"Kabuysit" inis niyang bulong. "Nakahanda na kamay ko manampal eh."

Bigla nalang natahimik katapos nun. Walang may umimik sa aming dalawa.

I slid my hands on my pocket to grab my phone. Wala paring signal and I'm almost dead batt.

Ilang minuto pa ang nakalipas bago nagsalita muli ang kasama ko.

"Wala bang gumagamit ng elevator dito? Di ba nila alam na nasira to?" Nag angat ako ng tingin sakanya pero di manlang siya sumulyap sa akin.

"Gabi na kase.." napalunok ako ng laway. "Usually wala nang gumagamit ng elevator at this hour, except kung naglilibot ang guards."

"Edi anong oras sila naglilibot? Di pa ba sila maglilibot? Kanina pa tayo dito eh. Halos 20mins na tayo dito sa loob." she rolled her eyes.

"Usually.. 11pm pa sila naglilibot." I grabbed my phone to check the time. "It's just 9pm.." i sighed. "But if we get lucky na may taga rito pang uuwi palang at this hour we might have a chance to get out as soon as possible.."

"Tangina. Pati ba naman dito walang kasiguraduhan?" napapadyak siya muli ng paa.

"S-sorry.." nahihiya kong sabi.

"Ba't ka nagsosorry? Ikaw ba gago kong boyfriend?"

"Hindi.."

"Oh edi wag ka mag sorry.."

"Okay.. S-Sorry.."

"Lintek na— tsh" nilingon niya ako. "Wag ka nga kase mag sorry. May kasalanan ka ba?"

Di na ako sumagot at nagbaba nalang ng tingin.

"Buti pa ang walang kasalanan kusang nag sosorry. Eh yung tarantado may kasalanan na nga ayaw pa umamin!" galit niyang sabi.

I exhaled heavily. This is so awkward.

"Wag ka huminga ng malalim huy." Pagtawag niya. "Wala tayong masyadong hangin dito sa loob." ngumisi siya.

Wow. Biglang change of mood?

"I'm sorry for being too aggressive.." bahagya siyang napatawa. "I'm just having a bad day.. no.. scratch that. A bad life rather." umiling iling siya.

"Same" wala sa sariling nasagot ko.

Nagkatinginan pa kami bago natawa sa isa't isa.

"Alara.." she handed her hand to me, smiling.

"Huey.." i reached back at her.

"Cute name.. parang pangalan ng hindi mananakit." She laughed.

Napa ngiti ako. "Pangalan lang ng masasaktan?"

"Whoa.." she surrendered her hands. "I did not say that.. you did."

"Tsh. Okay lang.. totoo naman." pilit kong ngiti. "Alara is nice too.. it means cheerful right?"

She was quite impressed by the look on her face. "How did you know that?"

"I'm quite curious pagdating sa names. I don't know a lot.. but it happens that I know yours.." I smiled.

She interestingly looked at me. "So.. what does Huey mean?"

"It means.. bright in mind, heart and spirit." bumilog muli ang bibig siya sa pag hanga.

"Wow. You surely are brind in mind.. that's all I can say." She shrugged her shoulders.

"But unfortunately.." i sighed and looked down on my fingers. "Not quite bright in the heart." I smirked.

"We can't have it all Hue.."

Gulat akong napatingin sakanya. Only Sandrine calls me by that name. Tila panibagong tunog eto sakin ngayong iba na ang bumanggit neto.

HUEY & ALARA Where stories live. Discover now