Chapter 35: Paniningil

En başından başla
                                    

Tahimik niyang binaybay ang kahabaan ng pasilyo habang ang tingin ay nanatili sa gawing itaas. Pinipilit niya ring tandaan kung saan ba nakapwesto ang Comfort Room ng building at dahil nga sa madilim ang paligid ay nahihirapan siya sa pagkilos.

"Saang banda na nga ba 'to?" Mahina niyang tanong bago nagpalinga-linga. Laking pasalamat niya na lang talaga na wala pa siyang zombie na nakakasalubong, dahil kung nagkataon baka kanina pa siya binawian ng buhay. Tanging malamig na temperatura lang ang sumasama sa kaniya ngayon at hindi niya na alam pa kung nagmumula ba 'to sa hangin o may mga dumidikit-dikit na sa kaniyang mga nilalang na hindi niya lang magawang makita.

"Putangina, nakaka-discourage i-on iyong flashlight baka 'pag nilipat ko 'to sa ibang pwesto, kaluluwa iyong sasalubong sa'kin. Gagi 'wag naman sana." Bulong niya sa sarili at pilit na nilalabanan ang takot na namumuo sa kaibuturan ng kaniyang sistema. Gustuhin man niyang patayin ang ilaw pero mas pinili niya na lang na pumirmi dahil baka maging mitsa pa ito ng pagkaligaw niya.

"Class 9-A... Class 9-B..." bulong niya sa hangin. "Punyeta asan na ba kasi iyong CR sa building na 'to?" Napipikon niyang tanong bago mahinang nagpadyak ng paa. Pakiramdam niya ay ilang minuto na lang ay bibigay na ang pantog niya. At kung hindi pa rin siya makakahanap ng banyo ay mapipilitan talaga siyang umihi sa kung saan.

Saktong pagliko niya ay bumungad sa kaniya ang napakaliwanag na corridor. Bahagya siyang nakaramdam ng kaunting kaginhawaan dahil hindi na niya kinakailangan pang magtiis sa kakarampot niyang ilaw. Idagdag pa na hindi na niya kinakailangan pang takutin ang sarili sa kung anumang klaseng multo ang bigla-bigla na lang na bubulaga sa harap niya sa gitna ng dilim. Pansamantala niya munang pinatay ang kaniyang flashlight at nagmadaling tunguhin ang pinakadulo.

"Comfort Room." Basa niya sa signage na nakadikit sa gawing ibabaw. Akmang tutuloy na sana siya sa loob pero natagpuan niya na lamang ang kamay na nakatapat sa seradora habang nakahinto iyon sa ere.

"Hindi naman siguro 'to third floor, di'ba?" Bulong niya sa sarili. Nang makalimutan niya kung anong palapag na ito ay dali-dali siyang lumapit sa bakal na siyang nagsisilbing harang sa corridor. Sumilip siya sa gawing ibaba bago niya iyon pinasadahan ng tingin.

"One...two..." palihim niyang bilang at nang sumakto na ang kaniyang tingin sa palapag na kinalalagyan niya ngayon ay mabilis siyang dinunggol ng kaba. Aminado si Willow na hindi siya matatakutin pero nang dahil sa mga kwento-kwentong laging bukam-bibig ng kaniyang mga naging kaklase ay tila naimpluwensiyahan na rin ang sarili niya. Idagdag pa ang katotohanan na madalas siyang manood ng mga nakakatakot na teleserye sa TV na siyang lubos niyang pinagsisisihan ngayon dahil hindi niya lubos inakala na pagdadaanan niya ang pinakaayaw niyang senaryo sa bawat horror movie. At iyon ay ang maiwang mag-isa sa third floor sa gitna ng nakakakilabot na atmospera.

"Tangina, naalala ko na naman iyong scene sa Eerie. Sana pala hindi na lang ako nanood ng horror movie!" Mariin niyang sermon sa sarili at hindi na siya nag-abala pang subukang buksan ang CR dahil dinudumog na siya ng mga senaryong hiniling niyang sana hindi niya na lang napanood. Palinga-linga siyang bumaba sa ikalawang palapag at hindi na rin siya halos magkandaugaga sa paghakbang dulot ng kaniyang labis na pagmamadali.

"Sino ba kasi ang putanginang nag-imbento ng mga chismis na may mga estudyanteng nagpapakamatay sa third floor? E'di sana nakaihi na ako sa itaas, punyeta 'yan!" Naririndi niyang banggit at wala sa wisyo siyang napatakip ng bibig nang mapagtanto niyang napalakas pala ang kaniyang boses. Taranta siyang nagpalinga-linga upang siguraduhin kung may zombie bang papalapit sa kaniya ngunit sa ikalawang pagkakataon ay walang kahit anong senyales ng mga halimaw ang nasa pasilyong 'to.

Maingat ulit siyang naglakad habang mariin ang pagkakawak sa tubong dala. Pinaikot-ikot niya ito sa kaniyang kamay habang abala ang tingin sa paglilibot dito sa palapag kung nasaan siya. Tanging mahihina niyang yabag ang siyang maririnig sa parteng 'to at ni kahit isang tao ay wala talaga siyang nahagilap. Sumisilip din siya sa bawat classroom upang tignan kung may na-trapped bang survivor sa loob ngunit bigo lamang siyang napabuntong-hininga nang wala man lang siyang nakita.

Save UsHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin