💭 REMINDERS OF HUE 2.10

Start from the beginning
                                    

Agad nangunot ang noo ko. It made me damn mad.

Gustuhin ko mang punit punitin ang papel na to, di ko magawa.

Has she read this? What if nabasa niya to?

No. Kung nabasa niya to, she would tell me right? Kung nabasa niya to masisira ang mood niya and she would go home na badtrip. But she seemed to be in a good mood.

Pero di niya pa namention sa akin na nagkita sila today.

ALARA'S POV

Nilalaro laro ko si Caramel sa couch while waiting for Huey to comeback. Napaka tagal..

Tumayo ako agad when I heard the knob twist.

Nakalimutan ko pala siyang halikan at yakapin when we got here. Bilin niya yun sakin kaninang umaga..

"Love!" Agad pagsalubong ko sakanya and hugged him.

Di manlang ako niyakap pabalik. Hmp!

Nagangat lang ako ng mukha to plant soft kisses on his face without letting go of my hug. Tatampo lang to.. kailangan lang ng lambing!

"Uy.." i pouted.

Pilit lang siyang ngumiti at bumuntong hininga.

"What's wrong?" Nagaalala kong tanong. "Arey you tired? Ako na bahala sa groceries.. go rest."

Umiling lang siya at iniabot ang papel sa akin.

"Ano to?" pagtataka ko.

Unang sentence palang kumunot na noo ko.

"Where did you get this?" Tanong ko as I continued reading.

"Nakita ko lang sa trolley.. maybe he slid it inside nung nagkita kayo kanina." diretsong sagot niya.

"Di ko alam.. di ko napansin."

"So nagkasama kayo?" Seryoso siyang tumingin sa akin.

"I can't say na nagkasama kami because he just showed up out of nowhere love.. and bigla nalang siya pumulot ng supot to help me load the groceries sa car."

"He followed you.."

"Di ko alam na he followed me. I was too occupied sa mga gawain ko kaya di ko na napansin." di ko naman talaga alam dahil bakit naman ako magaabala pang lumingon lingon sa paligid kung may sumusunod pa sa akin o wala.

"The day we met he was here too right?" he looked straight at me. "Does he live here?"

"H-hindi.." umiling ako. "The girl she was with lived here.."

"Pano ka niya nasundan?" pagtatanong pa niya.

"I told you.. di ko alam."

"He said there when you want out here, sinundan ka niya. So you mean sila pa nung babaeng kasama niya the last time?" It feels like he is interrogating me.

"Di ko alam.." nawawalang pasensiya ko nang sagot. Ba't niya ba sakin tinatanong to.

"Or he went here kase alam niya dito ka nakatira? So he must've went here to see you." pagpapatuloy niya.

"Di ko nga alam. Okay?" Mariin kong nang sabi.

"Oh? Ba't defensive ka? Nagtatanong lang naman ako.."

"Ba't ako tinatanong mo? Mukha bang alam ko?" Napipikon kong sabi. "Mukha bang nakakausap at nakakasama ko siya araw-araw para malaman lahat ng sagot sa tanong mo?"

Bigla siyang natahimik at nagiwas ng tingin.

"Bakit pakiramdam ko inaakusahan mo ako?" mahina kong sabi.

"H-hindi naman sa ganun.." biglang napahawak siya sa akin.

"It feels like it Huey." ako naman ang umiwas ng tingin sakanya. "From the way you ask me.. parang may pinupunta ka eh."

"Hindi ganun ang ibig sabihin ko.. alam mo yun."

"You know what.." napangisi lang ako. "Forget it. It's pointless to fight over a useless person."

Tumalikod nalang ako and started putting out the things I bought.

Nagulat ako nung bigla siyang yumakap sa likod ko. He was gently brushing his chin on my shoulder, naglalambing. "Sorry love.."

Di ko siya sinagot at pinagpatuloy ang ginagawa ko.

"Let go of me.. magaayos ako ng gamit." mahinang sabi ko. Pero hindi siya bumitaw parin, mas hinigpitan pa niya ang yakap.

"Mamaya na yan please?" Paglalambing niya. "Sorry na.."

"Alam mo nakaka badtrip ka." Mariin kong sabi.

I can see him pouting on the side of my eye. "Di mo manlang pinapatagal galit ko."

"Eh?" natawa siya. "Relasyon ang pinapatagal love.. hindi sama ng loob."

"Wow parang di ako inaway kanina ah?" umirap ako.

Pinihit niya ako bigla paharap sakanya which made me lean onto the counter.

"For the record, di kita inaway."

"Ano yun? Ano tawag mo dun?" Pinandilatan ko siya.

"I'm just jealous.."

Napatawa ako. "Nagselos ka sa papel?"

"Di lang yun basta basta papel. It came from your ex.."

"Sa ex na niloko ako." I held his face. "Would you honestly believe I would choose him over you? Sa tingin mo sa isang papel na yun mapapantayan ang halos araw araw mong reminders?"

Ngumiwi siya. "Malay natin.. maumpog yang ulo mo." Tinuro niya ang ulo ko. "Tapos mawala ako bigla sa isip mo."

"Imagination mo." Pangbabara ko. "Kahit makalimutan ka ng isip ko, di ka makakalimuntan neto." I grabbed his hand and placed in on my chest.

"Sa boobs?" Tumawa siya.

"Putang—." Padabog kong iniwas ang kamay niya.

"Joke lang!" Tumawa siya. Sa sobrang lakas nakakapikon na.

"Tadyakan ko kaya yang ano mo?!" inis kong sabi.

"Oy oy oy.." tumawa siyang umiwas. "Bawal yan.."

"Alam mo instead of annoying me tulungan mo nalang kaya ako?" Umirap ako.

Tinignan niya ako ng mapangasar. "Saang banda nga ulit ako maalala?" tumaas taas kilay niya habang inaabot niya ang kamay niya sa akin. "Lagay mo nga ulit dun.."

"Ulol!" akmang babatuhin ko na siya ng tissue roll pero kumaripas na siya ng takbo sa kwarto. "Wag kang lalabas baka plato na ibato ko sa'yo!" pasigaw kong sabi.

HUEY & ALARA Where stories live. Discover now