Chapter 17: Finally

15.3K 616 211
                                    

A/N: Good Morning!

---

Channary

"Ate Chan, just say yes okay? Dad wants you to stay with us until you're healed." Ciana let out a frustrated groan dahil kanina pa ako umaayaw sa mga pinagsasabi niya.

Madidischarge na kasi ako bukas at pinagpipilitan nila, kasama ang nanay niyang bida bida, na sa bahay ako ng tatay kong panot magstay.

"No, ayoko nga Cia. Ang kulet mo." Nakasimangot na saad ko.

Binaling ko ang paningin kay Sam na tahimik lang na nakikinig sa amin. Naka upo siya sa visitor's couch at nakacrossed legs and crossed arms.

Ang hot s---erase!

Buti nalang talaga at Foundation week. Si Sam naman ay nagpa alam kay Pres. Ferrer. Close sila? Ang bilis mapapayag eh.

"Bakit ba ayaw mo? Mahihirapan ka pag mag isa ka sa condo mo." Halata na nawawalan na ng pasensya si Ciana pero pinipilit pakalmahin ang sarili.

"Kaya ko ang sarili ko, Cia. Walang mangyayari sakin na masama." Kung siya nawawalan na ng pasensya, ako din.

Mas okay na na mag-isa ako sa condo kaysa makasama ang mga bibe na kinolekta ng tatay ko. Araw araw pa naman sila nagpaparinigan sa isa't isa eh pare-pareho naman silang kabit. Mga boang amp. Mana lang naman ang habol.

Pamanahan ko sila ng tig-iisang lupa sa flower pot.

"Walang mangyayaring masama, kaya pala pilay ka." Sarkastikong turan niya.

"Kasalanan ko ba? Sinandya kaya akong saktan noong tukmol na yon! Aba, hindi ko naman siya inaano ah." Ako pa sinisisi niya, ako na nga ang naagrabyado.

"Tss. Sa bahay ka na nga, Ate. Mahihirapan ka kumilos sa condo!" Ayan gigil na Cia niyo. Kamukha ko pa naman siya ng slight. Slight kasi sa mata lang kami hawig, kapareho ng mata ni Daddy. Ang kaso nahaluan siya ng panget na genes ng nanay niyang adib adib kaya medyo sumablay siya. Sayang.

"Hindi nga ako mahihirapan!" Sagot ko naman. Hindi ako papatalo sa kanya.

"Cia," Sabay kaming napatingin ni Ciana kay Sam na biglang nagsalita.

Nagsalita lang naman siya pero yung puso ko nagtatalon na. Napaka rupok niyo ahh! Nakakainis.

"Yes, Ate Ailana?" Geez, bakit trip nila tawagin sa second name niya si Sam? Ang sexy pakinggan HAHAHAHA. Mommy ko yan!

Tangina ang harot ko sa isip pero binabara ko lagi si Sam.

"Don't worry about Riri. Ako nalang magbabantay sa kanya," Nanlalaki ang matang tinuro ko si Sam bago bumaling kay Ciana at ngumisi.

Hoy! Bet. HAHAHAHA.

"Sabi sayo hindi mo ako dapat alalahanin eh!" Mas gusto ko na kasama si Sam kaysa sa mga bibe ni Daddy. Masyado silang masakit sa mata. Naaawa ako kay Mommy kahit wala na siya dito. Hindi niya deserve mapalitan ng mga panget at maiitim ang budhi.

Hindi ko pa nakakalimutan ang pag sira nila sa collection ng blue print ni Mommy. Kaya din ako nag architecture ay dahil kay Mommy bukod pa ang dahilan na maging partner ni Sam.

"Isasama mo siya sa bahay mo, Ate?" Tanong ni Ciana pero agad umiling ako.

"Siya ang sasama sa condo ko." Mas maganda kung sa condo ko. Maganda kasi ako.

"What she said." Turan ni Sam habang nakaturo sa akin.

Napabuntong hininga nalang si Ciana at napailing.

Claim You Back (GxG) [Unedited] Where stories live. Discover now