Chapter 17

8 6 0
                                    

Triggered Flames
______

ARAIA

Gulat akong napatayo habang hinabol ang hininga. Nilingon ko ang paligid at napansing wala na ako sa klinika. Nandito ako sa... Ibang kwarto?!

Unti-unti akong tumayo at tumingin sa mga larawang nakasabit sa dingding. It's Aldridge when he was young. Nanlaki ang mga mata ko nang makilala kung kaninong kwarto ito.

It's Aldridge's room?!

I roamed my eyes around. His room is neat and clean. May nakita pa akong dalawang raketa at isang shuttlecock sa ibabaw ng damitan niya. Nakasalansan din ng maayos ang damit nito at nakasabit ang school uniform. Maaliwalas ang kwarto niya dahil sa kulay ng dingding. It's sky blue.

My eyes landed on a note. Nakapatong ito sa ibabaw ng nightstand. Agad ko itong dinampot at binasa. My eyes widen after I read the letter.

It says,

For your sake, don't step your feet out of my room. I'll be back.
- Aldridge

What is this? May hindi ba ako alam? Bakit hindi ako pwedeng lumabas ng kwarto niya?

Patakbo akong pumunta sa pinto ng kaniyang kwarto at tinulak ngunit ayaw niyong bumubukas. Ilang beses kong pinihit ang doorknob ngunit gano'n pa din.

Priam.

"Priam, where are you? Can you tell Aldridge to open his door?" I said using our minds. Ilang minuto akong naghintay ng kaniyang sasabihin ngunit parang naghihintay lang ako sa wala.

Inis kong tinadyakan ang pintuan at sumandal dito. I guess, I'll stay here like what he said. I can't help but to wonder, what's happening?

Napatingin ako sa bintana nang makita ang isang itim na balahibo ng ibon. Dahan-dahan itong nahulog mula sa langit. Nanlaki ang mga mata ko at hindi mapakali ang buong sistema ko.

Agad akong tumayo at binuksan ang mga lagayan ni Aldridge. Lahat naman ay may weaponry class, paniguradong nandito ang mga armas niya para mapilitan kong buksan ang pinto.

Makalipas ang ilang minuto, isang lalagyan nalang ang hindi ko nabubuksan at lahat ng 'yon ay... Wala maging ang mga armas niya.

"Bakit wala?!" Inis kong sigaw. "Hindi kaya..."

My eyes widen and my hands starts to sweat. No, it can't be...

"They are confronting that bitch..."

_____

THIRD PERSON

"Kayo na naman."

Ang maikling buhok nito ay nililipad ng hangin. Hindi mo maipagkakaila ang pagkakamukha nila ni Tatienna. Ang pinagkaiba lang nila ay mahaba ang buhok ng kaniyang kapatid.

"Taliaji," tawag sa kaniya ni Tatienna. Napalingon naman ang babae dito.

"Oh," Taliaji muttered. "Hi, 'lil sissy. Kamusta maging paboritong anak ng pamilya natin?"

"Tch," it's Tatienna. "Isinusuka kong naging pamilya kita, Taliaji. Now, get lost."

"Hmm..." Taliaji whispered. "Not until I have the princess' lifeless body. Can you do it for me? Ah, you can't. You're playing the good girl pala so everyone has their eyes on you, isn't?"

"Huwag mong hintaying makarating ito sa mahal na reyna," a guy stepped in. Napatingin naman ang dalawa doon. It's Priam with his sword. Suot-suot pa din niya ang kaniyang school uniform.

"Oh... How's your life? Tagal nating di nagkita ah?" Taliaji said. "Missed me?"

Priam scoffed. "Kadiri."

Burning Flame Of Lying [Redvein Crescent Series #1]Where stories live. Discover now