XIII.
6:30 PM
HOPE'S POV.
"Hey! Wait...!"
Hindi ko siya nilingon at padabog na isinirado ang locker ko pagkatapos kong maipasok ang lunchbox ko doon. Kaonting galaw na lang ay baka masapak ko na 'to.
Unti-unti ay nalalaman niya ang mga weakness ko at tinatarget ako doon. Ano bang nagawang kasalanan ko at bakit niya ginagawa sa 'kin 'to?
"Hey!"
Nanatili akong nagbingi-bingihan at aakmang aalis na sana nang naramdaman ko ang paghila niya sa braso ko. Hindi na ako nagdalawang-isip pang tanggalin ang kamay niya sa braso ko at binigyan siya ng masamang tingin.
"Layuan mo ako." matigas na sagot ko.
Bumuntong hininga ito at napahipo sa ulo niya. "Look... I'm sorry-"
"Wag.... Wag mo nang ituloy. Wala na akong pakealam. Kaya please lang, layuan mo nalang ako." singhap ko.
Mukha namang may gusto pa itong sabihin ngunit napagdesisyunan ko nang tumalikod at maglakad papalayo. Sinilip ko pa ang likuran ko para tignan kung nandun pa ba siya at nung nakita kong nanatili pa rin siyang nakatayo doon ay bigla kong naramdaman ang pagka-guilty.
Ngunit kasalanan na niya iyon, wala na akong oras para sa mga kalokohan niya. Huminga ako ng malalim at nagpatuloy sa paglalakad.
Nanatili akong nakahilata sa kama ko, inaalala kung ano ang nangyari kanina sa hallway. Muli ay naglabas ako ng maluwag na hininga at umupo sa mattress na hinigaan ko.
Inabot ko ang aking cellphone na inilagay ko sa sahig at binuksan iyon.
Tahimik ang group chat, mukhang wala ring balak na magsalita dito pagkatapos ng nangyari. Ako lang naman yung laging nag a-anticipate na mag chat dito.
Inilagay ko muli ang cellphone ko sa sahig at umalis na sa kama ko.
Sinilip ko si Lola na nasa tabi ko lang at mukhang mahimbing ang tulog. Marahan akong napangiti at hinaplos ang likod nito, sinusubukang i-check kung naiinitan ba ito o hindi. Mukhang hindi naman ito naiinitan kaya tumayo na ako para maglinis sa silid.
Nagsaing na rin ako ng rice para naman kung magugutom si lola ay may makakain na ito.
Bumalik ako sa kwarto namin nang bigla kong narinig ang isang notification sa phone ko, napakunot ang noo ko. Binuksan ko ang chat ni Thalia sa Whatsapp.
urthalia🌷: hoy madrigal, later at my house 7 pm
Anong kababalaghan na naman ito?
hope💙: para saan?
urthalia🌷: party. duh. like i said earlier
hope💙: anoooo?
urthalia🌷: gosh. ur invited to my party
hope💙: may gagawin pa ko, hindi ako makakasali dyan
urthalia🌷: stop being such a boomer. this is once in a lifetime.
urthalia🌷: cmon 🙄
Palihim ko siyang sinungitan at mabilis na nag-reply.
hope💙: bigyan mo muna ako ng magandang rason
BINABASA MO ANG
IF NOT US | ON-GOING
RomanceHow much risk would you take knowing that someone you love is someone you're not allowed to fall in love with? Cross meets Crescent. A Muslim and a Christian's Forbidden Love. --
