Chapter 35: Paniningil

Start from the beginning
                                    

"It looks like I am the only living person that left here." Hinuha niya bago muling nagpasya na tumuloy. Nang sumaktong nakarating siya sa dulo ay kaagad niyang nilapitan ang pinto. Makailang beses niyang pinihit ang doorknob ng Comfort Room ngunit hindi niya ito magawang mabuksan.

"Punyeta nga naman talaga oh!" Pikon na pikon niyang turan sa kaniyang isipan. Hirap na hirap siyang nagpatuloy sa pagbaba hanggang sa napunta siya sa ground floor. Muli niyang inilabas ang kaniyang cellphone para gawing pan-ilaw. Doon niya lang napagtanto na hindi pa pala nalalagyan ng fluorescent lamp ang gawing itaas kaya walang kahit katiting na ilaw dito sa ibaba. Saktong pagliko niya sa bandang kaliwa ay nagtalo pa ang isip niya kung tutuloy ba siya o hindi. Nagpapatay-sindi ang tubular electric lamp ng pasilyong kinaroroonan niya ngayon na siyang naging mitsa kung bakit ilang beses siyang napamura. Ngunit sa huli ay mas pinili niya pa ri ang sumulong sa kagustuhang ilabas ang bigat ng kaniyang dinadala.

Halos takbuhin na ni Willow ang pinakadulo lalo na at hindi na niya talaga magawang makatiis pa. Saktong paghinto ng kaniyang paa sa pinakadulo ng corridor ay nahagip ng kaniyang mata ang pinakahuling kubikulo ng gusaling ito. Mabilisan niyang inipit ang tubo sa magkabila niyang hita bago niya hinawakan ang seradora. Isang pihit niya lang ay kaagad iyong nagbukas bagay na kaniyang labis na ipinagpapasalamat. Wala na nga siyang inantay pang pagkakataon at dali-daling pumasok sa loob.

Kamuntik pa siyang madulas ngunit mabuti na lang at nakahawak siya sa isang drum kaya hindi siya tuluyang nawalan ng balanse. Nang makalapit na siya sa unang kubikel ay agaran niya itong binuksan. Hindi pa man siya tuluyang nakakapasok ngunit ang mapanghing amoy na nanggagaling sa loob ang siyang lumukob sa kaniyang ilong na siyang naging mitsa kung bakit muli niya itong isinara.

"Punyeta. Gagamit na nga lang ng CR hindi pa marunong mag-flush." Sermon niya at muling lumipat. Pare-parehong senaryo ang sumasalubong sa kaniya sa bawat kubeta kaya dumiretso na lamang siya sa pinakadulo. Sira ang seradora ng pinto pero hindi na siya nag-inarte pa. Mas mabuti na para sa kaniya ang umihi sa kyubikel na sira ang doorknob kaysa sa magtiis sa loob ng kubikulong pinamugaran na ng mga hindi kaaya-ayang amoy.

Matapos niyang maiharang ang isang balde sa pinto ay doon pa siya nagdesisyon na umihi.

"Thank you Lord, nakaihi rin sa wakas." Nakapikit niyang sabi na para bang tuluyan na siyang nakawala sa tinagal-tagal niyang pagtitiis. Nang matapos siya ay binuhusan niya iyon ng ilang tabong tubig. Muli siyang nagpakawala ng malalim na buntong-hininga bago niya inayos ang dapat na ayusin.

Saktong paghila niya sa pinto ay nahagip ng kaniyang ilaw ang isang pares ng paa na nakatayo mismo sa kaniyang harap.

"May paa?" Nilalamon man ng katiting na kaba ngunit mas pinili niya pa ring ilawan iyon. Dahan-dahan niyang iniangat ang ilaw sa nakatayong pigura ng tao. Hindi niya maiwasang mapalunok lalo na at mas lalo lamang siyang dinudumog ng takot. Gustuhin man niyang sumigaw pero hindi na niya nagawa waring hindi niya magawa pang hanapin ang kaniyang boses.

Kapansin-pansin ang napakaputla nitong balat maging ang mga bakas ng dugo na siyang nagmantsa sa napakaputing suot nitong blusa. Nang sumaktong magawi ang kaniyang ilaw sa mismong mukha ng kaharap ay kaagad na nablangko si Willow. Ni kahit isang salita ay wala siyang nabitawan dahil sa labis-labis na pagkukumahog ng kaniyang puso at pagdantay ng ibayong klaseng kaba at takot na siyang bumalot sa kaniyang sistema. Ang tanging nagawa niya lang ay ang tignan kung paano gumuhit ang napakatamis na ngiti sa labi ng kaharap na siyang nagbigay sa kaniya ng babala na hindi na nga magiging maganda ang susunod na mangyayari.

"It's been awhile. Did you missed me, Willow?" Salubong nito sa kaniya.

"C-Chloe?" Nahihintakutan niyang banggit sa pangalan ng kaharap.

Save UsWhere stories live. Discover now