"Saan tayo tatambay?" tanong ni Thea paglabas namin ng room.

"Sa cafeteria na lang." Sakto at nagugutom narin ako.

"Waaahhh, makakakain narin ako ng spaghetti." sabay talon talon pa ni Dafnie. Siya na yata ang babaeng nakilala kong addict sa spaghetti. Kaya niyang makipagpatayan para lang dun.

Pagdating namin sa cafeteria una kong napansin ang table sa gitna. Nakareserve iyon para sa mga top students and servants. Ang pagpili sa mga T.S or top students ay sa pamamagitan ng test. All levels ang dapat mag take nun.

Kung yung T.S ay may napiling servants ibig sabihin obligado siyang sundin at tuparin ang rules.

Una, hindi niya pwedeng pabayaan ang kanyang servants. (Example kong may problema ito kailangan niya itong tulungan.)

Ikalawa, bawal niyang saktan ang mga servants.

Ikatlo, hindi niya pwedeng abusuhin ang pagiging master.

And ika-apat , no monkey business.

Para sa mga commoners naman or servants. Dalawa lang ang rules na dapat nilang sundin. Obey and respect your master. And of course, ang pinakamahalagang rules sa lahat ng rules na ako mismo ang gumawa. Bawal magkaroon ang master at servants nang relasyon na hihigit pa sa pagiging pamilya.

Ang top students ay si Thea, kaya siya may tatlong alalay. Si Dafnie ang ikalawa and hanggang ngayon wala pa siyang napipiling maging servants. Yung ibang T.S nasa ibang sections o kaya naman levels. Hindi ako kasali sa kanila.

"Uy si Mr. Handsome." Tinignan ko ang direksyong tinuro ni Dafnie.

Si Mr. Dela Cruz na mag-isang kumakain sa gilid habang abala rin na pagbabasa ng libro.

"He's perfect."

Kunot noo kong liningon si Dafnie. "Perfect for what?"

"For being a servant."

"You really want him to be yours?" This time si Thea naman ang nagtanong.

"Hindi a, yes he's handsome pero diko siya trip mga sissy. Mas bet ko yung mga players." Napataas ang isa kung kilay. Hindi pa talaga nadala ang babaeng to. Ilang beses na siyang niloko ng mga players na pinagsasabi niya.

"Kung hindi para sayo, eh kanino? Hindi naman pwede sa akin dahil tatlo na ang servant ko." Sabi ni Thea.

I feel something nang madako ang tingin ni Dafnie sa akin. Si Gaga with matching twinkling eyes pa. At pataas baba na mga kilay. "It's not gonna happen. " Segunda ko sa sasabihin pa lamang niya.

"And why?"

"Because I don't like it. Hindi ko kailangan ng servant o utusin Dafnie. Mas lalong diko kailangan ng taga- protekta. You know, I can defend myself."

"Well, let's see." Saka niya inakay si Thea upang pumila para makabili ng pagkain.

"Mga walanghiya iwan ba naman ako." Dahil alam naman nila ang favorite na pagkain ko. Pumunta na lang ako sa table naming exclusive lang sa aming tatlo. Sa gitna ay may sign board, ang nakasulat ay THE RULERS. Si Dafnie ang nakaisip niyan.

Pagkaupo ko pa lang agad ng may lumapit. Sa kulay ng badge nito nasa ikatatlong sekondarya ang babaeng nakatayo ngayon sa harapan ko.

Ang kulay ng badge para sa unang sekondarya ay green, yellow para sa ikalawa, red sa ikatatlo at blue naman para sa ika-apat.

"Anong maipaglilingkod ko sayo?" Neutral kung tanong.

Yumuko muna ang babae tanda nang paggalang sa kanilang pinuno dito sa Akademya.

Don't Break My Heart(Under Revision)Where stories live. Discover now