5

0 0 0
                                    

"Nagustuhan mo ba ang ginawa ko?"

Napangiti ang bata sa nakikita.

Nasusunog na mga bahay, putol-putol na bahagi ng katawan ng mga kabaryo niya. Walang mga naglalakad, lahat ay nakahandusay at nasusunog ang mga bahay.

Hindi niya alam kung papaano iyon ginawa ng kaibigan, basta hinahangaan niya ang ginawa nito para sa kaniya. Nagagalak siya!

"Oo, gustong-gusto ko!" tuwang-tuwang sagot ng bata. Napangiti na lamang ang kaibigan niya.

"Masaya akong nagustuhan mo"

"Oo, maraming-maraming salamat!"

Naghari ang katahimikan habang tahimik nilang pinagmamasdan ang nasusunog na maliit na bayan ng San Ignacio.

"May gusto akong ipangako mo.."biglang sabi ng kaibigan kaya napatingin siya rito. Walang ngiti siya nitong tiningnan.

"Kahit ano pangako!"

"Gusto kong habang-buhay tayong magkasama"ngumiti ulit ang kaibigan niya.

Inilabas nito ang dalawang kwintas, isang itim at pula. May palawit itong 'Forever'.

Kinuha ng bata ang kulay pula at isinuot sa kaibigan, isinuot niya naman ang kulay itim saka magkahawak ang kamay na bumaba ng burol.

Nakasalubong ng bata ang ina, hinihingal ito at may hawak na malaking bag. Hinila siya nito ng walang pasabi at bumaba sila ng mabilis sa burol.

Wala bang ideya ang ina na sinunog ng kanyang kaibigan ang buong bayan ng San Ignacio?

Sumakay sila sa isang tricycle na dumaan, sa bandang gubat pala siya hinila ng ina.

Bumaba sila sa isang kulay abong gusali, sira-sira ang kinakalawang na gate at may isang maliit na karatula. Nakakatakot iyon.

Pumasok sila roon at dumiretso sa lamesa ng isang payat at maputlang babae. Tulala iyon kung kaya ay nagsulat na lang ang ina sa log book na nasa harapan bago muli siyang hinila papasok sa isang maliit na opisina.

Isang payat na babae ang sumalubong sa kanila, hindi ito nag abalang tingnan sila at tinuro ang upuan sa harapan nito .

"Anong kailangan?"malamig ang boses na tanong nito.

Lumunok muna ang ina niya bago sumagot. Nilingon siya ng ina at nginitian ng tipid, pinalabas siya ng ina at pinaupo sa isang silya roon.

Ngayon niya lamang napansin na parang abandonado ang gusali, madilim ang bawat parte at kinakalawang ang mga bakal na bintana.

Tila pinabayaan na dahil nilulumot ang fishpond na mayroon pang mga palakang maliliit.

Ilang minuto lamang ang lumipas at lumabas ang ina niya.Hilam sa mga mata nito ang natuyong luha.

"Mama, anong ginagawa natin dito?"tanong niya sa ina.

"Dito ka lang, babalikan kita"hinagkan siya nito sa buhok ng matagal bago walang lingon-lingong umalis.

..

"Handa ka na bang balutin ng kilabot ang buong mundo, Alana?"

Napalingon siya sa kaibigan at hinawakan ang patalim. Hinimas niya ang talim niyon hanggang masugat ang daliri niya.

Naamoy niya ang aroma ng sariwang dugo kung kaya ay napapikit siya.

'Ang bango'

Minulat niya ang mata at diretsong tumingin sa makulay na bayan sa ibaba ng burol. Maliwanag ang mga bumbilya niyon, tila walang mga problemang kinahaharap.

Pero hindi, hanggat hindi kumakalma ang demonyong nasa loob niya sa pagkitil ng buhay ay hindi siya titigil. Babalutin niya ng kilabot ang bawat himaymay ng pagkatao ng mga ito.

Nanakawin niya ang kasiyahang tinatamasa ng mga ito.

"Oo" matalim siyang tumitig sa lugar.

"Handang-handa na ako...Agatha" at saka siya mala-demonyong humalakhak.

Asylum Agatha (COMPLETED)Where stories live. Discover now