Chapter 19: Accusation (Part 2)

27 5 0
                                        


XIX.

RHIANE'S POV.

"BILISAN NIYO, HUY!!"

"AYUN OH! MAY JEEP!"

"Gosh! Are we seriously riding that?!" irap ni Thalia, nagdadalawang-isip kung sasakay ba siya sa Jeep o hindi.

"Wag mo nga ipa-iral kaartehan mo ngayun, Thalia! Kahit ngayong araw lang, please!" singhal ni Hopia kay Thalia at mabilis na pumasok sa Jeep. Sumunod ako sa kanya bago pumasok ang ibang kasama namin na sila Timothy, Khai at Philip. Talagang sinama namin silang lahat.

Inabot ko kay Thalia ang kamay ko para makasakay na rin siya sa loob. Naglabas ito ng buntong-hininga bago inabot ang kamay ko at tsa'ka pumasok sa Jeep.

"Gosh... How do you breathe here...?!" pabulong niyang reklamo at mabilis na umupo sa tabi ni Timothy. "Dito lang ako, okay?"

"Bagal niyo naman, ma'am! Kanina pa naghihintay ibang pasahero!" inis na singhal ng Manong Driver bago nagsimulang mag Drive.

Inirapan naman siya ni Thalia, "Excuse me, manong?! Were you talking to me?!"

"Thalia ang ingay mo." sermon ni Hopia at agad naman tumahimik si Thalia pagkatapos nun nang napansin niya ang titig ng lahat sa kanya.

Nang nakarating kami sa bahay nila Cinthia ay agad kaming bumaba sa Jeep. Hindi pa man kami gaanong nakalapit ay nakikita na namin ang mga nagsikandarapang mga pulis at isang K9. Muli ay nakaramdam ako ng kaba habang nagmamasid-masid sa paligid.

"Nawawala pa rin si Cinthia..." ani ko sa mga kasama ko.

Alas-sais na rin ng gabi. Hindi ko mapigilang magduda nang maalala kong nawala silang dalawa ni Harris kahapon ng sabay at isa sa kanila ay hindi na bumalik. Pero kanina ay bumalik naman si Harris, ngunit walang Cinthia na kasama niya.

"Alam niyo ba kung saan paborito niyang tambayan?" biglang tanong ni Philip habang nakatitig sa direksyon ng mga pulis.

Huminga ako ng malalim. "Hindi naman kasi siya pinapalabas ng bahay niya... Wala talagang makakaalam kung san siya nag punta..."

Nung nakalapit na kami sa bahay ni Cinthia ay agad naman kaming pinatigil ng mga pulis, mukhang galit rin ang itsura nito.

"Bakit kayo nandito? Magsiuwian na kayo sa mga bahay niyo." ani nito na naka cross-arms.

Nang napansin namin ang pigura ni Tita Cindy ay agad siyang tinawag ni Hope. "T-tita!"

"Ang tigas talaga ng ulo-" hindi na iyon natapos ng Pulis nang napansin niyang lumapit rin si Tita Cindy sa pwesto na 'min.

"Nakuuu! Andito pala kayo!" maligayang pagbati ni Tita Cindy at tsaka binigyan kami ng malaking yakap. Tahimik naman na nakatayo sa likod sila Khai, Timothy, Philip tsa 'ka Thalia.

"Nakita na po ba si Cinthia, Tita?" tanong ko sa kanya ngunit sa itsura nito ay mukhang wala pa talaga.

"Wala pa, iha... Wala pa talaga..." ani nito na may halong bigat sa tinig.

"Tita Cindy, kilala mo naman kung sino yung nakasama ni Cinthia nung isang araw di ba?" biglang tanong ni Hopia, napalingon naman si Tita Cindy sa gawi nito. "Hindi po siya 'yung tipong may magagawang masama, trust me po Tita Cindy, sobrang bait po nun!"

"Tsk." rinig naming singhal ni Khai sa likuran, napairap naman si Hopia.

Hindi umimik si Tita Cindy at mukhang nailang pa ito. Napatigil naman kami sa gawi namin nang napansin namin ang Papa ni Cinthia na naglalakad palapit sa 'min na may dalang beer. Napansin ni Tita Cindy kung saan kami nakatingin kaya natauhan ito.

IF NOT US | ON-GOINGWhere stories live. Discover now