Chapter 19: Accusation (Part 2)

Comincia dall'inizio
                                        

"Hooooy...! Mga bata...!" biglang tawag ng Papa ni Cinthia na halatang naka inom na. Marahang tumawa si Tita Cindy at sinubukang i balanse ang kanyang asawa sa pagkakatayo.

"P-pasensya na kayo--"

"Bitawan mo ako... Bwiset!!" nagulat kami sa biglaang pag-angal ng Papa ni Cinthia at malakas na tinulak papalayo si Tita Cindy. Napansin rin iyon ng mga pulis at mabilis na hinawakan ang magkabilang braso ng Papa ni Cinthia.

"T-tita Cindy...!" marahang pagtawag ko at hindi rin kami nagdalawang-isip na tulungan siyang itayo.

Napalingon kami sa direksyon ng mga paparating na pulis galing sa loob ng bahay nila Cinthia. May dala dala itong mga plastic bag at mga maliliit na plastic. Lumapit ito sa direksyon na 'min at tinignan ang gawi ni Tita Cindy.

"Ma'am, samahan niyo po kami sa presinto."

Doon ay namuo ulit ang pagtataka sa aking isip at nung pagkakita ko kung ano ang nasa loob ng maliit na plastic ay muntik na akong mapamura. Doon rin ulit nagsimula ang kaba na aking naramdaman.

Dugo...

---

THIRD PERSON'S POV.

"Look, Ma'am. Did you by any chance see your daughter come home after school?"

Napahinga ng malalim ang ina ni Cinthia na nangangalang Cindy bago sumagot. Bakas ang kaba sa itsura nito. "H-hindi po."

Umarka naman ang kilay ng officer at tinignan ang papel na hawak hawak nito at may isinulat.

"Then can you explain to me kung bakit may dugo sa kwarto niya?" diretsong tanong ng Officer, pinagmamasdan ang reaksyon ng babaeng nasa harapan niya. "Other than that, her closet that should've been filled with clothes... is empty."

Nanatiling tahimik si Cindy habang nilalaro ang kanyang mga kamay. "Is there something we should know about any of your family matter?"

"W-wala. Wala. We love our daughter... We love her..." nangingiyak na banggit ni Cindy na ngayo'y nakaangat na ang tingin sa Officer. "M-mahal na mahal namin si Cinthia, Officer..."

Tumikhim naman ang Officer at may idinagdag sa isinulat nito. "How long have your Husband been drinking?"

Doon ay napatigil si Cindy na mukhang nagulat sa tanong nito. Napalingon pa ito sa kanyang paligid bago sumagot. "D-dalawang araw na... Kahapon ko lang nalaman na n-nakainom na pala siya..."

"What time exactly did he arrive back home, Cindy?"

"N-nasa mga 6:30 ng gabi." sagot ni Cindy.

"And what about your daughter Cinthia?"

Napahinga ng malalim si Cindy at nagdalawang-isip pa sa kanyang isasagot. "Hindi... Hindi siya umuwi kagabi..."

Napatigil ang Officer sa kanyang sinagot at kumunot pa ang noo nito. Inilapit niya ang kanyang sarili sa direksyon ni Cindy bago pinatong ang magkabilang kamay sa magkabilang pisngi niya.

"The witness said that she didn't have any heavy bags with her when he saw Cinthia with the accused suspect." diretsong sagot nito, nakatingin ng diretso sa mga mata ni Cindy. "Now tell me, how would her closet be empty?"

"H-hindi ko po alam." mabilis na tanong ni Cindy na nakatingin rin ng diretso sa mga mata ng Officer.

"You don't know or... You're just really hiding the fact that your Daughter, Cinthia, did really arrive home last night."

"So sa tingin mo may ginawa kami sa anak namin?!" biglang ani ni Cindy na may bakas na galit sa tinig. "Ganun ba, ha?!"

"Who are you defending, Mrs. Ramirez...?

IF NOT US | ON-GOINGDove le storie prendono vita. Scoprilo ora