I swallowed hard, gathering my strengths. I went to their house and pressed the doorbell. Nilabanan ko lang ang pangangatog ng mga tuhod ko. Tumuwid kaagad ako ng tayo nang bumukas ang gate nila at nakahinga ako nang maluwag dahil si Han ang bumukas.



"Come in," anyaya niya.



Hinawakan niya ang aking siko at hinatak ako papasok sa loob 'tsaka sinara ang gate nila. Sumunod lang ako at nagpahatak sa kaniya hanggang sa makapasok pa kami sa loob ng bahay nila.



Saktong pagkapasok namin ay naghahapunan na si Tita at ako naman ay biglang nagulat nang dumako ang aking tingin sa kaharap ng ina ni Han at nakita si Aquisha Marandaque, ang manager ni Zani. Kahit siya nga rin ay nagulat nang makita ako.



"Ellai!" bati sa akin ng ina ni Han kaya bumalik ang aking tingin sa kaniya. "Nakapaghapunan ka na ba? Maupo ka at sabayan mo kami, hija."



Iginiya naman ako ni Han sa bakanteng katabi lang ni Tita bago umupo si Han sa tabi ko. Ngumiti naman ako kay Aki na kaharap lang naming tatlo, tipid na nginitian niya rin ako at umiwas kaagad siya ng tingin.



"Ellai, I will introduce you the other beautiful lady here," panimula ni Tita. "Aqui---"



"Aquisha Marandaque," I cut off Tita and looked at Aki. "Aki is Zani's manager, I know her."



"Ay, oo nga pala, hija," ani Tita nang makaisip. "Kaibigan ka pala ni Zani, muntik ko nang makalimutan iyon. Mabuti naman at nagkita na pala kayo nitong si Aquisha." Binalingan niya si Aki. "Aquisha, kilala mo rin ba itong si Ellai?" tanong pa ni Tita sa kay Aki.



"U-Uhm.. yes po, Tita," she answered and nodded her head. "Kaibigan siya ng alaga ko, eh."



"Nephele Rai was Hanred Skynard's fiancèe," Tita said out of the blue.



"P-Po?" gulat na tanong pa ni Aki at bahagyang sumulyap sa akin. "S-Si Ellai po ay ex-fiancèe ni Sky?" paninigurado niya pa.



"Oo, hija. Hindi nga lang natuloy kasi alam mo naman sigurong may anak si Ellai sa ibang lalaki," pahayag pa ni Tita. "Gusto pa sana namin si Ellai para kay Sky pero hindi naman papayag ang asawa ko na magpakasal si Sky sa babaeng may anak sa ibang lalaki."



"A-Ah, ganoon po ba." Napayuko si Aki sa kaniyang pagkain.



"Ellai," tawag naman sa akin ni Tita. "Aquisha Marandaque is now your ex-fiancè's fiancèe," she informed me with a smile on her lips.



"Wow," I wowed disbelievingly and looked at Aquisha. "Hindi ko inaasahan na ipagkasundo kayo ni Han, Aki," I said to Zani's manager. "But I'm happy for the both of you."



"Hindi naman sigurado kung magpapakasal kami, Elle."



Nagulat ako sa biglang sinabi ni Han at sa kaniyang inasta. Gulantang na binalingan ko siya pero ang kaniyang atensyon ay nasa kay Aki lamang. Nakaramdam ako ng tensyon sa titigan nilang dalawa at si Aki ang unang bumtiw, umiwas siya ng tingin at bumaling sa kung saan.



"Sky, huwag ka ngang ganiyan. Of course, magpapakasal kayo ni Aquisha," si Tita naman na pumutol sa tensyon sa pagitan ng dalawa. "Balang araw ay magwo-work out naman ang magiging relasyon ninyo, eh."



"I lost my beliefs in love," Han murmured. "But I know, Mom, that you and Dad did this for me."



"U-Uh, kailan mo lang nalaman na may fiancèe ka na, Han?" I asked him instead.



Beneath The Clouds (Passion Series #2)Where stories live. Discover now