02

6 0 0
                                    

"Ang galing! First time sa pageant pero mag-uuwi na agad ng korona." Bilib na sabi ni kuya Asher habang inaalalayan ako pababa ng stage.

Kakatapos lang ng awarding at ng walang katapusang picture taking. Ang sakit na ng paa ko, ngawit na ngawit na dahil sa taas ng heels.

"Ay teka nga, kuhanan ko kayo ng litratong dalawa. Bagay kayo--"

"Ay nay, may girlfriend ako." He gave us a lopsided grin, "selosa yun."

Hindi siya pinakinggan ni nay Loury at itinuloy ang balak, ipinag-dikit niya kami ng lalaki bago sinabing ngumiti sa camera. We did nothing so we just followed what nay Loury said. Para din namang gustong-gusto ni kuya Asher sa picture dahil panay ang sabi niya ng 'isa pa' kay nay Loury.

"Bagay kayo maging mag partner sa pageant." Irap ni nay Loury, "muntanga, hindi mo ako pinapatapos." Umani iyon ng tawa sa aming lahat.

Habang patungo sa backstage ay panay lang ako ngiti at sabi ng 'thank you' sa mga nakakasalubong namin na nag c-congratulate sakin.

"Congrats! Galing mo." Nakangiting sabi ni kuya Nikk habang nililigpit ang make-up set ni nay Loury, magkatapat kami dahil kasalukuyan naman na tinatanggal ang filipiniana gown ko.

I smiled shyly. "Salamat po, kuya--"

"Ay wala ito, favoritism ka ading. Kanina ni-compliment din kita pero hindi ka nag 'thank you'." Singit ni kuya Asher samin ni kuya Nikk habang naka nguso, kunyareng nag tatampo. "Sabaok, Nikk." Sana all, Nikk. Dagdag niya bago tinapik ang balikat ni kuya Nikk sabay iling.

Hindi ko na nga alam ang sasabihin tapos ngayon sumabay pa ang mabilis na tibok ng puso ko. Joke-joke ba ito?

"Thank you po," nahihiyang sabi ko kasabay nang pagtapik ko sa braso niya.

Mabilis naman siyang lumingon sakin kaya ay nag tama na naman ang mga mata namin. Ang ganda ng mga mata niya! Hazel brown eyes, like they are the calming, the golden rays of the setting sun; And the colour of sweet honey oozing from a delicious honeycomb.

"Pogi ko, ano?" He asked with a smile on his lips so I cleared my throat before taking my eyes off him.

Wala naman akong sinabi na pogi siya, sobra.

"Wala naman po akong sinabi," mahina at tipid na saad ko bago ako lumipat ng pwesto para asikasuhin ang sariling gamit.

Tahimik lang akong nag-aayos habang sila mama at ang handler ko ay nag-uusap tungkol sa tinutukoy ni nay Loury na isasali niya ako sa production model niya.

"Ayos lang naman samin as long as hindi iyon makakaapekto sa pag-aaral niya. Nasa sakaniya padin naman ang desisyon." Rinig kong saad ni mama.

"Yes, mommy. Hindi naman makakasagabal sa pag-aaral niya kasi tuwing bakasyon naman ang madalas na may pageant. Pero kapag natag-on na may pasok, magtatanong muna ako sainyo ng permission, syempre."

"Masyado mo kasing ginalingan, tuloy hindi ka na papakawalan niyan ni nanay Loury." Medyo nagulat pa ako nang tumabi sakin si kuya Asher habang inaayos ang heels sa box.

"Hindi naman. Kanina, pakiramdam ko nga po ang panget-panget ko tignan sa baba ng stage." Iyon ang totoo. Kaya hindi ako makapaniwala na mag-uuwi pa ako ng korona ngayong gabi.

Tumingin siya sakin bago umiling, "akala mo lang yun. Mamaya, isesend ko sa ginawang group chat ni nay Loury ang mga picture at video mo habang naglalakad ka sa ibabaw ng stage."

Tipid lang akong ngumiti bago tumayo para makinig kila mama at nay Loury na patuloy na nag-uusap.

"Kukunin ko din pala siya, mommy para sa runway model pageant. Pinabilib ako ni Cyrill sa klase ng lakad niya." Saad ng handler ko bago lumingon sakin at ngumiti. "Pero magkaiba po ang lakad ng pageant sa runway, kasi ang runway more on nag e-expose siya ng suot or accessories."

My eyes widened because of what nanay  Loury said, kukunin din daw ako para sa runway model pageant. Kaya ko ba? Tanong ko agad sa sarili.

Tumango naman si mama, "okay lang samin, at least ngayon may isa pa siyang bagay na magugustuhan niya at gagawin niyang passion kapag tumagal at nagustuhan niya ang ginagawa niya. Pero tulad ng sinabi ko, nasa sakaniya padin ang desisyon." Nakangiting sabi ni mama bago tumingin sakin.

Supportive si mama, pero hindi ko alam na ganito pala siya ka-supportive at the same time iniisip ang magiging desisyon ko.

Sabi ko kanina sa sarili ko, ito na ang una at huling pagsali ko sa ganitong patimpalak pero mukhang biro lang iyon. Madami ang nagandahan sa lakad ko. Madami ang na-amaze. Hindi naman siguro masama na i-take ko ang opportunity na binibigay ni nay Loury.

"Cyrill Renee, gusto mo pa ba na ipagpatuloy ang nasimulan mo?" Seryosong tanong sakin ng aking handler.

Inilibot ko ang paningin sa mga kasama, lahat sila ay nakatingin sa akin, hinihintay ang aking magiging sagot. Nang magtama na naman ang tingin namin ni kuya Asher ay ngumiti ito sa akin, ang mga mata ay halos magsara na dahil sa singkit siya. Tumango siya at nag thumbs-up.

Bumuntong hininga ako bago ngumiti kay nay Loury, ang mga mata niya ay nakikiusap na ipagpatuloy ko ang magandang oportunidad.

"Ipagpapatuloy ko po." I answer, their eyes glow with happiness because of that.

Siguro ay oras na para i-enjoy ko ng sobra ang pagiging dalaga ko. It's time for me to do things that I thought I couldn't do and I won't experience.

Long Walk with YouWhere stories live. Discover now