Chapter 07: Thalia's Side

41 8 0
                                        


VII.

CONTINUATION...

Kanino kaya 'to nanggaling?

Pinagpatuloy ko uli ang pag-ubos nito bago tumayo para itapon ito sa basura, ngunit muntik na akong mapasigaw nang nakita ko ang isang lalakeng nakatayo sa labas ng mismong classroom na 'min.

May dala rin itong dutch mill at nakangiti sa akin.

Napakunot ang aking noo at napasinghap, unti-unting namumuo ang galit sa buong katawan ko.

"Bakit ka nandito?" pasinghap kong tanong. Nanatiling nakangiti si Brian, pinagmamasdan ang gawi ko. Hinawakan ko ang dutch mill na itatapon ko na sana. "Ano na naman bang balak mo, Brian?"

"...What?" painosenteng tanong nito at pumasok sa classroom na 'min.

Napaatras ako at itinapon ang dutch mill sa direksyon niya kaya tumigil ito sa paglakad.

"Pwede ba? Pwede bang layuan mo na ako?!" sigaw ko. "Akala mo may magagawa ka sa Dutch mill dutch mill mo?! Akala mo sa gantong sitwasyon babalik pa tayo sa dati?!"

"I-I'm just trying to talk to you, Cinthia!" sagot naman niya na may halong pagod sa tono niya. Nagkibit-balikat ito, "I'm trying to explain myself here-"

"I've already seen enough, Brian." seryosong sagot ko. Unti-unti kong naramdaman ang pagrami ng mga mata sa labas ng classroom. Nakatingin na ang ibang estudyante sa amin at nagsimulang magbulungan. Napahipo na naman ako sa ulo ko. "Oh ano? Magchi-chismisan na naman kayo? Sige dali mag-post agad kayo! Omg si Ramirez a.k.a Pambansang Kabit nakikipag-usap sa kanyang Ex-boyfriend viral! Sige go!" ubos hininga kong sabi, pinapalabas ang galit na nararamdaman ko.

"At ikaw naman! Kahit anong rason pang lumalabas dyan sa bibig mo, kahit paulit-ulit pa yan, nagbago na ang nararamdaman ko para sa 'yo." dagdag ko pa.

Minsan lang ito nangyayari sa akin, ang biglang paglabas ng galit ko na matagal ko nang napatahimik sa kalooban ko.

"C-cinthia? Anong nangyayari?!" rinig ko ang pagtawag ni Rhiane, ngayon pa lamang sila nakabalik sa classroom.

Hindi ko na siya nasagot pa dahil ramdam ko pa rin ang titig ng lahat ng mga tao sa aming dalawa.

Natigil lang iyon nang bigla ring pumasok si Thalia- at doon ay nagtama ang tingin naming dalawa. Bakas ang galit sa kanyang itsura at nagulat nalang ako nang bigla nalang siyang naglakad palapit sa akin at napapikit pa ako dahil akala ko ay may mararamdaman akong hapdi sa mukha ko, pero muli ko iyong naimulat nang narinig ko ang biglang hiyawan ng lahat.

Pagmulat ko sa aking mata ay nakita ko ang pagsampal ni Thalia kay Brian. Bakas ang paghingal nito, gulat din para sa kanyang sarili.

"...Fuck you." madiin na bulong ni Thalia. "You man whore."

"T-Thalia-- What the heck?!" angal ni Brian habang hawak-hawak ang kanyang pisngi. "You're crazy! We were just together for a week- ba't ka nasasaktan sa ganito?!" natatawang sagot ni Brian na may halong sarkastiko sa tono.

"And thank you- thank you for wasting me. I myself knows I deserve someone better. Thank you for showing me that you weren't worth every single minute of my time!" sagot ni Thalia. "Totoo magmahal ang mga babae, Brian. So shame on you, for hurting us like this."

Napamaang ako nang nilingon ako ni Thalia. "And shame on us, for falling for this guy."

Pagkatapos non ay hindi ko na uli nakita ang itsura ni Brian nang naramdaman ko ang paghila ni Thalia sa 'akin. Agad namang sumunod sila Hope, Rhiane at Philip sa direksiyon na 'min.

IF NOT US | ON-GOINGWhere stories live. Discover now