Chapter 09: Closer

37 7 0
                                        


IX.

"Huy Cinthia! Ano nangyari dun?"

Hindi na ako nakasagot pa sa tanong ni Hopelyn sa 'kin, lahat ng mga tao ay napatingin sa direksiyon kung saan ay nakatayo ako kasama ang mag-asawang nasa likuran ko.

Nilingon ko silang dalawa, "P-pasensya na ho! May kukunin lang muna ako." pagra-rason ko bago kumaripas ng takbo para sundan ang direksyon na pinuntahan ng lalakeng iyon. Rinig ko pa ang pagtawag ng dalawa kaso mas mabuti nalang siguro na hindi nila ako masundan dahil na rin sa reaksyon ng anak nila.

Ayaw na ayaw ko ng bagong problema...

Pero bakit ang presensya mo'y lagi kong hinahanap?

Naghanap pa ako sa kanya sa cafeteria, sa locker room, at pati na rin sa Garden. Nang nawalan ako ng pag-asang mahanap siya ay napagdesisyunan kong bumalik sa classroom para magpahinga, pero doon ay nagulat ako nang nakita ko siyang natutulog sa mismong table niya.

Napabuntong hininga ako.

Bakit hindi ko man lang naisip na i check ang classroom?

Dahan-dahan akong lumapit sa table niya at marahang napangiti dahil sa mahimbing na tulog nito. Kakaiba ang lalakeng 'to. Nagagawa niyang matulog sa kabila ng lahat ng nangyari sa kanya.

Umupo ako sa tabi niya at hinayaan ang sarili kong pagmasdan ang buhok niyang hinahawi ng malakas na hangin galing sa bintana. Ngunit natigil nalang iyon nang bigla niyang inangat ang kanyang ulo, at doon ay nakita ko ang mamula mula niyang mga mata.

Hindi ko nagawang magsalita.

"You didn't lead them here, did you?"

Doon ay nabalik ako sa aking sariling katinuan at agad na sumagot. "H-hindi! 'W-wag kang mag-alala... Wala sila dito..." sagot ko at tumikhim. "S-sige- ituloy mo lang 'yang tulog mo. Sorry sa disturbo..." dagdag ko pa at tumayo na para maiwan nalang muna siyang mag-isa. Mukhang marami din siyang iniisip at nakakahiya naman kung mang-iisturbo pa ako, noh? Sino naman ako para makisali sa mga problema niya?

Bumuntong hininga ito at naglayo ng tingin. "Aalis ka na?"

Tumigil ako sa aking paglalakad at hinawi ang buhok ko para matignan ulit siya. "H-ha?" utal kong sagot. Napamura ako sa sarili ko at tumikhim. "Oo, bakit?"

"Aalis ka talaga?"

Na-estatwa ako nang bigla itong tumayo at dahan-dahang naglakad palapit sa 'kin. "A-anong ginagawa mo...?" tarantang ani ko at naglayo ng tingin. "A-akala ko ba gusto mong mapag-isa---"

Doon ay napatigil ako nang nilagpasan niya ako at paglingon ko sa aking likuran ay naka-lock na ang pinto. Unti-unting dumaloy ang init sa pisngi ko at hindi ko napigilang kurutin ang sarili kong braso, pinapakalma ang sarili ko.

'Wag malandi, Cinth... 'Wag malandi.

Hinarap ako nito at umupo sa table na nasa harapan ko. Nagka-lebel ang aming height. Nanatili akong tahimik, hindi alam kung ano ang gagawin.

"Ano nang gagawin mo, Cinthia?"

Lord, please give me a sign...

Whether I should part my way from this guy...

Or fall for him instead?

Muntik na akong mapasigaw nang biglang may ibong nabangga sa labas mismo ng bintana. Sabay kaming napalingon sa direksyon na iyon na nanlalaki ang mga mata. Napahinga ako ng malalim at hindi napigilang mapatawa.

IF NOT US | ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon