Chapter 05: Enough

46 7 0
                                        


V.

1 DAY LATER...

4:32 am.

"Malaki nga yung grado, pero tignan mo nga 'tong batang, to." patawang sambit ni Papa at itinuro ako. "Kung ano ano nalang ginagawa pag nasa labas, lalo na pag kasama barkada!"

"Ano nalang kaya mangyayari sa 'yo kapag hinahayaan ka ng Mama mo, noh? Siguro mapapasali ka rin sa bisyo," dagdag pa niya. Nanatili akong tahimik na nakaupo sa silya suot-suot ang uniform ko, pinipigilang dibdibin ang mga salitang lumalabas sa bibig niya. "O baka nga mapasali ka din dun sa mga nabubuntis ng maaga-"

Doon ay nilingon ko siya, na may namumuong luha sa mga mata. Nanginginig man ay naglakas-loob akong magsalita. "Ano bang problema mo?" matigas kong sagot, sa ganitong oras ay nagsisimula na akong mawalan ng respeto sa sarili kong ama.

Bakas ang gulat sa itsura nito at lalong-lalo na si Mama.

"Cinthia..." sermon ni Mama.

"Pagod na po ako." hagulgol ko at nilayo ang tingin sa ama ko na halatang galit na.

"Anong pagod? Wala kang karapatang magsabing pagod ka, eh puro lang naman away at walang kwenta mong barkada inaatupag mo!" dagdag nito at suminghap. "Ikaw lang naman yung pabigat sa pamilya, eh! Wala na ngang trabaho, lagi pang naghahanap ng gulo! Kami yung pagod dito, Cinthia. At ikaw yung problema."

Nanigas ang aking katawan sa binanggit niya. Hindi na ito bago sa 'akin ngunit sa pang-ilan kong ulit na naririnig iyon ay ramdam na ramdam ko pa rin ang sakit na binibigay nito. Pa minsan minsan ay natatanong ko na lang ang sarili ko...

Ba't pa ba ako nabuhay sa mundong 'to?

"Oh, ano? Umiiyak ka na?" ani niya na may patawa pa sa huli. "Maliit na bagay iniiyakan mo."

Maliit na bagay...

Hindi ko na pala naitigil ang pagbuhos ng luha ko dahil sa bigat na nararamdaman ko. Hindi na yata kinaya ng emosyon ko ang mga bagong salitang iyon, at sa wakas, ay napalabas ko na rin ang mga hinanakit ko.

Rinig ko ang pag-sermon ni Mama kay Papa, na may halong tinig ng pag-aalala. Hindi na ako nagsalita pa at pinunasan ang mga luha ko na hindi na tumitigil sa pagbuhos. Bununtong-hininga ako at kinuha ang bag ko.

"Oh tignan mo, ano na namang pinag gagawa neto?"

Nanatili akong tahimik at mabilis na sinuot ang sapatos ko. Ramdam ko ang pagsunod ni Mama sa 'kin.

"C-cinthia... Anak. A-anong ginagawa mo?" nag-aalalang tanong niya habang hawak hawak ang balikat ko.

Nanatili akong nakayuko, inaayos ang sapatos ko.

"Cinthia, alas-singko pa ng umaga, may isang oras kapa bago pumasok sa school niyo-"

"Aalis na ako." walang ganang sagot ko at mabilis na kinuha ang bag ko.

Ramdam ko ang titig ni Papa sa aking likuran ngunit hindi ko na iyon pinansin.

Sinundan ako ni Mama palabas ng bahay, "Cinthia! Maghintay ka nga dito! Ihahatid na kita doon-"

Hindi ako tumigil sa paglalakad at dumeretso sa daan palabas ng gate na 'min. "Cinthia Ramirez! Isa, ha? Wag matigas ang ulong bata ka!"

Tumigil ako sa paglalakad at nilingon ang Mama ko na nakakunot na ang noo. "Bata, ma? Seryoso ka ba?" sagot ko at huminga ng malalim. "Hindi ka ba nahihiya? Ang sarili mong anak hindi pa marunong magluto, ang sarili mong anak hindi pa kayang tumawid sa daan, sarili mong anak hindi kayang gumalang mag-isa." pagbuhos ko sa matagal ko nang tinatagong hinanakit. "Ba't niyo ba akong pinalaking ganito...?" pabulong kong tanong. Nanatiling tahimik si Mama ngunit ramdam ko ang unti-unting pamumuo ng luha sa mga mata niya, dahil doon ay sumakit na naman ang dibdib ko.

IF NOT US | ON-GOINGWhere stories live. Discover now