2

0 0 0
                                    

"Mama, anong ginagawa natin dito?"

"Dito ka lang, babalikan kita"

MASAKIT ang ulong bumangon ako mula sa pagkakahiga sa matigas na sahig. Nasapo ko ang noo nang mapagtanto na nahulog ako sa maliit na kama.

Bumalik ako sa kama at naupo. Bakit kaya nandoon ako sa sahig samantalang sa kama ako nawalan ng malay?

Naagaw ang aking iniisip nang bumukas ang bakal na pinto, pumasok roon ang isang payat na matangkad na babae. Agad akong napatakbo sa kaniya matapos niyang isarado ang pintuan.

Nanginginig ang aking kalamnan, hindi ko namalayan ang aking ginagawa. Inuutusan ako ng aking isipan na gawin ang isang nakakakilabot na bagay.

Hinablot ko ang kanyang buhok bago inihampas sa dingding, rinig ko ang halakhak niya na siyang nagpainit sa aking ulo. Nahulog ang dala niyang tray at nabasag ang mga plato na may laman ng kanin at mainit na sabaw.

Kinuha ko ang tinidor at itinusok sa magkabilang mata niya habang hawak ang kaniyang buhok nang napakahigpit.

'Hindi ko alam ang nangyayari sa katawan ko..gumagalaw ito ng kusa'

Pumalahaw ng iyak ang babae na siyang ikinasaya ng aking kalooban, pero ilang saglit pa ay nakakainsultong tumawa ito sa aking harapan.

Kumalma ang aking sistema nang sumirit ang masaganang dugo sa kaniyang mga mata ngunit gusto ko pa, gusto ko pa ng maraming dugo!

Tila nag-iinit ang aking pakiramdam! Nais kong marinig pa ang kanyang iyak, nagagalak ang aking kalooban hanggang sa sumilay ang mala-demonyong ngiti sa aking labi at tumalim ang aking mga mata.

'Patayin mo siya'

Sasaksakin ko pa sana siya nang may malakas na boltahe ng kuryente ang lumapat sa aking likuran, tumalsik ang aking katawan sa dingding at umiikot ang aking paningin.

"Code Red!"

Nagsidatingan ang marami pang kamukha nung babae, may hawak silang mga tali at walang awa akong iginapos sa aking kama.

Ang aking mga paa ay may apat na gapos, sa aking hita ay may tatlong tali at sa aking katawan ay anim na gapos.

Hindi ko maintindihan ang aking sarili, humalakhak ako nang napakalakas habang puno ng kulay pulang likido ang aking buong damit maging ang aking mga kamay ay nababalutan ng makapal na dugo.

Naramdaman ko ang pagbaon ng karayom sa aking kanang braso, dumaloy roon ang lagi nilang itinuturok na kulay pulang likido. Nagpumiglas ako sa mga tali, pilit na inilalayo ang aking braso.

Matapos nila iyon iturok sa aking braso ng dalawang ulit ay sinarado muli nila ang bakal. Bitbit ang babaeng naliligo sa sariling dugo.

Unti-unti pa ay namanhid ang buo kong katawan, namimigat ang talukap ng aking mga mata at tumakas ang isang butil ng luha sa aking kanang mata.

Pagod na pagod na ang aking katawan, bumibigay na ng tuluyan ngunit sabi niya ay dapat lakasan ko ang aking loob. Dahil ilalabas niya ako rito! Itatakas niya ako sa impyernong silid na ito!

'Tanggapin mo ako sa iyong sistema'

Napalingon ako sa madilim na sulok, nandoon na naman siya at pinagmamasdan ako.

'Ako ay ikaw, ikaw ay ako'

Inilahad niya ang kamay, nakapaskil sa itim na labi niya ang isang malamig na ngiti.

Siya lamang ang naging kaibigan ko rito, siya lamang ang nakakaalam ng aking saloobin. At siya lamang ang nakinig sa aking mga hinaing.

Siya na hindi ako sinaktan, hindi pinasakitan, hindi itinuring na parang hayop. At siya na laging nasa tabi ko.

Gamit ang natitirang boses ay garalgal akong bumulong.

"Oo, tinatanggap kita sa sistema ko"

Asylum Agatha (COMPLETED)Where stories live. Discover now