Chapter 9: C and X

15.8K 613 256
                                    

A/N: Magandang Umaga!

---

Channary

"Coordinates?" Rinig kong tanong ni C mula sa earpiece na suot ko.

"2 o'clock west. No guards. I have the cameras already. You're free to move." Saad ko matapos magtipa sa tablet na hawak ko.

Ngayong gabi namin pinapasok ang Underground para maglagay ng mga camera.

Si C ay isang member ng EXE na kahit sino ay wala pang nakakakita ng mukha, tanging mata niya lang ang kita at gumagamit pa siya ng voice changer sa mask na suot niya.

Pero may kutob ako kung sino siya. Dalawang tao ang pinaghihinalaan ko base sa pigura at taas niya.

"C. The door's passcode is 57UGCM." Nagsalita naman si Simone.

Magkalayo kami ng pwesto dahil ako ay tumatayong back up. Kapag nagka gipitan ay ako ang unang rerescue kay C.

Pinanood ko ang swabeng pag galaw ni C para iwasan ang laser beam na nakakalat sa hallway ng basement ng UG.

Na-off ni Simone yung iba pero merong mahirap patayin dahil manual controlled sila. Buti nalang visible ang lasers kaya hindi siya mahahati sa gitna.

Pigil hininga ang ginagawa ko habang pinapanood siyang makarating sa pinto ng main office ng UG. Wala talagang guard na nagbabantay don dahil tiwalang tiwala ang bigboss ng UG na walang makakalusot sa lasers niya.

"Unlocked. I'm going in." Saad nito at agad na lumipat ang camera ng tablet ko sa footage sa loob ng office. Buti nalang talaga medyo mababa ang security codes ng UG at kayang kayang ihack gamit ang universal code na ginagamit ng EXE. Bonak naman ng bigboss nito.

"Five minutes, C." Bulong ko para paalalahan siya kung gano katagal ko lang kayang ihold ang mga cctv.

"Last two." Sagot niya at alam kong pati si Simone ay namamangha sa bilis nito kumilos.

Pinanood namin siyang ikabit ang limang camera sa ibat ibang anggulo sa loob ng office bago nag thumbs up sa amin gamit ang cctv sa loob.

"How many more minutes left, Ry?" Tanong nito habang sinasaradong muli ang pinto ng office.

"Three. Take the exit near the end of the hallway. Your getaway bike is located five meters away. 3 o'clock east." Saad ko at binabalik ang mga camera at lasers na nilalampasan niya.

Kanina ay kabado kami ni Simone dahil delikado tong misyon pero parang sinisiw lang ng kasama namin.

I'll ummask you, C. Sigurado akong ikaw yon.

"Already out." Rinig kong saad niya. Since nasa labas na siya ay kita ko na ang naglalakad niyang pigura palapit sa motor na nakaparada, ilang metro ang layo sa akin.

"Mission Accomp----" Hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko ng biglang may sumulpot na pigura sa likod niya.

"Shit! Behind you!" Hindi napigilang sigaw ko.

I'm busted!

Napatingin silang dalawa sa direksyon ko pero mabilis nakabawi si C at napaputukan sa binti ang taong sumunod sa kanya gamit ang caliber 45 na may silencer na nasa holster sa binti niya.

Ang bilis niya kumilos.

"X. Long time no see." Nang marinig ko yon ay kusang umatras ang paa ko at tumakbo palayo sa kanila.

"Argh!" Rinig ko pa din ang usapan nila dahil naka open padin ang commun

X can't see me. She knows I'm amember of UG, for freaking sake!

Claim You Back (GxG) [Unedited] Where stories live. Discover now