VI.
"I ask everyone to please line up properly. Teachers, please arrange your students."
"Huy, Philip! Dito!" tawag ni Hopia sa kaibigan naming si Philip.
Nagsitakbuhan ang mga ibang estudyante papunta sa kani-kanilang line each section. Nasa likuran ako nina Hope at Rhiane dahil ako yung may katangkaran sa aming tatlong magkakaibigan, si Hope ang nasa pinaka-harapan.
"Takte na late pa ako! Pag gising ko alas 6 na pala ng umaga!" reklamo ni Philip at agad na tumabi sa 'kin ngunit naka linya sa linya ng mga lalake. Kinindatan ako nito. "Hi, Cinth."
"Landi mo, Philip." angal ni Hope.
"Tabi ka nga, monggoloid." irap ni Rhiane kay Philip. Napatawa nalang ako sa reaksyon ng isa dahil sa biglang pagbasungot nito.
"Cinth, oh! Inaway ako!" naiiyak niyang sabi.
"Monggoloid ka naman talaga, ah?" biro ko.
Pabiro siyang nagulat at tinignan ako galing sa ulo hanggang paa. "Aba... Umabsent lang ako ng ilang araw ganito na pagtrato niyo sa 'ken?!" singhap niya. "This is unbelievable!"
"Philip Gozon... may I ask you to please shut the fuck up?" singit ng isang kaklase namin na kaharap lang ni Philip, si Bobby. "Ingay niyo masyado, dagdag stress kayo ni Ma'am, eh."
"At least hindi ako sipsip." sagot ni Philip na hindi man lang nagdalawang-isip na sabihin iyon.
"Sipsip? Ako? Seryoso ka ba-"
"CLASS-C... Please. The ceremony is about to start." sambat ni Ms. Gonzales at nginitian kami.
Hindi na kami ulit nagsalita pa at pinagmasdan kung paano rin nagkakaguluhan ang ibang section. 2nd year na nga sa senior high pero hindi pa rin naiiwasan ang guluhan at mga basag ulo na mga estudyante.
Walang malay akong lumingon sa aking likuran, at doon ay nakita ko yung lalake. Si Harris. Siya ang second to the last at hindi na ako nagulat pa dahil sa katangkaran nito. Pero himala, ah, hindi siya nag cutting classes ngayon.
Mabuti nalang at hindi niya ako napansin at agad akong humarap sa aking harapan.
Nagulat ako nang pagharap ko ay nakatitig na pala si Hope sa 'kin na nakakunot ang noo. Kinunotan ko rin siya ng noo. "Ano..?" pabulong kong tanong.
Hindi niya ako sinagot at inilayo na ang tingin sa akin.
Nagkibit-balikat na lamang ako at napagdesisyunang sumilip ulit sa likuran ko.
At doon ay nanigas ang buong katawan ko nang nakita siyang nakatingin sa 'kin. Hindi niya man lang ito inalis kaya bago pa man mamula ang buong mukha ko ay inalis ko na ang tingin ko sa kanya.
'No ginagawa mo, Cinthia?
Pagkatapos ng 'Lupang Hinirang' ay kinuha na ng Dean ang microphone at tumikhim muna ito bago nagsalita. "Hello. Good morning, Licenians! As you all know, ako pa rin yung dean sa school na 'to, at sa mga nakalimot sa pangalan ko, ako si Mrs. Santebañes." pagbati niya. "I really appreciate for those who arrived at school very early today, today in Monday."
"I will now be straight to the point, in the next 3 weeks, there will be visitors from outside our school, so we will all have to carry out a plan to impress them, especially for those who are coming from the most prestigious school in this region, Xavier University." dagdag pa nito.
Namuo ang bulungan sa buong gymnasium, napasali na rin kami nila Hope at Rhiane at sa monggoloid na katabi ko. "I am not yet done." seryosong sambat ng Dean. Tumikhim ulit ito.
YOU ARE READING
IF NOT US | ON-GOING
RomanceHow much risk would you take knowing that someone you love is someone you're not allowed to fall in love with? Cross meets Crescent. A Muslim and a Christian's Forbidden Love. --
