Chapter 34: Bonding

13.1K 483 113
                                    

A/N: Good evening.

---

Channary

"Enjoy the day with them, love." Isang malawak na ngiti ang iginawad sa akin ni Salirah matapos sabihin iyon.

Nandito kami sa parking ng condo dahil ngayon ang araw na hiniling ni Daddy.

"Thank you, Sam. You too, I'll text you from time to time." Ganting ngiting saad ko at bahagyang hinapit ang kanyang bewang para gawaran ng halik ang mga labi niya.

"Mahal kita, palagi." I uttered, staring at her with full adoration. Parang ayoko na tuloy umalis at gusto ko na lamang makipag cuddle sa kanya maghapon.

"Mahal din kita, palagi. Go na Ri. Naghihintay na sila." Natatawang saad niya, marahil nahalatang ayoko ng umalis at bumitaw sa kanya.

"I don't wanna go na, love." Parang batang nakalabi pa na saad ko.

"Tsk. Go na Riri, minsan lang humiling si Tito ng oras sa inyo. I'll cook dinner for us later, okay? Go na mahal." Palatak niya na agad nakapag panguso sa akin.

Kapag sinabi ni Sam, dapat masunod. Si Sam ang batas. Buhay! Pero wala naman akong reklamo. Kung under ako sa kanya, proud ako doon. Mas magandang maging proud na under kaysa maging proud na cheater.

"Fine I'll go na. Don't miss me too much." Nagbibirong sambit ko na ikinailing lang ng ulo niya.

"I won't, panget mo." She jokingly replied which I answered with a chuckle.

"Aalis na ako mahal." Turan ko matapos papatakan ng magaang halik ang noo niya.

She answered me with a wide smile and a nod. Matapos noon ay nakangiting sumakay na ako sa kotse ko habang siya ay pinapanood ako.

I gave her a goofy smile and a salute before starting the car's engine.

She mouthed see you later which I replied with the same phrase before revving the engine.

I took glances of her from my side mirror until I exited the place. Nakangiting nagmaneho ako patungo sa demonsyon ni Daddy Chandro.

~

"Finally, ate! Ang tagal mo ah. Nagsex pa kayo ano?" Kakababa ko palang ng kotse ay ayon na agad ang bungad ng walanghiyang si Ciana sa akin.

Parang gusto ko na siyang itumba ngayon din dahil nasa likod niya ang iba naming kapatid na mga minors din. Hindi naman ako ganyan kabulgar noong kasing edad niya ako. Baka genes talaga ng nanay niyang panget. Bulok na DNA.

"Shut up, Cia." Mariin kong saway na nakapag tawa sa kanya.

Iginawi ko ang paningin sa kaliwang bahagi at nandon ang van na mukhang gagamitin namin nina Daddy.

"Si Daddy?" Tanong ko sa bubwit na nasa unahan ko. Nginisian niya muna ako at tinuro ang bahay.

"Nandon nakikipag jugjugan pa kay Mam--"

"Shut up, Ciana!" Pagpipigil ko sa kanya dahil halata namang pinagtitripan ako ng bwiset na ito.

Lalo pang kumunot ang noo ko dahil humagalpak siya ng sobrang lakas habang hinahampas pa ang balikat ko. Yung totoo? Ilang gramo ng mik-mik ba ang natira nito kanina? Ganito ba talaga kapag bulok na egg cell ang napenetrate ng dakilang sperm cell ni Daddy?

Claim You Back (GxG) [Unedited] Where stories live. Discover now