnge ko.

"Ang ganda mo.." Hindi napigilang sambit ko habang nakatitig pa din sa mukha niya.

Mas lumawak pa tuloy ang ngiti ko nang bahagyang mamula ang mukha niya. Ang lamig lamig pa naman dito, but that warm and fuzzy feeling that Riri's giving my whole system is enough to shield me from the coldness of the place.

We're in Frisian Island, northern part of the Netherlands. Hindi naman talaga gaanong kavisible ang Aurora lights dito sa Netherlands. We're just testing our luck. May balita na makikita ito ngayong gabi, sana lang totoo.

Lakas ng trip namin diba? We want to watch the Northern lights pero hindi pa kami nagdiretso sa Norway or Greenland kung saan visible siya lagi. Ganun talaga, pareho kasi kami ng trip ni Riri. Maging boang together for the rest of our lives.

And another reason why Netherlands, dahil rare nga lang makita ang Aurora dito, I'll take it as a sign. Kapag nagpakita siya tonight, I'll propose. If not, edi mag hihintay nalang ulit.

Hindi pa man ako bumabalik sa kanya, nakabili na ako ng singsing. Bakit ba? Eh sa siya lang gusto kong pakasalan eh. Kung hindi si Riri, hindi pwede ipipilit ko.

Pwede naman kasi kami pumunta sa ibang bansa pa para panoodin yon if mamiss namin tonight. But who knows? baka swerte kami ngayong gabi.

"I'll set the tent up. Panoorin mo nalang ako kasi alam ko naman kung gaano ka kaadik sa akin." Alam kong nakangisi siya habang sinasabi yon. Maglalakad na kasi kami sa isang open field kung saan pwede mag set ng tents or sleeping bags para magcamping at mag abang.

Nag search pa kami at nagtanong tanong para malaman ang lugar na ito.

Mukhang nagtaka pa nga ang mga pinag tanungan namin kung bakit dito namin na tripan mag sight seeing ng Aurora. Though may balak kaming lumipad papuntang Norway next month, para matulog sa glass igloo. Yes, yun lang ang ipupunta namin doon. Bakit ba? Kanya kanya ng trip.

"Love look, I'll took a snap bilis." Utos ko kay Riri habang abala siya sa pagkakabit ng rods ng dala naming tent.

Agad naman siyang tumingin at ngumiti sa camera kaya masayang kinuhanan ko siya ng picture.

"Adik na adik ka talaga sa akin," Komento niya matapos kong ibaba ang cellphone na hawak habang siya ay pinagpatuloy na ang ginagawa.

"Medyo lang naman," Sagot ko sa kaswal na tinig habang tinitingnan ang mga picture na kinuha ko.

Claim You Back (GxG) [Unedited] Where stories live. Discover now