3

0 0 0
                                    

GUMISING ako na parang magaan ang pakiramdam, wala na ang mga tali ngunit bakas pa rin doon ang pamumula.

Tumayo ako sa kama at umupo sa silya. Yumuko ako habang nakasayad ang aking mga paa na mayroon palang mga benda.

Madilim at malamig. Iyan ang diskripsyon na nababagay sa lugar na ito. Walang ilaw na nasa loob ng aking silid o silid ba itong maituturing?

Nakakapagtakang hindi kumakalam ang aking sikmura, sumilay ang ngiti sa aking tuyong labi. Hindi niya ako pinabayaan.

Napatingin ako sa sulok nang marinig ang hagikgikan.

Maging sila ay hindi ako pinabayaan, kaya bakit ako susuko? Sabay-sabay kaming aalis rito. Walang iwanan.

Isang sigaw ang pumukaw sa aking atensyon, sigaw galing sa pasilyo na hindi ko alam kung saan nanggaling. Kinakalampag nito ang bakal na pintuan at sumisigaw.

Napahilot ako sa aking sintido nang pumitik ito. May sumisigaw sa aking isipan, hindi pamilyar ang kaniyang boses. Hanggang sa hawakan ko na ng mahigpit ang aking buhok nang lumakas pa lalo, at ngayon ay boses babae ito.

"Huwag! Huwag siya, parang awa mo na"

"Wala siyang kasalanan, ako ang parusahan mo!"

Napaupo na ako sa malamig na sahig, sa pagkakataon na ito ay halo-halo na ang aking naririnig. Tumawa ako nang napakalakas, hindi ko alam kung bakit ngunit natatawa ako.

"Isa kang baliw!"

Natigilan ako. Hindi! Hindi ako baliw!

Bumaon ang aking kuko sa anit ko, umagos ang malapot na likido habang kinakamot ko ang ulo ko nang marahas.

.

"Patient 0263" pinaupo ako sa harapan ni doktora.

Nakasuot ito ng puting damit, may blankong ekspresyon at maputlang mga labi.

Umikot ang aking paningin sa kabuuan ng silid, malamig rito ngunit mas malamig ang aking silid. Maliwanag kung kaya ay naninibago ang aking mga mata.

"Anong nararamdaman mo ngayon?"

Napatingin ako sa hawak niyang ballpen at sa maputing leeg niya, matalim ang dulo ng ballpen. Babaon ba ang ballpen sa leeg niya at makakakita ulit ako ng sariwang dugo? Natitiyak ko na mababahiran ng dugo ang puting opisina na ito kung hindi lamang ako bantay ng dalawang lalaki.

"Normal ang aking pakiramdam doktora" malamig ang boses at garalgal kong sagot. Tumango ang doktora at sumulat sa papel na nasa harapan niya.

"Wala ka bang naririnig na boses sa utak mo?"

Umiling ako saka sumulat ulit siya.

"Natatandaan mo ba kung bakit ka nandito, Patient 0263?"

Ngumiti ako ng malaki at pinagdaop ang aking mga palad.

"Oo doktora "

Tumango ito ng tipid. "Nagsisisi ka ba sa iyong nagawa?" mataman ako nitong tinitigan.

'Hindi! Dahil nararapat lamang iyon sa mga traydor' sagot ko sa aking isipan.

"Oo doktora"tumango ako

"Ano ang iyong nagawa?"

Ngumiti ako at yumuko "Isang buong bayan ang pinatay ko dok" at hinugot ang maliit na kutsilyo sa aking bulsa.

Nanlalaki ang mga mata nila, pero bago pa sila gumawa ng aksyon ay nilaslas ko na ang leeg ng doktora. Mabilis akong nilapitan ng dalawang bantay ngunit sinaksak ko sila sa kanilang leeg.

Mulat ang kanilang mga matang nakatitig sa akin, bakas roon ang gulat at takot. Nangisay silang lahat na tila hayop na mas ikinasaya ko.

Lumabas ako sa silid at nakita ang maliit na liwanag galing sa bumbilya ng pasilyo. Umihip ng malakas ang hangin at  nawala ang nakatakip kong buhok.

"Kaunti na lang, makakatakas na tayo rito."

Mabagal kong tinahak ang mahabang pasilyo, lahat ng madadaanan kong mga tao ay tinatanggalan ko ng ulo, pinuputol ang braso o ginigilitan sa leeg. Hindi matanggal ang ngiti na nakapaskil sa aking labi.

Bumabaha ang dugo sa buong pasilyo, madilim sa labas ng bintana siguro ay nahihimbing na ang lahat.

Napadaan ako sa isang malaking salamin, nakita ko roon ang isang babae.

Malamig ang mga mata nito, tuyo at maitim ang labi. Maputi at gulo-gulo ang buhok nitong abot hanggang beywang. Puro dugo ang maduming bestida nito at may benda ang dalawang paa.

Hinawakan ko ang aking mukha. Oo, ako ang babaeng nasa salamin. Ganito nila hinubog ang isang halimaw sa katauhan ko.

Ipinipilit nila na nababaliw ako, ngunit hindi! Binuhay lamang nila ang nakatagong demonyo sa loob ko, pinatunayan lamang nila na isa silang hangal. Ginagamit ang natutunan sa medisina upang lapastanganin ang tulad naming mga tao.

Hindi nila ginagamot ang tulad namin kundi ay pinapalala lamang nila ang sitwasyon, ipinaaalala sa amin ang kasalanan namin. Binubulok sa madilim at tinatanggalan ng pag-asang bumangon muli.

Pinipilit ng mga tulad ko ang gumaling gaya ng sabi nila, na giginhawa ang aming buhay kung sasabihin namin ang nagawang kasalanan at pumayag na sentensyahan ng pagkakabilanggo.

Nilulugmok lalo sa aming kinasasadlakan at nililikha ang isang madilim na katauhan.

Napalingon ako sa madilim na parte at nakita ang mga taong nasa likuran ko, tumatawa ang ilan habang hawak ang kutsilyong puno ng dugo. Nakangisi at may mga hawak pang pugot na ulo.

Kitang-kita ang saya sa mga mata nilang matalim tumitig, saya na muling naibalik sa amin.

Ngayong gabi, babalutan namin ng dugo ang lugar na ito. Ang impyernong pinag-kulungan sa amin sa loob ng mahabang panahon—ang Asylum Agatha..

Asylum Agatha (COMPLETED)Where stories live. Discover now